Tuesday, May 24, 2005

Ang Hirap Mag-Pigil

Naranasan mo na bang magpigil ng tawa dahil baka mapagalitan ka o di kaya’y wala sa lugar ang pagtawa mo pero sa loob-loob mo ay humahalakhak ka na?

E ang umiyak ng tahimik kahit sa loob-loob mo e humahagulgol ka na?

Paano pa ang magpigil kumain kahit gutom na gutom na gutom ka na?

Ang magpigil ng utot kahit utot na utot ka na talaga…

Ang pag-pigil ng ihi kahit nararamdaman mong, lalabas na…

E ang magpigil ng tae? (syet ang hirap non…)

Ang magpigil magsindi ng yosi kahit yosing-yosi ka na..

Ang magpigil bumili ng luho dahil baka maubusan ka ng pera..

Paano ang magpigil sumagot sa nanay mo kahit hirap-na-hirap ka na?

E ang magpigil ng antok kahit nananaginip ka nap ala talaga…

Ang hirap mag pigil noh? Kahit konting-konti na lang ay…. sasabog ka na…

1 comment:

rOwLp said...

wowowee... ang ganda nito... hehe nakaka-aliw pero malaman =P hehe ngaun lng ulit ako nakabisita sa blog mo hehe senxa tingin ko pinakamahirap talaga ung mag-pigil ng tae haha pawis pawis ka pa! nyahaha