Mag-iisang buwan na ko dito sa amerika, pinoy... oo madami dito. Merong nagtapos ng pag-aaral, merong bakasyunista, merong dito na tumanda.. at meron naman hindi na marunong makipag usap ng tagalog. Kababayan, ka-bansa.. iisa pero hiwalay na ang paniniwala at pananaw para sa Pilipinas. Hindi ko sila masisi dahil malaki naman talaga ang kaibahan dito at dyan. Karamihan ayaw ng bumalik sa pinas, bakit kamo? "Mas maganda dito! wala kang mapapala sa Pinas!" yun ang sabi nila. Totoo hindi ba? O talagang wala na silang natitirang pag-asa para dyan?
Kasama sa kurso ko ang pagyakap sa inang bayan. Puta man ang ina mo, balasubas, madumi, bayaran... wala nang pupuri at magmamahal dito kundi tayong mga pilipino. Sino ba ang nagdumi at nagbugaw sa kanya? Hindi ba tayo din? Sukang-suka ka man sa bayan, hindi puwede talikuran mo na lang ito na parang.......... "wala lang..."
Hindi mo siguro namamalayan na naaapakan na ng husto ang Pilipinas.
Hindi nga ba?
3 comments:
kumbaga sa pamilya, pumunta ka man sa ibang lugar, magpalit ka man ng pangalan, magpaayos ka man ng mukha ang dugong nananalantay sa katawan mo pilipino pa rin. kahit magpadonate ka pa ng dugo.. PINOY KA!!! sana lahat tayo magtulong tulong para mapaangat ang bansa. un lang, kung di naten kayang mahalin ang pagiging pilipino naten wala nang iba pang makakagawa nun. Bow!! good job kc!
tama ka kesiyah... dapat mahalin pa rin ang pinas kasi kahit ano pa sabihin ng iba, utang natin ang buhay natin sa bayan... pinoy pa rin tayo kahit ano pa ang gawin natin di na natin matatalikuran yun dahil yun ang nasa dugo natin.. nice post... da best ka tlga gudjab!
"Puta man ang ina mo, balasubas, madumi, bayaran... wala nang pupuri at magmamahal dito kundi tayong mga pilipino" ---wow love that line! ako sa totoo lang gusto ko mangibang bansa dahil sa mas madaming oportunidad dun. di naman sa sinasabi ko na wala nang pag-asa dito sa pilipinas... sa tingin ko lang eh mas gusto lang ng ibang tao ng mas maginhawang buhay na sa tingin nila (at tingin ko) ay mahirap makuha dito sa pilipinas. kayang makuha, ayaw lang paghirapan... juan tamad ba? hehehe... pero mahal ko pa din ang pilipinas, don't get me wrong... kung gagamitin ko yung analogy mo tungkol sa ina, after a certain point in your life eh bubukod ka din naman sa ino mo diba? pero di ibig sabihin nun na di mo na siya mahal. kelangan mo lang makita kung ano ba kaya mo kapag wala ka na sa piling niya... Ü
Post a Comment