Hindi ko alam kung ano ang itatawag ko sa kanya, basta ang alam ko lang, mahalaga siya. Alam ko na nangangailangan siya ng tulong na panatiliin ang katahimikan sa kanyang pamamahay na minsan niyang tinawag na “tahanan.” Alam ko lumulubha na ang kalagayan ng ina niyang may karamdaman dulot ng hindi pagkakaunawaan ng kanyang mga kapatid. Alam ko puro na lang iringan at inggitan ang bumabalot sa kanila. Alam ko din, nalulon na naman ang ama niya sa bisyo na jueteng. Alam ko, pinaguusapan na siya ng kanyang mga kapit bahay. Alam ko, madaming naninirahang hayop sa bahay nila kaya hindi matigil ang kaguluhan doon. Alam ko, pasaway ang mga kapatid niya at binabale-wala ang rumurupok na bubong ng kanilang tinitirahan. Alam ko, ilang beses nang nakulong ang tatay niya kahit minsan wala naman itong kasalanan. Maraming nagsasabi, kumakapit na lang daw siya sa patalim para lang mabuhay. Nararamdaman ko, pinipilit niya lang mabuhay sa walang katapusang pag-asa kahit hindi na ito pinaniniwalan at hibang na ang tingin sa kanya ng iba. Alam ko, pinagtatawanan na siya ng ibang tao dahil pabagsak na ng pabagsak ang takbo ng kanyang buhay.
Gusto ko siyang tulungan kaso lang parang pinagtatabuyan naman ng nakararami ang tulong ko. Gusto kong magkaroon ng pagmamahal sa kanilang tirahan kaso lang parang hindi naman ito tinatanggap ng mga naninirahan. Gusto ko magising sila sa katotohanang marupok na ang kanilang bahay at kailangan na itong tibayan kaso lang parang ayaw naman nila maki-alam. Gusto ko sana ipagamot ang nanay niya kaso lang parang nilalason siya ng iba. Gusto kong ipatigil ang tatay niyang sugalero kaso lang sinisilaw naman siya ng pera…
Alam kong nahihirapan na siya…
Juan De La Cruz, kamusta ka na?
Monday, June 13, 2005
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
If COVID-19 Didn't Happen
"We will remember 2020 as a year of disease and death, and lockdowns that separated friends and relatives, and businesses from customer...
-
Sabado ng gabi, nasa Antipolo.. Dasal ako ng dasal habang umiiyak. Sabi ko sa Kanya, bakit hindi niya mabigay sa akin ang matagal ko nang hi...
-
i tried it and THANK GOD it worked! *whew!* Microsoft should create a newer software that is "bug free". My Zune 30 is frozen. Wha...
-
It’s Saturday evening and I chose to stay home and watch TV. I know I’ll get bored with watching TV but this movie changed my mood for the n...
1 comment:
bat ganun? ang husay mong magsulat... hanep kesiyah, next level to... ang ganda! u da gerl! gudjab
Post a Comment