Kalayaan, nararamdaman mo ba? Kung hindi, ikaw na ang pinaka-manhid sa balat ng mga pasaway. Kalayaan, nagagamit mo ba? Kung hindi, ikaw na ang pinaka-walang kwenta o pinaka-korny sa mundo ng sanlibutan. Nalait mo na ba ang presidente, ang mayor sa inyong lungsod, ang pare sa inyong simbahan, ang leader sa inyong grupo o ang president eng inyong korporasyon sa iyong sariling pamamaraan? Kung hindi, huwag kang magpahuli! “Freedom of expression…” UNLIMITED EDITION!!!!!!!!!!!! Wooohooo!
Alas-siete ng gabi, inaabangan ng lahat ng tao sa bahay ang pahayag ng pangulo tungkol sa isyu ng wiretapping. Kung wala kang pake-alam, pwes ako… MERON. At ang pangunahing reaksyon ng oposisyon? Pababain sa pwesto ang presidente. “She must not resign tomorrow, she must not resign next week, but rather… she must resign NOW!” Pwede ba bukas na lang? Gabi na eh. (Ahahaha joke lang!) Hanep diba? Kailangan pa bang i-memorize yan?
Tuwing may bagong presidente kailangan may EDSA rebelyon este rebolusyon. Kung wala, hindi cool. Kung hindi ka sasalungat sa reporma ng pangulo o sa gobyerno mismo… panget ka. Kung sasang-ayon ka sa panibagong bill na ipapatupad para maging batas, korny ka. Dapat laging pinapabagsak ang nakatataas, dapat laging may gulo sa pamahalaan, dapat laging may rally sa kalye. Kasi kung wala, ang boring.. Dapat si ganito ang nanalo, dapat siya ang natalo. Bumoto ka ba? E nabilang kaya? Bwahahahahaha! Wala nang naging maayos na presidente sa paningin ng nakararami. Hala sige! Kailangan lahat ng tao malaya magpahayag ng pag-salungat. Hindi pang-sang-ayon, pag-salungat lang. Iyon lang kasi ang nasa diksyonaryo natin. Kailangan lahat immoral at illegal ang pagpapatakbo ng gobyerno… pero dapat malinis sa mata ng mga tao. (ulol!)
Ano ang kasunod nito? EDSA-quatro? Dapat tayo ang bansang may pinakamaraming rebolusyon.
Ang premyo…
isang chickenjoy.

2 comments:
Ang sa akin lng bkait pa kailangng may di pagkakaunawaan?! dba dapat magtulungan na lng. Lecheng revolution yan... kailangn pa ba niyan para magkaroon ng pagbabago?! haaaayyyy penge ngang chicken joy.. hehehe
really enjoyed reading this blog... talagang nakangiti ako the whole time. ganda nang pagkasulat, totoong totoo ang mga sinabi mo... woohoo!
Post a Comment