Thursday, January 27, 2005

Bakit?

Kung puwede lang sana pigilan lahat ng kamalasan na dadating sa buhay ng isang tao edi sana lahat tayo masaya. Kung puwede lang sana pigilan lahat ng hinagpis, edi sana lahat tayo masaya. Kung puwede lang pigilan lahat ng kasablayan para maabot ang tagumpay ng walang kahirap-hirap…

Pero hindi puwede e

Lagi nalang sinasabi na kailangan maranasan lahat ng iyon para matuto at mauntog sa katotohanan. Pero bakit ba hindi nalang tayo matuto ng walang nangyayaring sablay sa ating buhay?

Busy na ko masyado sa eskwela. Maaga ako pumapasok at gabi naman umuuwi. Pero, hapon talaga ang klase ko. Kinailangan kong pumasok ng maaga kahit hindi ko naman talaga gusto. Mahirap gumising ng maaga ano! Pero pinipilit kong gumising dahil sa mga pangarap ko.

Bakit may ibang hindi naman nag sasakripisyo pero naabot pa din ang pangarap? Meron din naman, ang lakas ng loob mangarap pero wala naman siyang ginagawa. Hindi sa nagbubuhat ako ng sariling bangko pero hindi kaya, ang daya naman yata non?

Patagal ng patagal, nararamdaman ko ang pagkawalay ko sa mga kabarkada at pamilya ko. Buong araw akong nasa eskwela tapos paguwi ko, gagawa ako ng mga paper works tapos matutulog na. Hindi ko na naabutan ang mga tao dito sa bahay. Naisip ko, kagustuhan ko naman ito, ako pumili ng ganitong pamumuhay iyon ay para lang maabot ang tagumpay na hindi ko naman alam kung kailan dadating. Naiinis ako dahil naaaapektuhan na ang aking pagiisip at personal na pakiramdam dahil sa nangyayari sakin. Lagi nalang ako aburido, mainit ang ulo at iritado. Parang kinukumpara ko lahat ng tao sa sarili ko.

Bakit siya ganyan? Ako ganito…Bakit siya tulog pa din ako papunta na ng eskwela? Bakit siya pumasa ng hindi nagaral, ako kinailangan ko pang magpuyat para makapasa? Bakit siya nakakalabas at nakakagimik pa pero ako lagi nalang busy? Bakit ganon siya, ako hindi? Bakit siya late sa interview pero pasado pa din, ako pumasok ng maaga dahil bawal daw ang late? Bakit siya pa easy easy lang ako kailangan ko pang magsikap? Bakit siya pinagbigyan ako hindi? Bakit pasado siya sa thesis kahit hindi siya nag defense pero ako halo mangiyak ngiyak na para makapag defense dahil baka bumagsak ako. Bakit siya na walang ginawa swerte pa din e bakit ako hindi? Bakit ganon?

Masama magkumpara pero hindi ko mapigilang ikumpara ang sarili ko sa iba. Insecure? Hindi naman! Napapansin ko lang na talaga ngang totoo na “life is unfair” bakit ang mga mahihirap pahirap ng pahirap tapos ang mga mayayaman at yumayaman pa din? Naiinis ako, bakit ganon?

Hindi ko lang talaga matanggap kung bakit may mga taong walang ka kwenta-kwenta pero natatanggap nila yun. May mga taong walang silbi pero ayos lang sa kanila. At may mga tao namang hindi masikmura ang ganong pamumuhay. Kinailangan magsikap para lang sa pangarap.

Hindi sa pagdadamot, pero sana ang pangarap ay para lang sa mga taong karapat dapat mangarap. Ang tagumpay ay para lang sa mga taong pinaghirapan ang tagumpay. Pero dahil nga “life is unfair” wala tayong magagawa.

Naisip ko tuloy, may pinanganak talagang swerte at mayroon din namang malas…

E ako kaya?






3 comments:

rOwLp said...

meron tlgang mga ganyang tao kesi yah... meron nga akong kklase na laging tulog sa class at ung mga major pa ang tinutulugan nia, isang beses nasita sia ng prof pinag-solve ng isang problem sa quanti chem ayun nasagot nia ng tama kumpleto ang solution... dean's lister pa ang kumag, ang iba ko ngang mga kaklase nababadtrip kasi sia kahit tulog lagi, isa sa mga nangunguna sa class.. ang daya noh? minsan nga natatanong ko sa sarili ko "ano bang klaseng aral ang ginagawa nio at ganyan kau kahusay? parepareho lng nmn taung nagaaral" ganyan lng tlga siguro ang ibang mga tao mahusay tlga... ung busy normal na ata tlga yan... ako nga 12 hrs lang ang pinamamalagi sa bahay... wahehe malas tlga... gandang article you da best p rn

Kalowee said...

parte talaga ng buhay ang kamalasan at parti din ang serte. Thats what makes life mysterious and at the same time beautiful. At least balanse lhat diba! may kagandahang dumadating at may kamalasan din nmn. Ang problema lang sa tao ay minsan puro na lng yung masamang aspeto ng buhay ang nakikita at di na napahahalagahan ang mga maliliit na kabutihan at kaganndahan ng buhay! :)

keloyd said...

pare, kung anu man ang ibigay na baraha sayo ng buhay banatan mo lang hindi yan sa kung anu ang nakuha mo.. kundi kung panu mo nilaro, anu naman kung masmahaba ang ihi nya? pareho lang kayong kanin ang kinakain.. bakit mo pa kelangan ikumpara sarili mo sa iba? sinu ba sila.. sarili mo lang isipin mo, relaks ka lang, kung may problema ka tawagan m lang ako tatagayan kita..

If COVID-19 Didn't Happen

"We will remember 2020 as a year of disease and death, and lockdowns that separated friends and relatives, and businesses from customer...