Tuesday, August 02, 2005

Pag-ibig

“Ang pag-ibig ganyan talaga…”
pagbago, masaya.

Pag-ibig sa asawa, sa bayan, sa subject, sa trabaho, sa bahay, sa cellphone, sa serbisyo, sa girlfriend/boyfriend, sa alagang hayop, sa idol, sa computer, sa bisyo, sa katabi… sa lahat. Pag-ibig na nakakapagpabago ng katayuan at nakaka-ginhawa. Pag-ibig na may paninigurado at karapat-dapat. Pag-ibig na kaaya-aya at maganda. Pag-ibig na masarap at sapat.

Pag-ibig na dating sigurado, sa una lang masarap pero ngayon, hindi na. Pag-ibig na nawalan ng gana, tyaga at ganda pero ngayon, pangit na.

Ilang araw, linggo, buwan at taon ka nang may pag-ibig? May nagbago ba o ganoon pa din and pakiramdam ng pag-ibig? Masaya at nakakainggit. Puwede mong ipagyabang sa kahit na sino dahil walang makakapigil sa pag-ibig. Pero nang nakupasan na ng panahon, hindi ka ba nagsawa o nawalan ng gana dulot ng mga dahilang hindi kinaya ng pag-ibig.

Oo nga’t kasal pa din kayo, nagsisilbi ka pa din, pumapasok, nagtatrabaho, naglilinis ng bahay, nagtetext, nagbibigay serbisyo.. Oo nga’t hindi pa kayo naghihiwalay, pinapakain mo pa siya, pinapanuod, tinititigan o ginagamit... Pero nasaan na ang iyong pakiramdam?

Nasaan na ang tunay na pag-ibig?

6 comments:

Mikkay said...

nasaan na ang pag-ibig??
pag-ibig nga naman, minsan nakakapagod na rin....

keloyd said...

pag-ibig sa sarili... pag-ibig sa sarili para bigyang respeto ang sarili.. pero minsan.. sukdulan na.. ndi na pagibig sa sarili.. kaswapangan na..

goksmeister said...

pag-ibig? asa labas lang sya ng kwarto mo..nag-aantay sayo...kausapin mo lang sya ng maayos...

Tabuena arts central said...

cool and sexy writing, keep up the blogwork girl!
fantastic and interesting pag-ibig! :-)

Anonymous said...

pag-ibig itinakda, kaya pag sawa na wag na mag t'yaga... ano ka martir? ipahinga na puso... baka maagang bumigay.

Anonymous said...

pag-ibig sa asawa...sakripisyo at tunay na pagmamahal yan...damhin mo habang nabubuhay pa ang kabyak ng puso mo...ang hirap at ang lungkot pag wala na kase.

If COVID-19 Didn't Happen

"We will remember 2020 as a year of disease and death, and lockdowns that separated friends and relatives, and businesses from customer...