Sunday, October 10, 2004

Pasalamat

Fiesta na naman sa amin. Dali-dali akong bumaba ng bahay para tingnan ang ginagawa ng nanay ko. Baka kasi nagluluto na siya ng pagkain dahil fiesta. Baka lang naman eh. Aalis daw siya at siya ay magliliwaliw. "E paano ako magsisimba? Sino kasama ko?" Bahala na daw ako kung sino kasama ko. Hindi ko alam kung bakit ako nalungkot. Dapat nga sanay na ako sa ganon dahil hindi naman talaga uso sa amin ang "bongding moments". Hindi uso sa amin ang bonding tuwing sunday, christmas, new year, anniversary ng parents ko, valentines, araw ng kagitingan, araw ng edsa, fiesta, kaarawan ni sharon cuneta, at kung anu-ano pa. Pero hindi ko din alam kung nagdradrama ako o talagang nakakalungkot.

Yinaya ko ang kaibigan ko magsimba. Hindi ko inakala na sasamahan niya ako, at dalawa pa sila. Buti nalang may kaibigan ako. Nasimulan namin ang misa kaya naman naisipan kung pakinggan ang sermon. Hindi kasi talaga ako nakikinig ng homily pero ewan ko kung bakit naisip ko makinig ngayon. Kailangan daw magpasalamat sa lahat ng bagay. "Be thankful. everyday is a thanksgiving day." Umiba ang takbo ng isip ko. Naisip ko na, oo pasalamat nga ako may pamilya ako. Hindi man kami nagsasama at nagbobonding, alam ko pa din na nandiyan sila pag kailangan ko sila.

Bigla akong natauhan. Buti pa nga ako, naisip ko pa magkaroon ng bonding moments kasama ang pamilya ko at namomoblema ako kung bakit wala kaming panahon sa isa't-isa. Samantalang yung ibang tao, iniisip kung may makakain ba sila ng pamilya nila sa hapunan. Minsan ansama ng pakiramdam ko dahil sobrang nabusog ako. Samantalang yung ibang tao, ansama ng pakiramdam dahil matatapos na ang araw hindi pa din sila nakakakain. Minsan naisip ko, ayoko na ng cellphone ko. Gusto ko naman yung bago. Samantalang yung ibang tao, nagnanakaw pa ng cellphone basta magkaroon lang.

Naisip ko, kailangan kong makuntento sa anong meron ako. Magpasalamat sa anong dumating sa akin. Magsaya, magdiwang dahil oo, buti nalang nagising pa ako. Oo, buti nalang umaga na naman, humihinga pa ako. Pasalamat ako may pasok na naman bukas. Buti nga nakakapag-aral ako. Pasalamat ako sa babagal-bagal kong computer. Buti nga meron kahit papaano. Nalasing ako kagabi, pero salamat pa din. Dahil swerte ko nga may panahon pa akong makipag-inuman sa mga kaibigan ko.

Pare, kung naiirita ka na sa nanay mo.. Buti nga may nag-aalala pa sayo. May nagagalit, may nangungulit pag hindi ka pa umuuwi sa kalagitnaan ng gabi. Pasalamat ka may nanay ka. Hindi mo matanggap na hotdog na naman ang ulam mo sa umaga, pero magpasalamat ka nga at may ulam pa. Natawa ako minsan pagdating ko sa bahay, gutom na gutom na ako at madali akong umupo sa hapag-kainan. "Oh! eto nalang ang ulam?! Ang konti naman..." Bigla akong binatukan ng utol ko, "pasalamat ka nga tinirahan ka pa e!" Oo nga naman, buti nga may ulam pa eh.

Napakababaw ng artikulo kong ito pero kailangan ko lang talaga ipamahagi sa inyo. Pasenysa na kung mahaba ang sinulat ko...

Wag ka na magreklamo...

Pasalamat ka nalang at nababasa mo pa ito.

3 comments:

NinayorBegger said...

at pasalamat ka sa paring nagbigay sayo ng inspirasyon para sa blog na 'to. copyrighted yun uy!

pero seryoso, ganda talaga nung message ng pari. everyday is a blessing. everything is a blessing. everyone is a blessing. minsan akala natin, pagpapahirap at pagpasakit lang ng buhay natin ang mga nararanasan natin. pero hindi naman talaga ganun kahirap, hindi ganun kasakit.

gaya ng sabi ni caloi at ate joks sa kanilang talk, iba-iba ang level ng paghihirap o kalungkutan ng bawat tao. pero ang babaw talaga minsan kumpara sa iba. wag na natin isipin ang dusang dinanas ni Hesus. isipin na lang natin ang ating mga kapatid sa squatters o nasa lansangan. wala silang pera, walang bahay na tunay, minsan walang magulang, walang nagmamahal. tapos tingnan natin ang ating problema... oo sige magreklamo tayo tungkol sa problema natin. pero hanggang verbal na reklamo na lang. wag na nating isapuso na mga kawawang nilalang tayo dahil hindi tayo kawawa. wag na nating i-condemn ang buhay na akala natin ay napaka-shitty dahil siguradong may ibang mas tae pa ang buhay nila.

dapat talagang imbis na magreklamo, magpasalamat na lang tayo. biruin mo, naka spaghetti spaghetti tayo! odiba? hahaha!

Maky Dudap said...

We should be thankful even on those little things we have and other dont have. be contented kumbaga :)

Gud jab ka dito kc! Makinig ka lagi sa pari at hinde lang sa pari. Even others have an inspirational thing to say :) parang ako, pag binisita mo uli blog ko. Hahaha! jk lang ah..

Yun lang, keep up the gud work *apir* mabuhay ang mga bloggers na 2lad natin!

aaRon said...

kc!!! mdyo napaluha mo ko dito!! ang lupet nito!!.. sana my dumating pang mas malupet!!!.. salamat!!

If COVID-19 Didn't Happen

"We will remember 2020 as a year of disease and death, and lockdowns that separated friends and relatives, and businesses from customer...