Wednesday, December 29, 2004

Katandaan

Alas dos na ng umaga at hindi pa din ako nauubusan ng lakas. Masyado ata akong naapektuhan ng kape. Gusto ko ng matulog pero hindi ako makatulog, gusto ko ng humiga pero bangon pa din ng bangon. Naisip ko nalang gumawa ng blog.. Yan, hala sige… magblog ka hangga’t gusto mo KC!

Kung iisipin mo, mabilis lang ang xmas vacation pero parang ang tagal tagal ko ng nakahilata at nagpapaka buhay tamad dito sa bahay. Malapit na naman ang pasukan, at sigurado akong wala na namang humpay ang pag bi busy-busyhan ko. Makakalimutan ko na naman ang salitang “pahinga”… Hindi na nawala ang ubo’t sipon ko, hindi ko alam kung bakit. Humahapdi na ang ilong ko sa kakasinga. Tingnan mo! Sa sobrang walang magawa, pati ito na kwento ko na. Maglinis daw ako ng kwarto ko sabi ng nanay ko. Tinatamad talaga ako! Gusto ko nang pumasok…..

Napapadalas na naman ang pagpupuyat ko, pati pagnood ng tv naging gawain ko na din. Hindi naman ako ganito dati…Napansin ko lang, iyakin ako ngayon sa mga drama. Hindi naman ako ganoon dati e. Tumatanda na ata ako, hala… kagaya na ko ni mommy!!

Matanda na si mommy.. lalo naman si lola! Makakalimutin, iritable at unti-unti ng nagiiba ang ugali nila. Pareho silang nagkakainisan dahil pareho silang nakakairita pakinggan. Natatakot akong tumanda.. ayoko pa! Pero lahat naman tayo dadating sa ganon. Dadating ang panahon at kukutyain din ako ng mga bata dahil sa katandaan ko. Hindi na ko siguro makakapag puyat non katulad ng ginagawa ko ngayon. Lagi na siguro akong nagrereklamo dahil sa sunod-sunod na pananakit ng iba’t-ibang parte ng katawan ko. Kailangan ko ng alagaan ng husto ang kalusugan ko dahil sa simpleng dahilan na… Tumatanda na ko.

Ano naman kaya ang itsura ko pagtanda ko? Kulubot na ang balat, puti ang buhok at nakakuba? Naku wag naman sana! Masungit daw ako pagtanda ko sabi ng nanay ko… Ahahaha! Hala… hindi na ko magugustuhan ng mga bata niyan. Wala na din akong pakinabang niyan pag umuugod-ugod na ko. Sabi nila, tinatapon daw ang mga matatanda sa amerika. Yun ung sabi sa akin nung bata pa ako, totoo kaya? Naisip ko… kawawa naman sila.

Matagal ding nakinabang ang lipunan sa kanila, may ibang nagbibo-bibuhan at iba namang… wala lang. Tapos ganoon nalang ba pagtanda nila? Pagtatawanan, kaiinisan dahil sa babagal-bagal at ano? Itatapon kung saan puwedeng may mag-alaga sa kanila.. Ang saklap hindi ba? Naalala ko tuloy yung kamamatay kong lola. Pinagpapasa-pasahan siya ng mga anak niya nung nabubuhay pa siya dahil wala daw silang panahon mag-alaga. Walang panahon pero ang totoo ayaw lang nila. Kami nalang ang nag-alaga dahil malaki ang utang na loob ng tatay ko sa kanya. Siya daw kasi ang nagpalaki at nag-aruga sa tatay ko nung bata pa siya. Minsan nakikita ko nalang siyang nakaupo sa isang sulok at… wala! Nakatunganga, tahimik at alam kong nakakalungkot ang ganoong buhay. Bumalik na siya sa pagkabata kaya hindi maiiwasang naguulianin na siya. Sa amin namatay si lola, ay hindi pala… sa akin pala! Oo, kayakap ko siya nang siya ay nalagutan ng hininga.. Ayoko ng ikuwento pa, nakakalungkot lang at magulo ang istorya.

Naisip ko…gugustuhin ko nalang sigurong mamatay ng medyo bata-bata pa kaysa naman pagpasa-pasahan ako ng karamihan. Ayaw kong magtagal dito sa mundo na walang pakinabang. Oo! Walang pakinabang.. Ganoon naman ang tingin nila sa mga matatanda, walang silbi. Pero hindi ata nila naisip na papunta palang tayo… sila matagal ng nakabalik.

Nakadanas na sila ng sangkatutak na paghihirap at tagumpay, mas marami na din ang experience nila kaysa sa mga taong nasa kasalukuyan. Minsan nga pag nakikipagusap ako sa matanda, natutuwa ako kasi andami niyang alam. Hindi ko alam kung totoo lahat ng iyon pero bilib ako sa mga pinagdaanan niya. Matanda na pero malakas pa din. Wala ng silbi ang kanyang kalakasan dahil hindi naman siya pinapansin ng lipunan. Mabibilib ka lang siguro dahil parang bata-bata pa ang kanyang kalakasan.

Hindi naman siguro importanteng maging sikat, bayani, pinaka mayaman o pinaka crush ng bayan ka noong ika’y bata-bata pa. Ang importante ay kung nabuhay ka sa kung anong klaseng buhay ang gusto mo.

Paano kaya ang mga tumandang walang asawa? Kawawa naman ano… Walang kalinga sa pagdaon ng katandaan. Naghihintay na lamang sila ng mga kamag-anak na may pusong mag-aalaga sa kanila.. Kawawa.. yun lang talaga ang masasabi ko..

Sana lang hindi ako malasin pagtanda ko, yung bang… hindi ako pagpapasa-pasahan. Ayoko non! At sino naman kaya ang may gusto? Nakakalungkot pero hindi ko naman alam ang mangyayari pagdating ng panahon na iyon…Basta sana lang pagtanda ko….

Huwag sana ako maging kawawa sa paningin niyo….



3 comments:

aaRon said...

mahalaga pa din talaga ang pamilyang pinoy.. lahat nandidito na.. aalagaan at aarugain ka hanggang sa pag tanda.. hanggang mamatay.. yan kung ano ang mga pinoy.. ultimo d kakilala inaalagaan.. sabi nga ng mahal na supremo.. walang masaya sa mundong eto.. masarap lang mabuhay sa mundo... naniniwala naman kasi ako na kung anung itinanim mo syang aanihin mo.. kung nagawa mo dating mag alaga.. malamang pag tanda mo.. my mag aalaga din sayo.. d nga lang natin alam kung sino?.. dba?

haay... sana lang pagtanda ko din.. my magaalaga saakin.. mahirap ang wala..

Kalowee said...

Hindi dapat katakutan ang pagdating natin sa katandaan. Lahat naman siguro tau darating jan. Wag sana tau magnais na hwag umabot sa pgkamatanda, imagine mo na lang: anong mararamdaman ng mga magulang mo kung nauna ka sa knila diba?! hindi ba't mas masakit yun. Ang importante lang ay mabuhay tau ayon sa kagustuhan natin at ng batas ng Diyos habang nabubuhay ng may kaligayahan sa puso. Oo lahat tau nagiisip na may magaaruga kaya satin sa pagtanda natin?! Magiisa kaya tau?! Sa totoo lang sa daloy ng ating buhay, kahit kailan ay di tau nagiisa (naks retreat na ito), Parati taung may kasama, may karamay. Dapat lang handa tau sa ano mang pagbabago sa buhay khit yan pa ay dumating sa ating pagka-matanda. :)
Nice one agen KC'Yah!

NinayorBegger said...

"Dadating ang panahon at kukutyain din ako ng mga bata dahil sa katandaan ko."

kaya wag natin kutyain ang matanda... para di tayo karmahin pagdating ng panahon. ganyan ang naiisip ko madalas lately eh. karma. kaya tinatry kong maging mabait sa lahat... pero ang hirap.

condolence sayong lola... she died in yor arms? naluha ako nung nabasa ko yun... at least bago siya mamatay, nasenyo na ang lola mo. di na siya pinapasa. may nag-alaga na sa kanya. balang araw ganyan din sana mangyari satin. na merong magaalaga... siguro kung aalagaan lang natin ang mga mas matatanda satin ngayon, good karma ang labas niyan pag tayo na ang matanda...

If COVID-19 Didn't Happen

"We will remember 2020 as a year of disease and death, and lockdowns that separated friends and relatives, and businesses from customer...