Thursday, January 01, 2009

kaguluhan ng isang "techy"

Pagtapos kong ipagpalit ang iPod ko sa ZUNE... ganito ang mapapala ko!! this aint right!!


Di ko inaakala na pati mp3 player pwedeng magloko sabay-sabay. Akala ko para lang ito sa ibang gadgets gaya ng computer o kaya cellphone.. pati mp3 player pala hindi pinatawad.

Pag minamalas nga naman, talagang New Year pa sumakto ang ganitong ka echosan! Kung kailan ko gusto mag soundtrip, dun naman biglang nagloko ang Zune. Sabi sa nabasa kong article, pinaliwanag ng Microsoft kung bakit may Z2K (http://latimesblogs.latimes.com/technology/2008/12/microsoft-to-zu.html) kagabi. Dahil leap year ang 2008, nanibago daw ang Zune sa bilang ng araw. At dahil dito, tumigil ang mundo ng Zune ng New Year. NICE NOH!!

Sabi ko nga sa isa kong kaibigan, kung gaano ka hi-tech ang gadget, ganon din ka hi-tech ang sasabutahe dito. May nalalaman pang leap year-related ang nangyari. Biruin mo!!

Sana lang gumawa ang Microsoft ng maayos na firmware para hindi na ito maulit. Kasi kung hindi, mangyayari at mangyayari ang ganitong ka-echosan tuwing leap year. Kahit pa sabihin ng Microsoft na pag nangyari ito, papalipasin lang naman ng isang araw tapos aayos na ulit ang Zune mo. Kung baga, kailangan lang maintindihan namin (Zune users) na napaka-simple lang naman ang solusyon sa Z2K kaya wag na kami mag-inarte! E hindi naman sa nag-iinarte diba, natural aakalahin kong nasira na nang tuluyan ang player ko sa walang kasiguraduhang dahilan..

Sana lang talaga... Naku Microsoft! Andaming tao ang dumedepende sa inyo kaya pwede lang.... "AYUSIN NIYO BUHAY NIYO!!" ahahahahaha!




No comments:

If COVID-19 Didn't Happen

"We will remember 2020 as a year of disease and death, and lockdowns that separated friends and relatives, and businesses from customer...