"Wala kang direksyon"
Isa ito sa pinaka tagos sa butong maririnig mo pag ang buhay mo ay wala talagang malinaw na patutunguhan. Minsan ko na itong nasabi sa iba pero hindi ko alam ang pakiramdam niya noong sinabi ko iyon sa kanya. Hindi ko alam na talaga palang mapapaisip ka kung totoo ang narinig mong sinabi sa iyo. Yun e kung nasa tama kang pag-iisip. (ahahahaha)
Wala akong kamalay-malay, hindi ako handa. Bigla akong sinabihan ng nanay ko kanina na wala daw direksyon ang buhay ko. Hindi ko agad ito nalasahan, hanggang sa unti-unti ko itong naramdaman. Hindi makatarungan, masakit, pero parang totoo.
Pilit kong kinalimutan ang sinabi sa akin ni mommy pero hindi ako nag tagumpay. Ngayon, napapaisip na naman ako. Hating gabi, naghahanap ako ng trabaho sa internet. Para lang akong tanga diba? Mabuti pa ang iba diyan... Hindi nakatapos pero manager. E ako, nag masteral pero walang trabaho. Ayos na ayos lang e. Talaga naman.... talaga naman........
Kahit ano pa man ang marinig ko, alam ko na hindi ako pagtataguan ng nanay ko. Ika nga niya, sa lahat ng tao, siya lang ang makakapag sabi sa akin lagi ng totoo. Edi ibig sabihin, totoo nga!! Thanks mom. (haha)
Sa katayuan ko ngayon, bigla akong natakot magisip ng 'long-term'. Hindi ako sigurado, wala akong kahit anong CLUE!! Kung baga, isang malaking SECRET na walang CLUE! Mas mainam pang malaman ko nang mamalasin ako kesa sa wala talaga akong alam. Juskopolord! Buti na lang intsik-intsikan ako, at sa Pebrero pa talaga ang pasok ng bagong taon. Ibig sabihin, kung malas ako, hindi ito kabilang sa taon ng 2009. (oo na..... wag ka nang makealam! pagbigyan mo na lang ak diba..)
Yun lang naman.... napaisip lang. next time ulit.
Sunday, January 04, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
If COVID-19 Didn't Happen
"We will remember 2020 as a year of disease and death, and lockdowns that separated friends and relatives, and businesses from customer...
-
Sabado ng gabi, nasa Antipolo.. Dasal ako ng dasal habang umiiyak. Sabi ko sa Kanya, bakit hindi niya mabigay sa akin ang matagal ko nang hi...
-
i tried it and THANK GOD it worked! *whew!* Microsoft should create a newer software that is "bug free". My Zune 30 is frozen. Wha...
-
It’s Saturday evening and I chose to stay home and watch TV. I know I’ll get bored with watching TV but this movie changed my mood for the n...
No comments:
Post a Comment