Saturday, January 17, 2009

Alaalang sinunog kaninag umaga.

Nabasa ko sa bago kong planner na pag early 20s, ok lang daw talaga maging emotional ka.. kasi natural lang daw yun sa ganong ka-edaran. Edi ibig sabihin pala, normal pa tong nararamdaman ko?

Naglinis ako ng kwarto ko kahapon, para sa akin, yon na ang pinaka malupit kong paglinis. Hindi mashado makintab ang sahig, may mga naiwan pang alikabok sa 4 na sulok ng aking tulugan pero ang pakiramdam ko, anlaki ng pinagbago ng kwarto ko.

Tinapon ko na kasi ang mga letters na nasa shoebox. Limang malalaking shoebox yun na punong puno ng letters. Simula grade 5 hanggang 4th year college. Simula sa araw-araw na chikahan hanggang sa retreat letter, pati ang pamamaalam sa pagkakaibigan andon. Waaaaaaaaaah!

Matagal ko nang pinagiisipan kung ano ang gagawin ko sa mga yun. Malaki kasi ang nasakop niya sa cabinet ko. Ok lang naman kasi e! Pero minsan pumapasok sa isip ko na ilipat ng pwesto ang mga yon. Para sa akin kasi, basura man ang tingin ng nanay ko sa mga shoebox na yun, Importanteng dokumento naman ang tingin ko sakanila. Tuwing nabuburo kasi ako sa kwarto, nagbabasa ako ng isang letter. Natatawa ako kasi bata pa lang ako, ang mahadera ko na. ahahahaha!

Kaso, sa kasamaang palad, nagtagumpay ang nanay ko. hindi ko ito tinago sa bodega, hindi ko ito linigpit at binaon sa lupa, kundi, napilit niya akong itapon na lahat ng yon! Wala na. Wala na! nagsunog na ng basura yung kasambahay namin kanina. Grabe... hindi ko alam bakit ako nagkaganito. Para kasi sa mga ma-sentimentong tao na katulad ko, mahirap ipamigay ang bagay na binigay.. e lalo pa ang magtapon?! &*#%^@! pati pala yung laruan..... natapon ko din!!! NICE ONE KC!

Kung mayaman lang talaga ako, at may sarili akong bahay... papatayo ako ng "my personal museum". Nakalagay don ang lahat ng mga bagay na magpapa-alala sa akin ng lahat ng bagay. Tapos, sisiguraduhin kong nasa fire-proof container lahat ng iyon haha! Pero, sabi ko sa sarili ko, yung mga litrato na naka tambak sa kwarto ko, hinding-hindi ko yun itatapon. Kahit man lang sa picture diba.............................

Buti na lang talaga may internet. Kasi kahit papaano, nagtatagal ang mga pictures, audio & video records, at ang mga blogs. Sana naman, hindi tamaan ng kung anong virus ang mga websites na pinag iimbakan ko ng mga yon... (napa-isip kung posible..)

Sa susunod na magpatapon sa akin ulit ang nanay ko ng mga "treasured things" ko, hindi ko siya susundin! ililipat ko na lang yun sa kwarto niya. ahahahahaha!




No comments:

If COVID-19 Didn't Happen

"We will remember 2020 as a year of disease and death, and lockdowns that separated friends and relatives, and businesses from customer...