Friday, January 02, 2009

hasel sa masel

year of the Ox ngayon diba? dapat swerte ako! e jusko, pag pinaglalaruan ka nga naman ng panahon o' umagang-umaga bubulaga na agad ang malas sayo.

4 am na ko nakatulog kagabi, at dahil don, kaunti pa lang ang byahe ng tulog ko pagpatak ng 6 am. pero dahil malas ako, may impaktang tawag ng tawag sa SUN ko para makipag text at call mate. talaga namang hindi niya ko tinantanan!!! hanggang hindi niya ko magising. pwes, natupad ang kanyang maitim na balak at nagising nga ako...

napaka sama at ubod sa sama ng gising ko tuloy. ika nga nila, lokohin na ang lasing... wag lang ang tulog at ang bagong gising.. samakatuwid, dinaig ko pa ang namatayan sa sama ng loob pag dilat ko at dinaig ko pa ang nabuhusan ng kumukulong tubig sa init ng ulo ko.

pinagbuntungan ko tuloy ng galit ang laptop ko dahil pakiramdam ko, ang laptop ko lang ang dadamay sa akin sa ganitong katayuan. sa sobrang init ng ulo ko... ang ending? hulaan niyo......



nasira ko ang laptop ko!!! juskopolord!!! patawarin!!!


nagka leche-leche ang umaga ko. 7 am pa lang at pakiramdam ko, 2 araw na akong nagdadalamhati sa problema ko. rineformat ko tuloy ng di oras ang laptop ko.

nakuuuuuu!!!!! subukan lang ulit akong guluhin ng bwiset na ''caller'' na un sa SUN ko at makakatikim siya ng sagad sa butong mura ko ng BONGGANG-BONGGA hanggang sa mamatay siya!!!!

kung bakit naman kasi, may mga taong walang magawa at mag ''rarandom dial'' para lang makahanap ng text/call mate e. ganon na ba talaga ang epekto ng boredom?!?! aba naman teka!! kung wala kang magawa sa buhay mo, pakamatay ka na lang kesa sa mambulabog ka ng isang insomniac na nagpupumilit matulog na katulad ko.. diba?

yun lang.....

No comments:

If COVID-19 Didn't Happen

"We will remember 2020 as a year of disease and death, and lockdowns that separated friends and relatives, and businesses from customer...