Wednesday, December 29, 2004

Katandaan

Alas dos na ng umaga at hindi pa din ako nauubusan ng lakas. Masyado ata akong naapektuhan ng kape. Gusto ko ng matulog pero hindi ako makatulog, gusto ko ng humiga pero bangon pa din ng bangon. Naisip ko nalang gumawa ng blog.. Yan, hala sige… magblog ka hangga’t gusto mo KC!

Kung iisipin mo, mabilis lang ang xmas vacation pero parang ang tagal tagal ko ng nakahilata at nagpapaka buhay tamad dito sa bahay. Malapit na naman ang pasukan, at sigurado akong wala na namang humpay ang pag bi busy-busyhan ko. Makakalimutan ko na naman ang salitang “pahinga”… Hindi na nawala ang ubo’t sipon ko, hindi ko alam kung bakit. Humahapdi na ang ilong ko sa kakasinga. Tingnan mo! Sa sobrang walang magawa, pati ito na kwento ko na. Maglinis daw ako ng kwarto ko sabi ng nanay ko. Tinatamad talaga ako! Gusto ko nang pumasok…..

Napapadalas na naman ang pagpupuyat ko, pati pagnood ng tv naging gawain ko na din. Hindi naman ako ganito dati…Napansin ko lang, iyakin ako ngayon sa mga drama. Hindi naman ako ganoon dati e. Tumatanda na ata ako, hala… kagaya na ko ni mommy!!

Matanda na si mommy.. lalo naman si lola! Makakalimutin, iritable at unti-unti ng nagiiba ang ugali nila. Pareho silang nagkakainisan dahil pareho silang nakakairita pakinggan. Natatakot akong tumanda.. ayoko pa! Pero lahat naman tayo dadating sa ganon. Dadating ang panahon at kukutyain din ako ng mga bata dahil sa katandaan ko. Hindi na ko siguro makakapag puyat non katulad ng ginagawa ko ngayon. Lagi na siguro akong nagrereklamo dahil sa sunod-sunod na pananakit ng iba’t-ibang parte ng katawan ko. Kailangan ko ng alagaan ng husto ang kalusugan ko dahil sa simpleng dahilan na… Tumatanda na ko.

Ano naman kaya ang itsura ko pagtanda ko? Kulubot na ang balat, puti ang buhok at nakakuba? Naku wag naman sana! Masungit daw ako pagtanda ko sabi ng nanay ko… Ahahaha! Hala… hindi na ko magugustuhan ng mga bata niyan. Wala na din akong pakinabang niyan pag umuugod-ugod na ko. Sabi nila, tinatapon daw ang mga matatanda sa amerika. Yun ung sabi sa akin nung bata pa ako, totoo kaya? Naisip ko… kawawa naman sila.

Matagal ding nakinabang ang lipunan sa kanila, may ibang nagbibo-bibuhan at iba namang… wala lang. Tapos ganoon nalang ba pagtanda nila? Pagtatawanan, kaiinisan dahil sa babagal-bagal at ano? Itatapon kung saan puwedeng may mag-alaga sa kanila.. Ang saklap hindi ba? Naalala ko tuloy yung kamamatay kong lola. Pinagpapasa-pasahan siya ng mga anak niya nung nabubuhay pa siya dahil wala daw silang panahon mag-alaga. Walang panahon pero ang totoo ayaw lang nila. Kami nalang ang nag-alaga dahil malaki ang utang na loob ng tatay ko sa kanya. Siya daw kasi ang nagpalaki at nag-aruga sa tatay ko nung bata pa siya. Minsan nakikita ko nalang siyang nakaupo sa isang sulok at… wala! Nakatunganga, tahimik at alam kong nakakalungkot ang ganoong buhay. Bumalik na siya sa pagkabata kaya hindi maiiwasang naguulianin na siya. Sa amin namatay si lola, ay hindi pala… sa akin pala! Oo, kayakap ko siya nang siya ay nalagutan ng hininga.. Ayoko ng ikuwento pa, nakakalungkot lang at magulo ang istorya.

Naisip ko…gugustuhin ko nalang sigurong mamatay ng medyo bata-bata pa kaysa naman pagpasa-pasahan ako ng karamihan. Ayaw kong magtagal dito sa mundo na walang pakinabang. Oo! Walang pakinabang.. Ganoon naman ang tingin nila sa mga matatanda, walang silbi. Pero hindi ata nila naisip na papunta palang tayo… sila matagal ng nakabalik.

Nakadanas na sila ng sangkatutak na paghihirap at tagumpay, mas marami na din ang experience nila kaysa sa mga taong nasa kasalukuyan. Minsan nga pag nakikipagusap ako sa matanda, natutuwa ako kasi andami niyang alam. Hindi ko alam kung totoo lahat ng iyon pero bilib ako sa mga pinagdaanan niya. Matanda na pero malakas pa din. Wala ng silbi ang kanyang kalakasan dahil hindi naman siya pinapansin ng lipunan. Mabibilib ka lang siguro dahil parang bata-bata pa ang kanyang kalakasan.

Hindi naman siguro importanteng maging sikat, bayani, pinaka mayaman o pinaka crush ng bayan ka noong ika’y bata-bata pa. Ang importante ay kung nabuhay ka sa kung anong klaseng buhay ang gusto mo.

Paano kaya ang mga tumandang walang asawa? Kawawa naman ano… Walang kalinga sa pagdaon ng katandaan. Naghihintay na lamang sila ng mga kamag-anak na may pusong mag-aalaga sa kanila.. Kawawa.. yun lang talaga ang masasabi ko..

Sana lang hindi ako malasin pagtanda ko, yung bang… hindi ako pagpapasa-pasahan. Ayoko non! At sino naman kaya ang may gusto? Nakakalungkot pero hindi ko naman alam ang mangyayari pagdating ng panahon na iyon…Basta sana lang pagtanda ko….

Huwag sana ako maging kawawa sa paningin niyo….



Thursday, December 23, 2004

Pasko na, Sinta ko

Hindi ko man lang namalayan, at pasko na pala. Masyado ata akong abala sa ibang bagay at hindi ko na napapansin ang nalalapit na araw ng kapaskuhan. Maraming nagtatanong sa akin kung saan ba daw ako magpapasko, “dito lang sa bahay” ang lagi kong sagot. Hindi naman kasi iba sa amin ang araw na iyon. Karaniwan, ganun lang.

Magulo masyado at maraming nangyari sa taong ito. Ito na din ata ang isa sa pinakamalungkot na pasko sa karamihan. Ang pagkakaroon ng fiscal crisis, ang magulong eleksyon, ang mga na –hostage na Pilipino sa Middle East, ang nga kagimbal-gimbal na eksena sa overpass, sa tulay at sa kalye, ang sunod-sunod na mga mananalantang bagyo, ang pagkamatay ng mga malalaki at kilalang tao at… ano pa ba? Basta madami…

Madami masyado na naging sanhi ng pagkawalang gana ng ibang tao na mag pasko. Hindi lahat, dahil marami pa din naman ang “feel na feel” ang kapaskuhan. Swerte naman! Sila siguro ang mga taong wala masyadong problema, mayaman, at may mga bagong grasya na nagdadatingan. Pero kung ako ang tatanungin mo, kabilang siguro ako sa mga “hindi excited sa pasko”. Wala naman kasi akong pamasko, aginaldo at pera. Ahahahaha.. biro lang!

Naisip ko lang ang pasko ng mga pamilya sa lansangan. Ang mga nakatira sa ilalim ng tulay, sa kariton, sa kalye, sa squatter’s area, basta sila…….

Saan kaya sila magtitipon tipon para kumain, magkantahan at magkwentuhan sa kapaskuhan? Ano kaya ang kanilang handa? Tinanong nga sa akin ng nanay ko kung ano ang handa naming sa pasko. Konti lang naman, basta may spaghetti at chicken… solb na ko doon! Samahan mo pa ng salad, menudo, kare-kare, letchon, cake, hamon, prutas at maraming red wine. Ahahaha biro lang ulit! E paano kaya ang ibang nangangarap din ng spaghetti at chicken pero malabong magkaroon? Basta may makain ayos na. Kanin at asin, sardines at noodles… samahan mo na din ng isang litro ng pepsi. Solb!

Teka, naalala ko lang bigla ang mga nangangaroling tuwing palapit na ang pasko. Uso pa naman, pero hindi na katulad ng dati. Minsan nga, isang kanta lang at nanghihingi na ng pamasko ang mga nangangaroling. Magagalit pa pag tumawad ka. Mahilig ako mangaroling nung bata ako pero hindi ako mahilig mamigay ng pamasko. Ganun talaga e, sorry nalang. Kung pangangaroling lang sana ang sagot sa kahirapan… malamang minu-minuto may nangangaroling na sa bawat bahay. Kung may presyo lang talaga at hindi puwede tawaran ang mga nangangaroling, ung dapat hindi bababa sa P100 ang pamasko, tiyak! Kahit mag-isa ako, gagawin ko. Kung puwede lang sana……. Pero hindi.

Patagal ng patagal, pahirap ng pahirap ang mga mahihirap at payaman ng payaman ang mga nag swswertehang mayayaman. Patagal ng patagal, unti-unti nang nawawala ang diwa ng pasko sa karamihan. Sa walang humpay na pagsusulat ko ng mga artikulo, karamihan ay tungkol din sa kahirapan. Marahil at nakakairita na masyado ang salitang ito pero hayaan niyo nalang ako.

Bilib ako sa nanay ko, talagang excited siya at “feel na feel” niya ang kapaskuhan. Hindi puwedeng walang xmas tree at xmas lights. Pag namatay daw siya, dapat daw may xmas tree at xmas lights pa dn ang bahay pag pasko. Dadalawin niya daw kami pag hindi. Lagi kaming nag-aaway niyan pagdating sa pagkakabit ng mga ilaw at xmas tree. Ako naman kasi ang pinapakabit niya at minsan nakakatamad na, pero minsan ayoko lang talaga magkabit. Para saan pa? Ang kapitbahay nga naming walang xmas lights at xmas tree pero ayos lang naman daw. Chinischismis sila ng katulong, wala na daw kasi silang pera kaya ganoon.

Naisip ko tuloy, ang xmas tree at xmas lights ay posibleng nagiging simbolo ng katayuan ng isang pamilya sa kasalukuyan. Puwedeng oo, at puwede din naming hindi. May iba naman kasing nangungutang, para lang magkaroon ng tradisyunal na kapaskuhan.

Hindi ko gagawing negatibo masyado ang artikulo kong ito. Baka naman kasi isipin niyo puro negatibo nalang ang pananaw ko sa espesyal na araw na ito. Hindi naman…

parang at medyo lang…

Ang pasko ay panahon ng pagmamahalan, pagpapatawad, bigayan at kaligayahan. Malas mo lang siguro kong hindi mo madama-dama ang mga ito. Pero kung kaya, bakit hindi. Makipagbati ka na sa kaaway mo, batiin mo ng merry xmas ang taong matagal mo ng hindi pinapansin at kinakausap. Patawarin mo na siya, bigyan mo ng pamasko ang inaanak mo at higit sa lahat huwag kang makalimot ngumiti sa araw ng pasko. Madaling sabihin ano? Pero mahirap gawin.

Sa nalalapit na kapaskuhan, puro problema pa din ang iniisip ng karamihan, isa na ko doon. Pero isa lang ang masasabi ko, marahil maraming problema ang dumadating, maaring mahirap magkapasko sa panahon ngayon, maaaring puro nalang kamalasan ang nasasayo… Pero hindi naman siguro mahirap ngumiti sa araw na ito.

Kahit magpasalamat ka man lang, at sabihing…

“salamat po, buhay pa ko sa paskong ito..”

Tuesday, December 14, 2004

Showbiz vs. The Republic of the Philippines

Pagkagising ko, ang balitang patay na c FPJ ang agad-agad na bumungaw sa akin. Wow, ansaya ng umaga. Hindi ko man siya idol o hindi man siya ang binoto ko noong nakaraang halalan, nakaka-awa pa din. Sigurado akong apektadong-apektado ang mamamayang Pilipino sa pangyayari. Parang lahat feeling close, lahat nagluluksa. Nang napabalita pa nga lang na nasa malubhang kalagayan si FPJ, parang nalungkot ang buong Pilipinas sa nangyari. Dumagsa ang mga fans at artista sa St. Luke’s Hospital. Patuloy ang paglala ng trapiko doon dahil sa pagdami ng tao. Oo nga naman at “action king” si FPJ, sikat hindi ba? Kaya ba ganoon na lamang ang pagka apektado ng mga Pilipino sa nangyari?

Buti pa si FPJ, kinakaawaan at iniiyakan ng nakararami. Laman ng balita, frontpage, pinaguusapan sa bahay, sa kanto sa eskwela at kung saan-saan pa. Pati lola ko puro FPJ ang bukang bibig. Nakakarindi na, idol niya daw kasi yun. Magaling at batikang artista. Sikat na sikat at walang kapantay.

E ang kay Kris Aquino? Ang pagkatutok ng taong bayan sa balitang hiwalayan nila ni Joey Marquez noon. Demandahan, dahil sa tutukan ng baril at sakitan ang walang humpay na pagiiyak niya sa tv. Ang pagsiwalat niya na siya ay may STD. Hala sige! Puro Kris Aquino ang laman ng periodico, ang laman ng balita at usap-usapan kung saan-saan. Queen of talk daw kasi si Kris Aquino, sikat hindi ba?

Pero, lahat kaya ng taong bayan apektado sa mga nasalanta ng bagyong Yoyong? Ang mga kawawang kapatid natin sa Quezon? Ang nalubog na bahay, ang mga naglahong pangarap at pagka sigla pang pasko… Ang pagkabaon natin sa utang? Tapos na daw ang fiscal crisis sabi ni GMA pero totoo nga ba? Ang patuloy na paglago ng krimen sa bansa, ang mga nabubura na lugar sa mapa dahil sa mga kalamidad. Lahat ba ay apektado dito? Ganoon din ba ang apekto nito gaya ng apekto sa pagkamatay ni FPJ at paghiwalay ni Kris Aquino at Joey Marquez noon?

Naisip ko tuloy, kung si FPJ kaya ang nahalal bilang pangulo, saan kaya tayo pupulutin ngayon? Panibagong presidente na naman yan panigurado. Sa tingin niyo kung siya ang nanalo, mangyayari kaya sakanya ang nangyari ngayon?

Hindi mo din siguro masisisi ang nakararami. Artista yan e, sikat yan! Tumitigil ang mundo natin pag showbiz, chismis at paboritong palabas na natin ang nasa TV. Hindi ako mahilig manuod ng tv pero inaamin kong malakas ang inpluwensya nito sa atin.

Kung puro showbiz chismis kaya ang laman ng balita sa telebisyon, mas tataas kaya ang rating nito? Mas marami kaya ang nanonood sa Da Buzz at X Files kaysa sa TV Patrol at 24 Oras?

Pero naisip ko lang, bakit ganoon na lang ang pagkalungkot ng mga tao pag showbiz personality na ang namatay, naghiwalay, may malubhang karamdaman at kung anu-ano pa? Ganoon na lamang ba talaga ang pagkabaliw natin sa mga artista? Ang patuloy na pagpanalo ng mga artista tuwing eleksyon, kulang sa pinag-aralan at experience pero panalo pa din. Ang kasikatan na kaya ang sagot sa problema?
Hindi ko alam kung bakit ganoon nalamang ang apekto sa akin ng ganito. Naisipan ko nalang agad gawan ng blog ang tungkol dito. Ikaw na ang maging adik sa blog, wala ka nang magagawa.

Nakakainis hindi ba? Mas matimbang na ang showbiz kaysa sa mas importanteng pangyayari sa ating bansa. Nakalimutan na natin ang ating problema basta artista na ang pinaguusapan. Oo, kawawa patay na si FPJ, nakakaawa din ang kanyang pamilya. Wala naman akong sinabing masama ang maapektuhan at hindi ito dapat pero sana lang hindi ito maging daan para magbulagbulagan na lamang tayo sa totoong problema ng ating bansa.

Babagsak kaya lalo ang ekonomiya natin sa pagkamatay ni FPJ? E diba sabi nila bumagsak daw ang piso nang malaman na tatakbo si FPJ sa pagka pangulo… Ano bang meron kay FPJ? Hindi ako galit sa kanya at lalong hindi ako anti showbiz. Hindi ko lang talaga kayang intindihin kung bakit bakit bakit at bakit ganoon nalang ang apekto sa atin ng mga artista. Naalala ko tuloy nang dumating si Jasmine Trias sa Pilipinas, hala sige! Puro mukha nalang niya ang nasa TV. Mapa commercial at billboard, sige lang! Dagsaan ang mga tao sa Mcdo para sa free jasmine trio.

Nakakainis na nakakatawa pero dapat bang pagtawanan na lang? Isaisang tabi na lamang ang mga mas importanteng pangyayari? Naisip ko tuloy……….

Mag artista nalang kaya ako?




Tuesday, December 07, 2004

Mga Kabarkada ko: Para sa inyo ito…

Ang mga kaibigan ko, barkada ko mula pagkabata, ang mga kasa-kasama ko mula gradeschool hanggang ngayon, ang mga taong tinuturing kong mga kapatid, ang parte ng buhay kong tinatawag kong espesyal… Sila ang aking insiparsyon sa bawat paglaon ng panahon. Kayo, at wala ng iba.

Ang walang humpay na kulitan sa classroom na walang dingding, ang abutan ng love letters galling sa crush, ang walang tigil na palitan ng liham, ang batuhan ng tubig, awayan sa pamamagitan ng pag vavandal sa banyo, ang agawan ng crush, ang pagalingan sa ten-twenty, ang pasiklaban ng sayaw tuwing may program, ang pasikatan at patalbugan. Ang buhay naming noong elementarya na hindi ko makakalimutan. Ang dating hiwalay na pagkakaibigang nagbuklod buklod ng samahan.

Unang tapak sa highschool, hindi maitago ang pagkatakot at hiya sa nakatataas. Ang paghahanap ng masisilungan… ang aming tambayan. Isang maliit na tambayan na hindi maiiwasang pag awayan. Ang tambayang naging saksi sa sindakan at hamunan. Hindi ko alam kung bakit ganon na lamang ang alaala ko sa tambayang iyon. Sino ba naman kasi ang matinong makikipag siksikan sa tambayan ng higher batch? Kami yun, at shempre magulo at masaya ang kinahatnan. Hindi ko pa rin makakalimutan ang mga barkadang umaaway sa amin na sobrang babaw naman ng dahilan. Ang mga matataray na higher batch na walang ginawa kundi ang makipag sigawan at angasan. Ganoon ang buhay namin nung una sa higschool. Ang walang tigil na pagtawag sa amin sa prefect’s office, ang mga kaso at iba pa. Natatawa na lang ako kapag naaalala ko ang mga iyon. At sino ba naman ang babaeng masususpend ng isang linggo bago mag graduation? Nakakatawa hindi ba? Ang tawanan at ultimo taguan pag PTC, ang laitan ng mga dumadaan sa aming tambayan, ang takutan at iyakan sa may locker. Ang “dark past” na patuloy na lang naming pinagtatawanan. Sino ang makakalimot sa picture na katawa-tawa noong 2nd year higschool? Wala na yatang mas papangit pa doon ika nga. At sino naman ang makakalimot sa siksikan na picturan sa may Filinvest? Ang hindi magkasya-kasyang barkada sa studio pero pinagpilitan pa din. Ang hulugan sa swimming pool ng bahay ng kaibigan, inuman at asaran sa kalagitnaan ng gabi. Sino ang nawala noong second year at lumipat ng eskwelahan? Sino naman ang nagibang bansa pero bumalik din? Ang kambal na hindi nagkakasundo at nagaaway sa gitna ng campus, ang meeting-meetingan o tinatawag na “open forum” pag may away sa barkada. Ang biglaang paglago ng barkada. Ang pagkakaroon ng group study sa bahay na pagkain at pagtulog lang naman talaga. Ang unang tapak sa bilyaran, ang pag cocommute papuntang town center…

Ang alaala ng kahapon na hinding-hindi makakalimutan…

Ngayon, hindi na maitatago ang malaking pagbabago sa aming buhay, may ibang malapit-lapit na ding gumadruate sa college at iba namang piniling manatili pa ng mas mahabang panahon sa kolehiyo. Hindi na madalas magkita dahil sa ibang nag bubusy-busyan at ibang nalalayo na ng tuluyan. May ibang pinili ang mundo ng showbiz, may nagseryoso na talaga sa pag-aaral at naglaho na lang ng parang bula, ang pagkakaroon ng boyfriend, ang piniling makisama na lamang sa blockmates, ang mag-iba ng landas, may ibang napalayo ang eskwelahan ngunit pinipilit pa din magpakita.

Patagal ng patagal, umiiba na din ang pagiisip at pananaw sa buhay. Ang pagdagdag ng edad ay sumunod na din sa pagkaroon ng tamang desisyon at pagseseryoso sa iba o sabihin na nating sa lahat ng bagay. Hindi na maikakaila ang paglago ng isip sa bagay-bagay, ang pakikutungo sa ibang tao at paghawak ng problema. Ang pagkakaroon ng usapang nakakagulat naman talaga. Hindi mo akalaing paguusapan pero pinaguusapan pa din. Ang mga karanasang hindi maitatago sa isa’t-isa.

Sa pagdaan ng panahon, patuloy ang pagkakaroon ng iba’t-ibang kwento sa aming buhay, may patuloy nang nagseryoso at may iba naming nandiyan pa din.

Ang barkadang itinuturing kong mga kapatid, ang maarte, patawa, maloko, seryoso, pabibo, makadiyos at iba pa.. iba’t-ibang katauhan pero nagkakasundo pa din.

Ang barkada kong nakasama ko sa pinakamatagal na panahon sa aking buhay…salamat… at miss ko na kayo.

Saturday, December 04, 2004

I Can't Hide It, I Won't Deny It

People see me as a loud person. Not the loud type who shouts all the time. But rather, a loud person, who laughs, makes fun of everything, always happy, hyper and active. People who see me like this are the ones who have been with me most of the time. But I wonder if someone knows me really well…

A happy person who’s fond of keeping things and feelings inside. Ironic? But that’s me. Despite of my jolly and hyper personality, I can also feel hurting, pain, and shit that keeps on bullshitting me all the time. I get angry, I feel sad I feel bad and disappointed when bad circumstances happen.

I try and I’m still trying to adjust with everybody. Be considerate, rational and understanding… But do others also forget how to be considerate, rational and understanding to the others? I really find it unfair but I think that’s how life works. I know life’s a bitch sometimes…

Whenever I my mom keeps on scolding me without hearing my side, whenever my brother bullies me without even thinking, whenever my grandmother yells at me without even hearing herself, whenever our maid ignores me when I’m eating, whenever my father gives me pressure without even asking if its ok… I prefer to go inside my room and shut my mouth up. I don’t feel like bursting my feelings out because it might result into anything. Anything that might hurt other’s feelings. I prefer to keep it to myself rather than saying it to them. I don’t want people see me as an irrational person who keeps on bursting her stupid feelings.

(You don’t have to say anything… just… listen, read… and try to feel my emotions..)

I hate it when people lose control and discipline. When someone keeps on insisting that he/she’s just having a good time but hey… IT IS TOO MUCH. When someone forgets to think and act stupid without even having a second thought or something. People like those give me a headache. It sucks big time! But I don’t think I have to say it to someone who acts stupid. Why should I care? But sometimes, these people affect my vision to life and its killing me. However, I still prefer to shut my mouth up because these people might misinterpret me. I rather keep it to myself than telling it to them. He/she might get hurt anyway…

Insensitive people are the most annoying people in the world. They don’t care if they hurt other’s feelings. They don’t care if someone gets a headache whenever they act indifferently. They don’t give a damn if they’re doing the worst action in the world, they don’t give a damn if their actions make them look stupid. They don’t care if someone is trying to please them, adjust and be patient to them because of the obvious reason that THEY JUST DON”T CARE. And I don’t know why these people still exist?

People who are too lazy to do something worthy, people who don’t try to foresee their future,. people who don’t fix their fucking lives. Don’t these people are the ones who are the pains in the asses of each and everyone of us?

People who betray people’s trust those who are corrupt, liars, inadequate, crazy and stubborn who are too selfish. Don’t these people give you a heart attach afterwards?

They say that maturity follows the age of a person, but does maturity means knowing the difference between right and wrong? Having the right choice and be wiser in everything a person does? Why do some matured people end up with nothing good (tumatanda ng paurong)? Why do they forget that they’re holding their future and they still ignore it and all?

Having a good time is part of they say “living your life…” but discipline and control are also part of it right? So why do these two things tend to be forgotten most of the time?

People who leave you behind, “nangiiwan sa ere” are the people who really destroys my head out. These are the people who break my heart so bad. “The pressure is on me! The pressure is on me!” That’s how I actually feel but I still have the strength to hide it out.

People who ask me if I was hurt or if I’m angry or something but the reason and the reaction is already obvious…. These people annoy me but I have also the strength to live with them anyway.

People who know that you’re sick and ill but still give you a lot of pressure and still expect you to be active, hyper and all… These people are the most inconsiderate people don’t you think?

If you think that you are someone who I merely described and you think that you somehow annoyed others. But you thought of disregarding it because it’s not a big deal anyway… Maybe you must think again, before it’s too late…………….I guess.

Friday, December 03, 2004

Maaari Lang

Maging tapat at maging totoo sa lahat ng bagay... Yan ang isa sa mga natutunan ko sa mga matatanda, sa eskwela at sa aking mga magulang. Isang asal na dapat matutunan at akuin. Masama din magsinungaling dahil hindi ka pupunta sa langit. Oo nga naman at kasama iyon sa 10 Commandments ngunit madami pa din ang lumalabag dito. Masarap daw kasi gawin ang bawal, maaring umiiling ka o natatawa ka na habang binabasa mo ito pero yun ang totoo.

Pero hindi niyo ba naisip na minsan sa sobrang katapatan at a sobrang pagsasabi niyo ng totoo ay nakakasakit na kayo? The truth hurts... yun na nga ba ang sinasabi ko. Maaring ang katotohanan ang magpapalaya sa iyong pagaalinlangan ngunit nakakasakit din ito paminsan.

May mga taong pranka at taklesa, ang mga nilalang na hindi nagaalinlangangang sabihin lahat ng gustong sabihin, ang lahat ng katotohanan ay gustong ipagsigawan. Hindi mabuti ang epekto nito sa ibang tao dahil mas gugustuhin pa nilang manahimik ka na lamang kaysa sa masaktan mo sila. May mga tao namang mas gustong malaman ang katotohanan kahit sa loob-loob nila'y minumura ka na nila dahil ang sakit ng sinabi mo.

Ang mga katarantaduhan at kalokohan mong ginagawa sa buhay, minsan hindi mo ba naisip na sabihin ito sa iyong mga magulang? Aminin mong hindi ka nagpapapasok at dilikado ka na sa iyong subjects. Mahirap hindi ba? Lalong mas mahirap at mas masakit sa magulang mo pag nalaman nila ito. Gusto mong sabihin sa kanila ang totoo para matigil na ang iyong pagloloko ngunit alam mong masasaktan mo sila. Mahirap, nakakatakot at nakakapanghina ngunit kailangan mo ng isiwalat ang katotohanan.

Nakita mong may ibang babae ang boyfriend ng bestfriend mo, hindi mo alam kung ano ang gagawin, paniniwalaan ka kaya ng kaibigan mo o magmumukha kang gago sa sitwasyong ito? Pilit mo mang itago ito ngunit patuloy kang binubulabog ng konsensya mo...

Konsensya! Lahat ng tao meron nito. Pero hindi lahat malakas ang gamit nito. Minsan nadudulas ka sa katotohanan o di kaya'y hindi mo mapigilang sabihin ang katotohanan dahil sa iyong konsensya. Nakokonsensya ka na. Nakakainis hindi ba?

Ang malamang hindi ka na mahal ng mahal mo, hindi mo dapat ipilit ang iyong sarili sa taong ayaw sa iyo. Masakit malaman pero yun ang totoo. Hindi mo ba naisip na sana hindi nalang niya sinabi saiyo para hindi ka nalang nasaktan ng ganito? O di kaya'y sana hindi nalang iyon ang sinabi niyang dahilan, nagsinungaling nalang sana siya para hindi gaano kalala ang nadarama mo?

Patuloy kang nagsisikap malaman at pinagtiyatiyagaan mong alagaan ang inyong pagkakaibigan, ngunit may magsasabi sa iyong hindi ka na nila gusto makasama o ano pa man, naging totoo lang sila sa sitwasyon pero hindi mo matanggap. Hindi mo ba naisip na sana nagsinungaling na lang sila sa iyo para hindi ka nasaktan?

Ngunit, naisip mo ba na niloloko mo lang ang sarili mo sa ganito? Alam mo ang katotohanan ngunit patuloy kang nagpapakatanga. Alam mong tanga ka pero hindi mo inaamin. Buksan mo kaya ang iyong mga mata at tingnan mo ng mabuti ang katotohanan. Makikita mong hindi lahat ng bagay na inaakala mo ay maganda at mapupunta sa iyo.

Masyado ka yatang nagpapaka lulon sa bisyo mo, nauubos na ang pera at ipon mo dahil dito. Nalalayo na saiyo ang dating malalapit na tao dahil ayaw nila ang nangyayari saiyo. Bakit ganon? Natanong mo. Isasampal nila saiyo ang katotohanang lubog ka na sa bisyo at nagiiba na ang iyong katauhan. Oo totoo pero pilit kang umiiling at sinasara mo ang iyong isipan sa katotohanan.

Nagmumukmok ka sa kwarto mo ng isang linggo, hindi mo alam kung bakit nagbago na ang panahon at ang mga taong nakapaligid sa iyo. Ngunit hindi mo ba naisip na ikaw ang nagbago at hindi sila? Tanggapin mo na. Hindi pa rin! Hihintayin mo pang may magsampal sa iyo ng katotohanan at bigla ka nalang magugulat na iyon ang totoo.

Pinipilit mong sabihin sa iyo ang pinagbubulungan ng dalawang lalake na nasa harap mo. Kaibigan mo sila kaya naman gusto mo makisama. Nalaman mong niloloko ka ng girlfriend mo. Aray! ansakit naman nun hindi ba. Sana pala hindi mo nalang tinanong para hindi ka nalang nawindang sa katotohanan. Gusto mong magalit sa mga kaibigan mo, bakit ka nila ginaganito. Pero hindi mo ba naisip na kahit magalit ka, maghimutok at mag amok... wala ka nang magagawa dahil iyon ang totoo.

Ang malamang hindi sapat ang iyong kakayahan para abutin ang iyong pangarap. Mahina ka, hindi iyon ang para sa iyo. Bakit ba kasi pinagpipilitan mo ang hindi para sa iyo? Ang eskwela, course, trabaho, play o kung ano man. Gusto mo pang mabulaga ka na hindi mo kaya bago ka titigil. Ipaubaya mo na lang sa iba at doon ka nalang sa kaya mo at sa para sa iyo.

Pinipilit ka ng tatay mong mag doktor o di kaya'y mag abogado. Masyadong mataas ang pangarap niya para sa iyo. Ngunit sinabi mo sa kanyang hindi mo ito gusto. Nanghina siya, nalungkot at naiyak. Pigilan mo man ang kanyang nararamdaman hindi mo pa rin puwedeng ibahin ang sinabi mo dahil iyon ang totoo.

Inamin sa iyo ng mga magulang mo na maghihiwalay na sila, inamin sa iyo ng tatay mong may iba na siyang pamilya. Ansakit! Ang saklap! paano na kayo ng mga kapatid mo? Nasaan na ang pinagsumpaan niyong magsasama kayo habang buhay? Masakit hindi ba?

............. maaring paulit ulit nalamang ang mga sinasabi ko. Paulit ulit ko nalang sinasaktan ang damdamin niyo. Bakit hindi niyo ba matanggap na oo, totoo...

............ maaring masakit malaman ang katotohanan ngunit ito ang magpapalaya sa iyo sa pagaalinlangan.

........... maaring gusto mo lang maging totoo sa ibang tao pero isipin mong nakakasakit ka na ng damdamin.

.......... maaring masama magsinungaling pero minsan mas mabuti ito para wala nalang masaktan.

If COVID-19 Didn't Happen

"We will remember 2020 as a year of disease and death, and lockdowns that separated friends and relatives, and businesses from customer...