Tuesday, November 30, 2004

Iwanan sa Ere

Hindi ko alam kung bakit ang aga-aga at nagdadrama na naman ako. Naisip ko lang kasi ang hirap ng pakiramdam pag iniwan kang nagiisa ng kasama mo. “Iwanan sa ere..” para sa mga kahapon at kanina lang pinanganak, iwanan sa ere ay isa sa mga pinaka masakit na gawain ng isang tao. Para sa akin, hindi makatarungan ang ganito. Kung iiwanan mo ako o di kaya ayaw mo talaga ako makasama, mas mabuti sigurong sabihin mo nalang sa akin ng mas maaga, harap-harapan at ng maayos para hindi ako umaasa. Alam kung hindi lang ako ang nakaranas ng ganito kaya samahan niyo nalang ako sa aking kwento.

Para sa mag bebest friends, ang lagi mong kasama. Partner in crime kung tawagin, lagi mong kausap at kadikit. Walang humpay ang inyong samahan, masaya at katuwa-tuwa. Andami niyo nang pinagdaanan at alam mong walang hihigit pa sa inyong samahan. Nang bigla ka niyang iniwan. Hindi nag-paalam, nawala nalang siya ng parang bula. Wala ka nang nagawa dahil tuluyan na siyang nawala…

Ang kaklase mo sa algebra. Ang lagi mong karamay sa bawat paghihirap sa pagsagot sa lintek na algebra na yan. Ang katulong mo sa pag resolba ng mahahabang equations. Ang kahati mo sa bawat sagot sa mga exam at quizzes. Ang kaklase, karamay, katulong at kaibigan. Nang bigla siyang hindi pumasok. Ikaw ay nag-alala, nanibago. Hindi siya nag-paalam, nawala nalang siya ng parang bula. Wala ka nang nagawa dahil tuluyan na siyang nawala…

Ang boyfriend/girlfriend/asawa mo. Ang pinaka mamahal mong nilalang, ang espesyal sa buhay mo. Mahal mo siya at alam mong mahal ka din niya. Walang humpay ang inyong pagtitinginan, masaya, masalimuot pero ang importante ay pag-a-ari niyo ang isa’t-isa. Walang sino man ang makakapag hiwalay sa inyo dahil napaka tibay ng inyong samahan. Mag-away man kayo, magmaktol at mag katampuhan, matatag pa din ang inyong paninindigan na hindi na kayo maghihiwalay. Nang bigla ka ninyang iniwan. Pinagpalit sa walang kakwenta-kwentang nilalang. Hindi na siya nagpakita at walang kapantay ang kakapalan ng mukha. Hindi mo matanggap ang nangyari pero wala ka nang magawa. Ang iyong pag-a-ari at tumiwalag na at lumayo na saiyo ng tuluyan. Masakit, nakakalungkot pero wala ka nang nagawa dahil tuluyan na siyang nawala…

Ang barkada mo na walang tigil sa pagsama at pagkalinga sa iyo. Sila ang nagpapalakas ng loob mo. Masaya at maligalig ang inyong samahan. Tawanan, iyakan at kwentuhan sa malamig na panahon. Malapit ang loob niyo sa isa’t-isa. Tumatakbo ang panahon at patagal ng patagal ang inyong samahan. Nang bigla silang umiiwas saiyo, hindi mo malaman ang dahilan. Unti-unti silang nababawasan. Bakit, bakit ganon? Wala ka nang nagawa dahil tuluyan na silang nawala…

Ang partner mo sa project, thesis, report o kung anuman. Maayos ang inyong usapan, mahusay ang plano sa kinabukasan. Magtutulong-tulong sa lahat ng pagdadaanan. Nalalapit na ang paghuhukom at kailangan ninyong maghakot ng oras at tiyaga. Nang bigla na lang siyang nawala, wala ka nang nagawa. Naglaho ng parang bula. Nasira ang iyong pangarap, at tuluyan na siyang nawala…

Iniwan, iwanan at iiwanan sa ere. Iba’t-ibang anyo ng salita pero iisa lang ang ibig iparating. Ang mawala at tuluyang iwanan kang nag-iisa. Masalimuot ang hahantungan, peo wala ka nang magawa. Magmukmok ka man, umiyak, magalit at magwala… hindi na maibabalik ang nawala. Hindi na dahil tanggapin mo man o hindi…

Iniwan ka na niya sa ere…… at tuluyan na siang nawala

Thursday, November 25, 2004

Kung May Bayad Lang ang Pagtawa

Kung may bayad lang sana ang pagtawa, mayaman na ako ngayon. Kung may halaga lang sana ang bawat halakhak, bungisngis at ngiti… tiyak! Marami na sana akong pera ngayon. Sadyang napaka sarap ng pakiramdam ng ligaya & tuwa gayun din naman kung ikaw ay nagbibigay ligaya at tuwa sa ibang tao. Ang walang humpay na pagtawa tuwing nagbibiruan. Ang walang kamatayang pag ngiti tuwing nagkakalokohan, kay sarap ulit-ulitin.

Tuwing may problema ako, hindi naman sa hindi ko ito sineseryoso pero nagagawa ko pang ngitian na lamang ito. Tuwing may nagawa akong pagkakamali, hindi naman sa hindi ko ito sineseryoso pero nagagawa ko pang pagtawanan na lamang ito. Ang mga taong sadyang nakakainis na patuloy na dumadating sa aking landas, hindi naman sa wala akong pake-alam sa kanila pero nagagawa ko pang tawanan na lamang sila.

Habang nagdidiliriyo ako sa aking trangkaso, ang aking ubo’t sipon na mag dadalawang linggo nang bumubulabog sa aking sistema, hindi sa wala akong pake-alam sa kalusugan ko pero nagagawa ko pang ngumiti at tumawa habang ako’y naghihirap. Ang walang kamatayang puyatan dahil sa mga walang ka kwenta-kwentang bagay, ang mga gawaing pang eskwela na patuloy na nagpapahirap sa aking kalagayan, hindi naman sa hindi ako naapektuhan pero nagagawa ko pang ngumiti at tawanan na lamang ang mga ito.

Kapag ako’y napagalitan, nasigawan o inaway na kung sino man, hindi sa wala akong pake-alam pero kaya ko pang ngumiti sa kalawakan. Kapag puro kamalasan na lamang ang dumadating sa akin sa isang araw,linggo o buwan… hindi sa hindi ako naapektuhan pero nagagawa ko pang tumawa ng malakas na parang walang nangyari.

Hindi ko alam kung ako lang ang ganito, ang hindi masyado seryoso o hindi masyado sineseryoso ang lahat ng bagay. Ang tumawa, ngumiti na lamang sa lahat ng kapalpakan ko sa buhay. Pero hindi ito isang pahiwatig na wala akong pake-alam, o hindi ako apekttado sa mga nangyayari… Yun lang siguro ang minabuti kong ginagawa upang hindi ito masyado maging pabigat sa akin.

Ang pagpapatawa sa karamihan ay isang talento, isang regalo na kailangan mong ipamahagi sa nakararami. Hindi lahat ng tao nagagawang ngumiti at tumawa na lamang sa problema gaya ng ginagawa ko, pero kung magagawa mong pasayahin sila kahit saglit, bakit hindi. Wala naman sigurong masama. Nakakapag-pagaling ng sakit ang pagtawa at pagngiti, nakakagaan kasi ito ng puso.

Ngayon, naisip ko lang…….

Kung may bayad lang sana ang pagtawa, siguradong milyonaryo na ako ngayon..

Friday, November 19, 2004

Tsong. anlaki mo na a'

Ilang buwan na lang at madadagdagan na naman ang aking edad, ilang buwan na lang at magtatapos na din ako sa kolehiyo, ilang buwan na lang at hahakbang na naman ako sa panibagong yugto sa aking buhay. Ilang buwan, ilang sandali, ilang... pagdaan ng aking buhay at tumatakbo na naman ang aking oras. Walang humpay na paglipas, paglaon at pagtakbo ng panahon. Hindi na maibabalik ang kahapon.

Nakatambak pa din ang aking mga laruan sa aking kwarto. Barbie dolls at mga manika. Hindi ko na sila ginagalaw kaya naman napupuno na sila ng alikabok. Ang mga luto-lutuan na nakatambak sa itaas ng aking tokador, ang mga laruan ng kahapong nakatambak nalamang. Ang kahapong hindi na maibabalik.

Puno na ng libro, papel at mga fillers ang aking kwarto. Puro paperworks at pagbabasa kasi ang ginagawa ko ngayon. Ibang-iba na ang aking gawain ngayon sa gawain ko dati. Seryoso na ang aking mga pananaw sa buhay, seryoso na bumubuo ng aking kinabukasan. Wala nang makakapigil sa aking paglago, ang aking pagtanda, ang aking pagharap sa katotohanan. Bawal nang magkamali na lamang sa buhay, hindi maaring isawalang bahala na lamang ang mga aspeto na bumubulabog sa akin. Seryosohin ang lahat, magsumikap at magbanat ng buto.

Disiplina at matibay na paniniwala sa sarili, yan ang kailangan sa panahong tumatakbo, sa oras na lumilipas. Ang mga taong patuloy na kumukuha sa iyo ng lakas, nandiyan ang expektasyon at ang pangangailangan ng ibang tao. Huwag mo silang biguin, tama na ang palusot... magsumikap.

Natuto ka nang uminom, tumambay sa kung saan-saan, magbisyo at magbarkada. Umuwi ng umaga at matulog ng hating gabi...

magseryoso.. tanawin ang kinabukasan dahil balang araw magugulat ka na lang, nasa harap mo na ito at wala ka man lang nagawa. mahirap magsisi sa huli kaya ituwid ang buhay habang papunta ka pa lang sa kinabukasan.

Huwag ka nang tumawa, huwag ka nang umupo at magbuhay tamad... tumayo ka na! dahil sa simpleng dahilan na...

"tsong... anlaki mo na a'...."

Wednesday, November 10, 2004

Linger

I had all those stories, events and circumstances in my life. Memories that made my life sensible. Some of these are stuck in my head while some are not. These were the ones that made me smile once in a while every time I get to reminisce a li’l bit. Some memories are too good that linger in my head over and over again. But bad memories are too disgusting that just been there forever. When you’re dying because of boredom and you sudden recall those events then you smile because of the nice incident that you’ve had. Sometimes when you laughed out of nowhere because you remembered something funny. Or even cry in the most ironic way because you’ve remembered something sad.

Do you still remember back then when your mother wipes your tears every time you have tantrums? Or whenever you father brings you “pasalubong” just to get rid of your “kakulitan”? Every time your elder Kuya gives you cotton candy and protect you from the bullies. How does it feel every time you recall all those things? How does it feel that these things lingered in you since then? These things are too nice to be remembered. You don’t have to be so corny about it, you just have to make it linger.

How does it feel every time you recall the most painful break-up that you’ve had with your stupid boyfriend? You’re young, he’s stupid. He’s an asshole, you’re dumb. When you remember that last words he said and cursed you in your stupid face, when you cried out loud but he doesn’t love you anymore? Does it make you feel somber? Well, there’s nothing wrong about it. Its just too freaking painful but you have nothing to do with it. You just have to make it linger.

Every time you recall the first time you got grounded. You failed your Math subject. It’s too ordinary but it’s too memorable. When you miss your friends so bad but you cannot see them because your mom is too strict. You just laugh at it because it was your first time. Well, that’s life and you just have to make it linger.

When you smiled while walking because you remembered the day that your crush screamed your name and you’ve thought that it was you but it was somebody else’s name. You were to shy and tried to hide from him over and over again. You were too shameful every time you reminisce about it. It’s mushy but you just have to make it linger.

The things that set you mood every minute, the things that are too memorable and you can’t forget about it...

These are the things, events, incidents... circumstances that remained forever. You didn’t force it. It just did,

And you just have to make it linger


Sunday, November 07, 2004

Biglaan

Biglaan, ambilis ng mga pangyayari.
Hindi ko inaasahang mangyayari.
Masaya ang kinalabasan, masalimuot kadalasan.
Matagumpay kahit na minadali, biglaan.
Walang plano o kung anu-ano, biglaan.

May mga bagay-bagay na biglaan nalang dumadating sa buhay natin. Lakad na biglaan, exam o quiz na biglaan, biglaang pagtaas ng pamasahe, biglaang pagsagot sa iyo ng liniligawan mo, biglaang naging kayo, biglaang pagiba ng pakiramdam, biglaang pag brownout, biglaang pag-galit ng ermat mo, biglaang pag halik sa iyo ng crush mo, biglaang pagpalit ng panahon, biglaang komosyon sa kanto, biglang paghihirap, biglaang pagyaman, biglaan... biglaan...

Biglaan, hindi inaasahan pero wala na akong magawa dahil biglaan. Wala na akong masabi dahil biglaan.

(P*ta! puro nalang biglaan. Lagi nalang biglaan...)

Minsan mas ok pa ang kinalabasan o resulta ng biglaan. O yung "bara-bara..." Bigla kang tinawag ng titser mo, oral recitation daw. Pag minamalas ka nga naman hindi ka handa. Sumagot ka na lang kung ano ang pumasok sa utak mo. "bara-bara nalang ma'am!" O minsan, sa sobrang nakaka-antok na pagtambay niyo sa isang lugar, bigla niyong maiisip na umalis at magliwaliw sa mas-malayong lugar. Natuloy, masaya... kahit biglaan.

Matagal na kayong nagpapakiramdaman, bigla ka niyang sinagot. ("Wow pare! painom ka naman!")Masaya, sarap ng feeling... kahit biglaan. Naglalakad ka papatawid sa eskwela, biglang sumakit ang tiyan mo. Hala! sige, takbo sa pinakamalapit na palikuran... Ok lang, sa wakas!... kahit biglaan. Isang oras ka nang naghihintay sa kaibigan mo, puti na mata mo bigla kang tinawag ng crush mo. Ayos talaga... kahit biglaan.

Pero kung minsan maganda ang resulta ng biglaan, madalas naman ay panget.

Nagta-type ka ng pagkahaba-habang term paper, biglang nag brownout! Patay kang bata ka.... biglaan! (T*ng*nang brownout yan!). Sarap na sarap ka sa pagmamadali dahil hinahabol mo ang oras. Kung puwede mo lang sana takbuhin, ginawa mo na. Biglang nasiraan... "Lipat lang po tayo sa kabilang bus. Nasiraan po...". (T*ng*nang bus yan!)

...naglalakad ka papunta sa parking lot. Ambagal mo pa, para kang naglalakad sa luneta. Tatawa-tawa ka pa, biglang may humablot ng cellphone mo...

(tatawa ka pa e...) t*ng*nang yan...

Pinagalitan ka ng tatay mo. Regalo niya yun sa iyo, ang mahal-mahal daw nun. Pero wala kang magawa dahil biglaan....

If COVID-19 Didn't Happen

"We will remember 2020 as a year of disease and death, and lockdowns that separated friends and relatives, and businesses from customer...