Hasel pag:
28)kakalinis mo lang ng bahay kasi bumaha tapos biglang bumuhos ulit yung ulan.
29) na iputan ka ng ibon sa damit / ulo.
30) nagmamadali kang naglalakad palabas para pumara ng tricycle nang bigla kang nakaapak ng tae.
31) pumasok ka sa klase kahit bumabagyo tapos absent naman pala prof niyo.
32) nag declare ng class suspension ang school.. 5 minutes bago matapos ang last class mo.
33) hangover.
34) ang haba ng pila sa terminal ng tricycle e sukang-suka ka na.
35) may sumamang tae sa utot mo.
36) naihi ka sa pantalon sa sobrang takot.
37) pauwi ka na ng bahay galing office ng ma realize mo na matagal na palang bukas ang zipper ng pants mo.
38) nakipag break sayo ang bf/gf mo kasi gusto niya daw ng "space". (sana sinabi niya, sa outerspace nalang sana siya tumira!)
39) sobrang ok kayo ng boylet/chic mo.. nang malaman mo na taken na pala siya. A$$hoooo!
40) sobrang bagal na internet connection.
41) namatay ang cellphone mo. tapos ayaw na magbukas forever.
42) tinulugan ka ng kausap mo sa telepono.
43) mas vain pa sayo ang boyfriend mo.
44) saksakan ng arte na kaibigan na hindi naman kagandahan!
45) mr. know-it-all na officemate.
46) gutom na gutom na gutom ka na pero hindi ka pa makakain.
47) sobrang sabaw kausap ng kaibigan mo.. nasa mood ka pa naman makipag kwentuhan.
48) bihis na bihis ka na ng biglang i-cancel ng kasama mo ang lakad niyo.
49) 1 point nalang pasado ka na sana!
50) nasa restaurant ka. bigla kang tinawag ng kalikasan. dali-dali kang tumakbo sa CR. pagtingin mo.. solid sa dumi ng CR. BYE GUYS!!!
Saturday, November 13, 2010
Thursday, November 11, 2010
mga HASEL sa buhay.
HASEL pag..
1) nag da download ka ng something ng biglang nagloko ang internet mo.
2) solid yung jebs mo tapos walang flush yung inidoro.
3).. tapos walang tubig sa gripo. BYE GUYS!
4) katext mo yung crush mo tapos nakatulog ka.
5) sobrang baho ng katabi mo sa bus.. LRT/MRT.. o kahit saan.
6) dumikit yung bubble gum sa buhok mo.
7) naliligo ka sa gabi tapos biglang nag brownout!
8) hindi na magkasya sayo yung favorite mong damit.
9) sobrang init sa inuman place niyo.
10) may ipis na lumilipad lipad paikot sayo tapos di mo mahuli ahahaha!
11) sobrang ihing-ihi ka na pero walang stop over ang bus na sinasakyan mo.
12) sunod-sunod ang hatching mo habang nagdidrive ka sa highway.
13) pag di tumunog ang alarm clock mo.
14) naiwan ka sa outing niyo.
15) sobrang nagmamadali ka tapos nag hang yung laptop/computer mo.
16) pag lagi kang kinakausap ng crush mo sa personal. hasel yon pag palagi. kasi nakaka conscious. LOL
17) maligamgam yung beer na inabot sayo ng waiter.
18) binasa mo na katawan at buhok mo tapos ready ka na mag shampoo.. e ubos na pala shampoo mo.
19) may wild na tinga na sumiksik sa ipin mo pero wala kang dala na dental floss/toothpick.
20) nadumihan ng bongga ang white shirt mo.
21) nasulatan ng ballpen ang favorite bag mo.
22) sobrang sakit ng ulo mo kinabukasan dahil sa hangover.
23) barado ilong mo dahil sa sipon tapos gusto mo na matulog.
24) maingay ang katabi mo sa eroplano.
25) antok na antok ka na pero gusto pa makipag kwentuhan ng kasama mo.
26) nagising ka ng hating gabi kasi naiihi ka.
27) sobrang lakas ng ulan sa gabi.
...to be continued.

Sunday, July 25, 2010
About Love 'To (basahin niyo!)
*habang nakikinig ng love songs as background music*
“We are made for each other”
Nabasa ko to’ sa facebook. Ang sweet kasi parang sure na siya sa sinasabi niya. Napaisip tuloy ako kung sino ang “made for me” haha! Siguro nasa kabilang sulok siya ng mundo.
Pero paano mo nga ba malalaman kung siya na?
Sabi ng mga nakakatanda, mararamdaman mo daw. E pano yung mga ibang tao na naramdaman na nila dati tapos iba parin yung nakatuluyan nila? Basta! Yun na yun.
Para sa akin, hindi mo malalaman kung sino talaga ang para sayo. Kasi hindi ka naman bubulungan ni Lord o ng konsensya mo ng “SIYA NA TEH!” diba? Minsan nga natatawa ako pag naiisip ko yung mga love stories ng iba kong friends. May iba na mag best friends sila tapos nagkatuluyan. May iba naman first love na nila yun. May iba naman na sobrang hindi nila inakala na sila yung magkakatuluyan kasi mag mortal na kaaway pala sila dati. Meron naman iba na.. wala bigla nalang pag dilat ng mata niya may napaka gwapong lalake na patay-na-patay sakanya. Ok sige ikaw na ang anak ng diyos!! LOL
Nakakatuwa isipin na yung taong ka-close mo ngayon, yung tao na comfy na comfy ka na, e siya pala yung makakatuluyan mo sa huli. Na tipong, inaasar nila kayo pero kunwari ka pa na ayaw mo.. e deep inside kinikilig ka din naman! Or yung ka-bully-han mo, pero deep inside crush na crush mo siya at lagi mo iniimagine pag nagkatuluyan kayo. Ung ganon. MEHGANOOONNN?!
Pero hindi pala talaga pwede maging kayo kasi its either:
a) May gf/bf na siya. Or May asawa na.
b) Ikaw ang may bf/gf na.
c) Alam mong di ka talaga niya type.
d) Guguho ang mundo pag nakatuluyan kayo.
e) Kapatid mo pala siya sa labas (JOKE)
f) Ayaw mo lang talaga mag take ng risk.
g) Magkalayo kayo.
h) Patay ka sa barkada niyo kasi asar talo talaga kayo pag nagkatuluyan.
i) None of the above. Kasi isa pala siyang isda.
Para sa mga ka edad ko o mas matanda pa sakin na SINGLE.. isa kaya sa inyo ang THE ONE ko? (HAHA F na F dapat!)
Napanood ko yung movie dati ni Claudine Baretto at Rico Yan. Binibigyan na siya ng taning ng mga tita niya na tipong pag lumampas siya sa age na yun na wala pa siyang asawa.. tatanda na siyang dalaga. OK THANKS.
Kung sino man ang “made for me” sana iparamdam sakin ni Lord kung sino ka. Wag lang sana na ikaw yung lalake na taga hingi ng bayad sa shuttle van kasi promise to God hindi kita type. AHAHAHAHAHA ang sama ko. Sorry Lord. Joke lang naman e!
Eto seryoso na, madaming tao na nagsasabi na wag maghanap.. kusa yun dadating sayo sa tamang oras, sa tamang panahon. Yun yung pag ready ka na. May nagsasabi din na walang mangyayari sayo kung wala kang gagawin. Dapat matuto kang gumawa ng paraan. Hindi ko alam kung alin ang susundin ko. Basta ang alam ko lang, ready na ko. Siya lang ang hindi ready sakin. Sabi nila hingin mo daw para ibigay sayo. O sige ngayon HINIHINGI KO NA. Amen. =)
Friday, May 07, 2010
ELEKSYON 2010
Simula ng mamulat ako sa politika dito sa Pilipinas, sinuportahan ko ang sino mang umupong presidente dito. Kasi para sakin, iba man sa binoto ng nanay ko ang nanalo.. wala naman kaming magagawa kundi suportahan na lang ang nanalo kesa naman buong buhay nalang kami maninira at magrereklamo sa kanya. Dati un.
Dalawang tulog na lang eleksyon na. Ngayon lang ako naguluhan sa eleksyon dahil napakadaming kandidato na pwedeng-pwede manalo. May kandidatong magaling pero mahina sa hatak sa mga tao. Meron din namang kandidato na hindi naman kagalingan pero napakadaming niyang supporters. Hanggang sa huling dalawang araw bago mag eleksyon, posible pa din magiba ang ihip ng hangin. Pinoy pa! e napaka bilis nating magpalit ng desisyon. Natawa ako sa channel 2 kagabi, sunod sunod.. over-over ang tv ads ng isang kandidato. Flooding kung flooding e. easy lang!
Bago ako boboto, sisiguraduhin kong mapanood muna ang lahat ng interviews ng mga kumakandidato pang presidente. Para malaman ko kung ano ang sagot nila sa pinaka karaniwan pero pinaka mahirap na tanong na kung paano lalabanan ang korupsyon sa Pilipinas.
Sabi ng isa, isusulong niya ang "incentive" o ang pampagana kung tawagin para sa mabuting gawain. Kilalanin ang mga mabubuting gawain. Kung ang nagnanakaw pinaparusahan, kailangan din gantipalaan ang mga tapat.
Sabi ng isa, edukasyon! ang cum laude ng isang pribadong eskwelahan ay kayang magturo sa isang public school. Hindi magkakalayo ang sweldo basta lang magkaroon ng kalibreng edukasyon ang ating bansa.
Sabi ng isa, dagdag trabaho para ma-i-angat ang mga tao sa kahirapan. tanggalin ang kahirapan para walang ma eng-ganyo mangurakot.
Sabi ng isa, kung walang corrupt.. walang mahirap! (haha wala akong maisip na sinagot niya.. *peace*)
Para sa akin, walang pangit na plataporma ng isang kandidato dahil walang sinuman ang hindi magbibigay ng kaya nilang gawin para mapaganda ang pamumuhay nating lahat. HELLO?!?!
Pero isa lang hong paalala: Sana magkaron tayo lahat ng tamang rason para bumoto. Oo guilty ako. Dahil nung una pa lang, tinanong ako kung sinong bobotohin ko. Tinanong ako.. "Bakit siya?" Wala akong nasagot kundi: "Wala lang, e taga las piƱas ako e!" Haha toink! sabi ko sa sarili ko, hindi ako makapaniwala na yun ang sinasagot ko. Hindi katanggap-tanggap e. Papatayin ako ng mga ka-klase ko sa masters at mga taong kausap ko lagi about politics. Babatukan nila ako. Totoo yan.
Kaya napaisip ulit ako. Hindi ako nabigo, nagbago ako ng rason.. nagbago din ako ng iboboto.
Para sa ating lahat, maging malawak sana ang pagiisip natin sa pagboto. Hindi porket kaibigan, kakilala, o kapitbahay. Hindi porket gwapo, o mabait. Importanteng kilalanin ang bobotohin. Panuodin ang videos, basahin ang lahat ng tungkol sa kanya. Hindi man manalo, alam mong may kwenta padin ang boto mo. Sabi nga ng isang kandidato, ang kagustuhang magbago ang bayan.. hindi kailangan maging presidente. Kahit matalo, hindi ito dapat maging hadlang para tumigil ka sa pagsisilbi sa bayan. Yun e kung desidido ka sa gusto mong gawin. UN LANG.
*BATO BATO SA LANGIT ANG TAMAAN AY MABABAWIAN*

Friday, April 02, 2010
Judge Me Not.
Wala kang karapatan maghusga ng tao kung hindi mo naman alam ang buong kwento ng buhay niya. Sabi nila, kahit pa mukha siyang taong grasa, hindi ka padin nakakasiguro na taong grasa nga siya hangga't hindi mo alam kung sino talaga siya.
Tingnan mo ang isang pinay at isang lalakeng foreigner na magkasamang naglalakad sa Boracay. Iisipin mong putakte ang babaeng ito at ginagamit niya lang ang foreigner para umangat ang buhay niya. Tingnan mo ang isang matandang babae na may kaholding hands na binata. Iisipin mong sugar mommy ng lalake si lola. Tingnan mo ang dalawang lalake na mahilig mag akbayan, iisipin mong bakla sila. Tingnan mo ang dalawang babae na naghoholding hands, iisipin mong tomboy sila. E ang lalakeng naka shades sa gabi... adik. Ang babaeng bigla tumaba.. buntis. E ang babae at lalake na lagi magkasama.. may "something" sa kanila. Ano pa ba? Lahat na.
Masyado mapaghusga ang mga mata ng tao. Mali man, pero ito ang totoo. Kung tanga ka, wala kang ibang gagawin kundi bigyan ng kahulugan lahat ng nakikita ng mata mo. Kung matalino ka naman, wala kang ibang gagawin kundi bigyan ng kahulugan lahat ng nakikita ng mata mo.. palihim nga lang.
Mabuti pa ang bulag, wala silang choice kundi pakiramdaman ang bagay-bagay bago sila maghusga kasi hindi naman sila nakakakita. Kung napaka pangit mo, makikipag date ka ba sa bulag?
Minsan, kahit ayaw mo.. kailangan mo umiwas sa mga bagay na magbibigay kahulugan sa mga mata ng iba. Kahit pa sa pinaka malinis mong konsensya e wala kang ginagawang mali, sa ibang tao.. WALA SILANG PAKEALAM SAYO. Mahirap, pero anong magagawa natin E SA GANON TALAGA! Hindi lahat ng tao makakaintindi sayo kasi hindi naman lahat ng tao pwede mong makausap at pwede mo ipagtanggol ang sarili mo. E ang Diyos nga.. may mga tao padin na hindi naniniwala sa Kanya. E SAYO PA KAYA?!
Sadyang may mga tao talaga na henyo na akala nila lahat ng bagay alam na nila agad ang ibig sabihin. o sige, ikaw na! ikaw na! ikaw na ang diyos!
Para sa mga taong mahilig maghusga, siguraduhin mong kahit kelan, HINDI MO NAGAWA ang parehong bagay na hinusgahan mo. Siguraduhin mo din na mas maputi pa sa labang Tide ang konsensya mo. At ang pinaka huli........... SIGURADUHIN MONG TAMA KA! kasi kung hindi, patay ka sakin. LOL

Subscribe to:
Posts (Atom)
If COVID-19 Didn't Happen
"We will remember 2020 as a year of disease and death, and lockdowns that separated friends and relatives, and businesses from customer...
-
Sabado ng gabi, nasa Antipolo.. Dasal ako ng dasal habang umiiyak. Sabi ko sa Kanya, bakit hindi niya mabigay sa akin ang matagal ko nang hi...
-
i tried it and THANK GOD it worked! *whew!* Microsoft should create a newer software that is "bug free". My Zune 30 is frozen. Wha...
-
It’s Saturday evening and I chose to stay home and watch TV. I know I’ll get bored with watching TV but this movie changed my mood for the n...