2006 - Naalala ko pa nung sa una kong trabaho, nagbalak akong magresign bigla kasi may job interview ako as Spanish Analyst sa isang international organization. Sobra akong na excite at sa awa ng Diyos.. hindi ako natanggap kasi kailangan pala ng MALE sa team nila kasi daw na over power na ng FEMALE. LABO LANG E! Simula non, lalong tumibay ang pangangarap ko na makapasok sa United Nations. Oo, United Nations! Hindi naman siguro masama mangarap diba?
Kalagitnaan ng 2008, sa kainitan ng aking ulo, may nabasa akong story sa email. "Worth the Wait" ung title. Tungkol yun sa isang padre de pamilya na naubusan ng pasensya sa kakahintay magkatrabaho. Natuto na siyang magalit sa mundo at maging pabigat sa kanyang pamilya. Pero sa huli, hindi parin sakanya nagtampo ang Diyos. Binigay parin sakanya ang matagal na niyang hiniling na trabaho. Pagkatapos ko yun mabasa, hindi na yun nawala sa isip ko. Sabi ko sa sarili ko, baka nga sa akin din, may plano din si Lord.
Pero sa paglipas ng panahon, wala pa rin akong trabaho. Nakalimutan ko na rin ang salitang pasensya. Hindi ko naiwasan ikumpara madalas ang sarili ko sa iba. Bakit sila may kwenta ako wala? Kung nasubaybayan niyo ang mga blogs ko, puro “emo” ang laman ng storya ko dahil nauubusan na ko ng pag-asa. Nawalan narin ako ng gana maghanap ng trabaho dahil masyado narin ata ako nawili maging bum (estudyanteng walang trabaho). Hingi ng allowance sa parents para pambisyo. Masaya? Oo Masaya.. pero nakakahiya. Kung siguro wala lang akong pakiramdam, hindi siguro sasagi ang salitang “hiya” sa isip ko. E pero ganon e…….
Nagdasal ako, wala. Pakiramdam ko hindi sakin nakikinig si Lord kasi hindi parin ako natatanggap sa kahit anong trabaho. Sinisi ko na ang recession (no choice). Bakit ba kasi wrong timing ang pagiging jobless ko? Tumayming pa sa recession edi lalo ako nahirapan maghanap ng trabaho. ECHOS! Nasanay na rin ata ako kahit papano sa rejection kasi lagi nalang ako hindi natatanggap. Wala rin naman napapala yung pagmamasters ko. Feeling ko pa nga, naging hadlang pa yun sa paghahanap ko ng trabaho e.
Pero hindi, buti nalang naisalba ko ang sarili ko sa pagkahibang. Natuto ako magdasal ng tama. May naging favorite pa nga akong kanta e. Yung “While I’m Wating” by John Waller
I'm waiting
I'm waiting on You, Lord
And I am hopeful
I'm waiting on You, Lord
Though it is painful
But patiently, I will wait
I will move ahead, bold and confident
Taking every step in obedience
While I'm waiting
I will serve You
While I'm waiting
I will worship
While I'm waiting
I will not faint
I'll be running the race
Even while I wait
I'm waiting
I'm waiting on You, Lord
And I am peaceful
I'm waiting on You, Lord
Though it's not easy
But faithfully, I will wait
Yes, I will wait
I will serve You while I'm waiting
I will worship while I'm waiting
I will serve You while I'm waiting
I will worship while I'm waiting
I will serve You while I'm waiting
I will worship while I'm waiting on You, Lord
Sabi sa kanta, hindi lang basta-basta ang paghihintay. while we're waiting on God is to not just wait but to actively wait. Serve, worship and be faithful with what you have, where you are... even while (you) wait.
Paulit ulit ko tong pinapakinggan lalo na kapag nawawala na naman ang pasensya ko sa buhay. Oo na ang baduy ko na, pero kung hindi ako naghintay, hindi ako matututo maghintay ng tama. Oo naiinip ako minsan, tao lang ako e. Pero hanggat makakaya ko, iniiwasan kong mag alburoto.
Friday - Exam palang nagdugo na ilong ko sa mga tanong. Buti nalang sa computer sasagutan yung questions, atleast bawas hasel. Eto na ang interview, hindi na ko nahiya, kung pwede ko lang ikwento ang mga pinagdaanan ko ginawa ko na. E ang kaso.. hindi. Ang nasabi ko lang.. “you know what, this is my dream job.” *sabay ngiti* Pagtapos ng ilang araw, nakatanggap ako ng mala radio-contest-call. Oo napatalon ako sabay iyak. AHAHAHAHAHAHAHAHA!
Halos ilang taon din akong nag-imagine. Sa tinagal-tagal kong naghintay, eto pala ang plano sa akin ni Lord. Nagalit na ko’t lahat, hindi parin pala Siya nagtampo sa akin. Salamat sa hindi pagtanggap sa akin sa bangko. Salamat sa hindi pagtanggap sa akin sa isang Eskwelahan. Salamat. Kasi kung hindi dahil sa inyo, hindi ako magiging matatag sa kakahintay na makapagtrabaho sa UN.
Oo tsong, sa United Nations!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
If COVID-19 Didn't Happen
"We will remember 2020 as a year of disease and death, and lockdowns that separated friends and relatives, and businesses from customer...
-
Sabado ng gabi, nasa Antipolo.. Dasal ako ng dasal habang umiiyak. Sabi ko sa Kanya, bakit hindi niya mabigay sa akin ang matagal ko nang hi...
-
i tried it and THANK GOD it worked! *whew!* Microsoft should create a newer software that is "bug free". My Zune 30 is frozen. Wha...
-
It’s Saturday evening and I chose to stay home and watch TV. I know I’ll get bored with watching TV but this movie changed my mood for the n...
7 comments:
BE STILL. ^^
ayus ang blog nyo sir! ok na ok ang mga entries..
nice blog ei! i just can't follow you! visit my blog too...
angblagistangmalditangthebeat.blogspot.com
ty
wah postingannya...panjang banget...hehe
kunjungi blog ku ya...
http://deekkyy.blogspot.com
ang galing ni Lord. ang galing nung kanta. walang baduy baduy :D
@Bino: salamat! :)
Post a Comment