Saturday, October 03, 2009

Bagyong Ondoy

Ang ngiti na tagal ko nang hindi nakita, ang iyak sa tuwa na tagal ko nang hindi narinig, namiss ko yun, ngayon ko lang ulit nabalikan.
Pagkatapos ng halos limang taon, ngayon lang ako ulit nakatulong ng ganito. Tagal kong hinintay ang ganitong pagkakataon, kung hindi pa dumating si Ondoy, hindi na mauulit ang pag volunteer ko. Sige na nga, salamat narin Ondoy. Haha
Sabi ng mga hindi nakakaintindi, wala naman daw naidudulot na matino yun sa akin. Bakit daw kailangan ko pa gawin yun? Ang sagot ko.. E BAKIT BA! E SA DUN AKO MASAYA E. LANG PAKELAMANAN!
Hindi ko alam kung anong puso ang meron ang isang volunteer. Sabi sa Pearl Harbor movie "there is no stronger that the heart of a volunteer. Sabi ko naman, "ok thanks!" ahahahaha hindi loko lang. Para sa mga nagkukusang loob na gumawa ng mabuti sa ibang tao, para sa mga taong hindi humihingi ng kapalit, ang titibay niyo din noh! Kasi walang humpay ang pagpapagod niyo para sa iba.
Lahat nga naman ng pangyayari may dahilan. Kasi kung hindi kay Ondoy, hindi magpapanic ang mga tao sa Luzon. Hindi mahuhukay sa baol ang salitang "bayanihan". Dahil kung tutuusin, sa dinami-daming disaster ang nangyari sa pinas, lahat halos sa mga probinsya bumagsak noon. Asan na ang politician, artista at libo-libong volunteers? Ayun, steady lang. Sorry pero totoo naman diba?! Na-bother siguro si Lord, sabi Niya kailangan pa ng matinding pampagising para sa atin. KABOOM! September 26.. bumaha ng bonggang-bongga sa Luzon. Naglanguyan at naglutangan ang mga Manilenyo sa swimming pool na kulay brown at black. State of calamity sabi ni PGMA, tumigil ang mundo ng mga gimikero at gimikera. Natuto magdasal ng mahaba ang mga tao, natuto mag status sa Facebook na hindi kalokohan, natuto mag-alala sa kapwa. Eto na ba toh Lord?
Sabi ni Lord, "oo.. NICE NOH?!"

1 comment:

Mr. Green said...

Nice topic about Ondoy. Please check also my article entitled "No More Ondoy" at http://mrgreenpinoy.blogspot.com/

If COVID-19 Didn't Happen

"We will remember 2020 as a year of disease and death, and lockdowns that separated friends and relatives, and businesses from customer...