Tuesday, October 14, 2008

Kanta ko na walang tono

Ayoko na makipaglaban sa gera.
Ayoko na sumugal pa ng pusta.
Ayoko na magbaka sakali.
Wala naman akong magagawa,
Naghihintay lang ako sa wala.

Hindi ko alam kung saan ako papunta,
Madilim, madilim sa tinatahak kong walang kasiguraduhan.
Ayoko na, ayoko na mangarap.

Para saan pa ang lahat ng pinaghirapan ko
Wala din palang gatimpala
Para saan pa ang lahat ng ito
Wala namang napala.

Hindi ko alam kung saan ako papunta,
Madilim, madilim sa tinatahak kong walang kasiguraduhan.
Ayoko na, ayoko na mangarap.

Gusto ko nang sumuko
Sa laban ko na akala ko’y may pag-asa
Hinintay ko ang sagot Mo pero nagmukha lang akong tanga
Ayoko magalit, hindi tama.

Ang hiling kong namarka lang sa hangin
Lumipad nang hindi ko man lang namalayan
Akala ko lahat possible Sayo
Pasensya, tao lang ako.

Iparamdam mo sa akin ngayon na mali ako
Iparamdam mo sa akin na sasaya pa ako
Ngayon, hindi bukas
Dahil parang ayoko na

Ayoko na, ayoko na mangarap.

No comments: