Monday, November 10, 2008

user-friendSTER.com

Kung tatanungin ka kung ano ang isa sa pinaka ayaw mong ugali ng tao, ano kaya ang isasagot mo?

Malamang ako, isa sa mga pinaka ayaw kong ugali ng tao ay yung “user-friendly.” Hindi siya basta-basta lang na manggagamit pero siya yung tipo ng tao na magpaparamdam lang sayo pag may kailangan siya. Para sa akin, maraming klase ang pagiging user-friendly. At nais kong ipamahagi sa inyo ang aking sariling klasipikasyon.


User-friendly #1

And taong ito ay matagal mo nang nakakasama. Sa madaling salita, siya ay isa sa mga kabarkada mo. Pero hindi porket kabarkada mo siya ay lagi siyang nagpaparamdam sa iyo. Ang taong ito ay hindi laman ng gimikan o simpleng tambayan ninyo. Siya ay bigla na lang magtetext o tatawag sayo para magpahiwatig ng kanyang “pangangailangan.” At dahil matagal mo na siyan kilala, alam na alam mo na ang pakay niya pag biglang nagtext siya sayo ng “kamusta?”


User-friendly #2

Ito ang taong hindi naman kabilang sa ‘circle of friends’ mo pero siya ay may kakaibang taglay ng lakas ng loob o kakapalan ng mukha sa paghingi sayo ng pabor. Ang masama pa dun, kung sino pa ang hindi mo naman kadikit, siya pa ang may pinaka mahirap na pabor na hihingin sa iyo. Naalala ko dati noong baguhan pa ako sa una kong trabaho… Biglang may lumapit sa akin na babae, at siya ang isa sa mga nagtataray sa akin tuwing magkakasalubong kami. Pero dahil siya ay may kapangyarihan na pinamana sa kanya ng mga kawatan, bigla niya ko hiniritan kung pwede ba daw siya mangutang sa akin ng limang libo.. huwaaaaaaaaaaat?


User-friendly #3

Medyo nakakalito ang uri ng pagka user-friendly nito. Hindi siya pasulpot-sulpot, isa siya sa mga malalapit sayo. Hindi mo agad mapapansin ang iyong katangahan sa pakikipag kaibigan mo sa kanya. Maguguluhan ka sa mga reaksyon ng mga kaibigan mo dahil kitang-kita nila ang pagiging abusado niya sa iyo. Pero dahil mabait naman siya sayo at malinis siya gumalaw, ikaw na ang mahihiyang tumanggi sa kanya dahil pakiramdam mo, isa siya sa mga TUNAY mong kaibigan. Nice noh?


User-friendly #4

Ang pagiging user-friendly ng taong ito ay pwede mo ring tawaging “user-BOYfriendly”. Usong-uso ito sa mga bading dahil naniniwala sila na “walang bading na PANGIT, sa lalaking GIPIT…” haha balaka! Dito pumapasok ang sikat na hiritang “pang load, pang tuition, o pang-gamot ni inay…” Pero syempre, madami ding sitwasyon na ganito para sa mga totoong babae. Sila ang mga boyfriend na mahilig magpa-libre sayo. Ikaw ang sumasagot sa mga dates niyo, at ikaw na rin ang bumibili ng regalo mo sa sarili mo. Akala ata niya, tumatae ka ng pera. Pwes, hindi tinatae ang pera… Ikaw subukan mong umire, baka may lumabas na pera sa butas ng wetpaks mo! Siguradong maghihirap ka sa user-boyfriendly na ito dahil siya naman ay yayaman sayooooo!! Ahahahaha! Sa kasawiang palad, kapag kayo ay naghiwalay dahil linoko ka niya…. Maiiwan kang luhaan dahil may naiwan pa siya sayo na tumataginting na utang. LAKAS non!


* kung sino man ang natamaan sa mga klasipikasyon ko, hindi ko sinasadyang masaktan ang iyong damdamin. Dahil alam ko naman na hindi mo din sinasadyang maging ganyang klaseng tao! Bwaaaaaaaaaahahahahaha!

No comments:

If COVID-19 Didn't Happen

"We will remember 2020 as a year of disease and death, and lockdowns that separated friends and relatives, and businesses from customer...