Sunday, February 27, 2005

Kabiguan at Pangarap: Para Sa Inyo Toh...

Habang may buhay may pag-asa. Pero mahirap umasa lalo na kapag alam mong wala na talaga. Minsan sa sobrang excited o sa sobrang inaasam mo ang isang bagay, kahit obvious nang wala na talaga, sige ka pa din na umaasa.

Kausap ko minsan ang kaibigan ko, sabi niya ayaw na daw niya masyado umasa sa isang bagay dahil baka daw hindi niya kayanin ang kabiguan. Nalungkot ako, parang nabawasan ako ng pag-asa sa mga bagay bagay. Ayoko sanang isipin ang kabiguan pero yun e! Parte yun ng buhay. Kung hindi talaga, edi hindi.

Minsan naisip ko, pag sobrang taas ng pangarap ko, baka masyado ako masaktan pag bumagsak ako. Baka di ko kayanin at malampa ako masyado. Maraming nagsasabi na wag daw mawalan ng pag-asa dahil ang kabiguan daw ay isang hudyat na may dadating pang mas maganda sa buhay. Pero bakit?

“Think positive.. think positive”… sapat bay un para ikaw ay magtagumpay? Kung puro think positive na lang ang solusyon para sa tagumpay, wala naman atang kahirap hirap yun hindi ba? Sa sobrang pagiisip ng positibo baka makalimutan mo nang magsikap. Sa sobrang pagiisip mo ng positibo baka maging magaan na lang sayo lahat ng bagay at hindi mo na ito paghirapan.

Pero kasi, ang pagiisip ng positibo ay minsan nagiging paraan para panghawi mo sa kabiguan. Yung bang, anjan na sa harap mo ang kabiguan pero sige, labanan mo lang ng pagiisip ng positibo. Wala naming mawawala kahit…………. Wala na nga talaga.

Kung ayaw talaga ibigay ng Diyos, kung hindi talaga para sayo, e di wag. Pero puwede bang ganon na lang? Ang hirap, ang hirap, ang hirap.

Maginuman na lang kaya tayo? Umiyak magdamag? Magalit sa mundo? Puwede din, pero hindi naman puwedeng maginuman, umiyak at magalit sa mundo na lang wala naman itong kinahahatnan. Magpakabulok sa isang sulok ng buhay na wala namang patutunguhan.

Madaling sabihin pero may mga bagay na napakahirap gawin pag ikaw na ang nasa kalagayan ng nabibigo. Naranasan mo na bang magsisi na sana hindi ka nalang nangarap para hindi ka nalang masaktan? Saya noh? Ansaket sa heart.

Kabiguan, pangarap.... dalawang bagay na hindi puwedeng mapaghiwalay.
Kabiguan na parte ng tagumpay…


……..teka puwede bang tagumpay na lang? (ehehehehe)


Saturday, February 26, 2005

Nakakapanghinayang! Sayang...

Naranasan niyo na bang manghinayang sa isang bagay? Di dahil nawala ito habang na sayo pero dahil hindi mo talaga ito na angkin o naranasan kahit kailan. Panghihinayang, karaniwang salita pero mabigat at pakiramdam ng ganoon. Masyado ka kasi nagmadali o di kaya’y talagang huli na lang ang lahat. Edi sana mas masaya ka ngayon. Sayang…

Ang makahanap ng pantalon habang nagwiwindow shopping ka. Wow! Puwedeng-puwede sa iyo. Maganda ang sukat pati ang itsura. Mahal nga lang pero binili mo pa din. Habang papauiwi, may nakita kang pantalon na naka display sa isang bilihan. Wow! Puwedeng-puwede sa iyo. Maganda ang sukat pati ang itsura. Mura lang pero wala ka nang pambili dahil sakto lang ang pera mo na nagastos sa mahal na pantalon. Nakakapanghinayang! Bakit ba kasi hindi ka muna naglibot e di sana nakita mo yung murang pantaloon na iyon. Sayang…

Dahil sa pagmamadali, sumakay ka na lang ng taxi sa may kanto. Nang biglang may dumaan na bus sa harap mo na walang kalaman-laman. Nakakapanghinayang! Kung naghintay ka na lang sana ng konti pa e di sana nakapag bus ka nalang. Sayang…..

Sa pagibig, matagal na kayong nakikiramdam sa isa’t-isa pero hindi niyo lang inaamin. Tumagal, lumipas na ang panahon pero ganon pa din. Hanggang sa isang araw, bigla niyo na lang naramdaman na mahal niyo pala ang isa’t-isa pero huli na. Nagtapat siya pero wala na, may kanya-kanyang buhay na kayo. Aalis na siya, may boyfriend/girlfriend na kayo. O di kaya’y ikakasal ka na at siya… wala na. Kung pinagtapat niyo na sana sa isa’t-isa noon pa, e di sana ngayon, pareho kayong masaya. Nakakapanghinayang! Sayang…

Sinabayan mo mangarap ang mga kaklase mong makasama sa isang kompetisyon. Nang bigla ka na lang tinamad at nawalan ng lakas ng loob. Hindi ka nalang sumali. Nanalo ang mga kaklase mo. Masaya! Imbitado ka pa nga sa party nila. Nalungkot ka, kung naglakas loob ka lang sana sumama sa kompetisyon e di sana kasama ka sa pagdamdam ng tagumpay nila. Nakakapanghinayang! Sayang…

Nag entrance exam ka para sa kolehiyo pero di lahat pinagkuhanan mo. Natatakot ka kasing bumagsak. Sikat na eskwelahan pero nakakatakot baka ika’y mabigo. Di nalang, hayaan mo na. Pumasa ang kaibigan mo, madali lang daw ang exam. Nakakapanghinayang! Sayang…

Bakasyon, yinayaya ka ng mga kaibigan mo. Tara na, mag swimming tayo! Hindi ka sumama dahil sa simpleng dahilan na wala, Nang inngit sila, masaya daw at maganda ang beach na pinuntahan nila. Buong panahon ka lang naman nagmukmok sa bahay niyo pero sana sumama ka nalang e di sana masaya. Nakakapanghinayang! Sayang…

E ang bumili ng ice cream, ang init kaya naman excited na excited ka sa ice cream na hawak hawak mo nang biglang mei nakasagi sayo ng di sinasadya. Nalaglag ang ice cream mo, ni hindi mo man lang natikman. Kung alam mo lang sana na masasagi ka e di sana umupo ka na lang ka agad pagkabili mo ng ice cream. Nakakapanghinayang! Sayang…

Kung sana di ka nag dalawang isip e di sana masaya ka ngayon. Hindi mo naman alam kung ano ang mangyayari, maaaring sumablay ka ng di sinasadya pero may mga pangyayaring epekto ng kamalian mo. Gaya nga ng sabi ko, maaaring nagmamadali ka, nagdadalawang isip ka, natatakot o di kaya’y wala ka ng magawa dahil huli na ang lahat. Nakakapanghinayang! Sayang…

Thursday, February 24, 2005

I am

I’m hurting inside

for my heart speaks nothing but pain

I’m speechless

for nobody dares to hear my inner feelings

I’m stunned

for I can’t react for what I see

I’m reticent

for my heart speaks nothing but silence

I’m irrational

for no one understands me truly

I’m different

for I can’t be somebody

I’m pure

for my intentions are sincere

I’m sensitive

for I can feel everybody

I’m sorry for myself

for nobody understands me………………genuinely

Wednesday, February 23, 2005

Ok Lang Pero Hindi Naman

“Kung saan ka masaya, dun na din ako..” Pero masaya ka ba talaga?

“Ok lang sa akin yun!” Pero ok ba talaga?

Kaarawan ng kapatid ko ngayon, humihingi siya ng pera sa mga magulang ko. Bibigyan siya ni daddy pero alam ko namang wala na siyang pera. Pero kailangan masaya ang kapatid ko sa kaarawan niya, kaya sige. Hindi ko maipinta ang mukha at reaksyon ng mga magulang ko tuwing humihingi kami ng allowance sa kanila. Siguro sa loob loob nila, “kalian ba matatapos to?” Pero sige, bigay pa din sila. Nagpumilit akong ibili ng computer ng tatay ko. Binilhan niya naman ako. Pero alam ko, mabigat sa kalooban niya yun dahil hindi naman iyon importante. Ang ipang-utang ang gastos ng mga anak para lang masundan ang luho o ano pa. Ok lang yun pero hindi talaga.

Ang pabayaan ang kaibigan kong malulon sa droga. Masaya siya, nakaka adik naman kasi. OK lang naman pero hindi talaga. Wala naman akong karapatan pagbawalan siya dahil sino ba naman ako? Ang hayaang iwanan ka ng mahal mo sa buhay dahil masaya siya sa ibang bagay o tao. O sige, ok lang pero hindi naman talaga. Ang pagpilitang sabihin na masaya ako para sayo kahit hindi naman talaga. Ang sabihing ok lang pero hindi naman.

Minsan kailangan mong ngumiti para mapangiti ang iba. Kailangan mong pigilan ang kasiyahan mo para sa iba. Hindi naman siguro ito masama pero mahirap naman, hindi ba? Mahirap pigilan ang mga plano at pangarap mo para lang tumakbo ang mga plano at pangarap ng iba. Bakit?

Hindi siguro lahat g tao ganito dahil may mga taong madamot at walang pakiramdam sa buhay. Kaya naman ganoon na lang ang pagpupugay ko sa mga taong marunong magbigay ng kasiyahan kahit mahirap. Pero alam kaya ng tatay at nanay ko na mahirap din naman sa kalagayan kong humingi ng allowance sa kanila ara-araw? Kung hindi ako hihingi, e wala naman akong pamasahe at pangkain. Kung kaya ko naman pigilan din ang kasiyahan ko para sa kanila, gagawin ko.

Minsan naisip ko, kung may mga tao lang na sensitibo at marunong makiramdam… hindi siguro mahirap magbigay ng kasiyahan. Kung may mga tao lang na marunong magpasalamat o di kaya’y magbigay pugay… hindi siguro mabigat magbigay ng kasiyahan. Siguro, kung marunong lang ang lahat ng tao umintindi sa mga bagay kahit hindi na ipaliwanag o sabihin, hindi siguro mahirap magbigay.

Hindi ko pa kahit kailan napasalamatan ang mga magulang ko sa pagbigay sa akin ng kasiyahan. Hindi ko din napapasalamatan ang basurero sa pagtiyatyaga sa sikat ng araw para mag hakot ng basurahan. Hindi ko pa din napapasalamatan ang tister ko sa pagtuturo sa akin ng leksyon. Hindi ko din napasalamatan ang klasmeyt kong binagsak ang subject na Filipino para samahan ako.

Para sayo………. Salamat. Hindi ko hinihiling na maging ok ang lahat ng bagay sa mga tao pero salamat pa din.
Salamat sa pag intindi sa akin.

Saturday, February 12, 2005

Priceless....

While reading my articles.. I noticed that I haven’t written anything about love. Maybe I’m not that mushy that I don’t seem to express the feeling of such. Love? Yes love. Love for your family, for your best friend, for your pet, for your grandparents, for your pamangkin, for your apo and love for your somewhat called…“special someone.”

Loving someone makes me healthier. Loving voluntary, without hesitations and vacillation. The somewhat called unconditional love, ironic yet pulls you to give in. Sometimes it gives you head aches and heart aches but you just keep on loving. Giving without anything in return, kissing and hugging for nothing. Being so exhausted for the whole day, having a bad day, never been better then someone just kisses you at the end of the day. Don’t you just love it?

Magically exists but never been visible. Sometimes when your head wonders why you love him/her… You just say uhm… like nothing? Nothing at all. Why of all the people, why him/her? Then suddenly you just smiled and geeez.. you’re inlove!

Calling him/her just to say I love you or I miss you. Making him/her special as if he’s/she’s the center of your universe. Being there and ever supportive just for the simple reason that you love.

Does anyone force you to love anyway? Well, you cannot force love for it comes unexpectedly. Love develops and grows… indeed. When you love your mom or dad, does anyone tell you to love them or does anyone oblige you to care for them? Nobody! When you suddenly realize that you love your pamangkin that you want to be with him/her everyday. When you want to take care of her/him because you just wanted to. When you hug you best friend every time she/he cries. When you go to your boyfriend/girlfriend’s house because you missed him/her. When you hold his/her hand, kiss her and fix her/his hair. When you give your special someone something for the thought of giving. When you make breakfast for your lolo/lola. When you kiss that special someone while she’s/he’s asleep. When you just want to express your love for the thought of expressing it. Don’t you just love it?

Sometimes I wonder, why do I still love even if it just gives me heartaches? Why do I still give in when I know that it’s not worthy? Why do I still love my parents even if they scold me and hate me. Why do I still love my annoying brother even if he is just a pain in my ass. Why do I still love my lola even if she’s crazy. Why do I love my best friend even if she’s peculiar. Why do I still love my special someone even if he’s a little bit inexplicable?

Why can’t I stop loving for it’ll give me liberty? Why can’t I care for everybody without loving? Why do I love even if it gives me problems? Why do I cry whenever my heart aches? Why do I give unconditional love for nobody obliges me to. Why does love come unexpectedly?
Being inspired for love, having a baffling feeling from within. Don’t you just love it?

Don’t you just love that something, that is…………….

Priceless?

If COVID-19 Didn't Happen

"We will remember 2020 as a year of disease and death, and lockdowns that separated friends and relatives, and businesses from customer...