Nakakatawa pero "Oo, totoo.."
Ako ay isang katoliko. Ang nanay at tatay ko ay katoliko, gayun din ang kanilang mga magulang. Pero iglesia ni cristo si lola, ang nanay ng tatay ko. Dati daw siyang katoliko sabi niya, pero habang tumatagal lalo lang daw siyang naguguluhan kaya minabuti niyang mag-iba ng relihiyon. At sigurado daw siyang maliligtas siya. Lumaki ako sa karaniwang pamilya. Hindi kami mahilig magsama at magliwaliw pero nakagawian na naming magsimba tuwing linggo. Bata pa lang ako, binibihisan ako ng magarang damit para magsimba. Nakaipit pa ako at napakalinis pa ng sapatos ko. At saan kami pupunta? "Magsisimba tayo ni mommy!" yun ang laging sumbat ng kuya ko. Nanay at kuya ko ang lagi kong kasama magsimba. Seaman ang tatay ko kaya naman minsan lang kami nakukumpleto pag nagsisimba. "Ok lang yun, sanay na kami". Hindi ako katulad ng ibang bata na kumakain ng cotton candy sa loob ng simbahan habang nagsesermon si father at nagtatatakbo kung saan saan. Kailangan ko daw kasing pakinggan ang misa at hindi daw dapat ako naglalaro. Masama daw yun sabi ng nanay ko. Pero aaminin ko, wala akong naintindihan ni isa sa pinagsasabi ni father. Naisip ko, bakit kaya laging galit si father? Bakit kailangan magbigay ng pera, maghawak ng kamay habang ama namin at bakit... ano yun? Yung sinusubo ni father sa bunganga.. Bakit may ganon? Hindi ko alam kung bakit, pero nagsisimba pa din ako. Nakakatawa pero "oo, totoo.."
Nang lumipas ang panahon, madalas pa din kaming magsimba ng nanay ko tuwing linggo at naiintindihan ko na din ang misa ni father. Pero minsan nalang sumama si kuya at shempre si daddy. "Ok lang yun, sanay na kami". Nakakatamad daw kasing magsimba at hindi naman daw epektibo ang pagsisimba sabi ng kapatid ko. Matutulog na lang daw siya o di kaya manunuod nalang ng TV, mas masaya pa sabi niya. Oo nga naman, nakaka antok sa simbahan lalo na pag maaga na misa ang dinadaluhan namin. Pero nagsisimba pa din ako. Buti nalang at isang oras lang ang misa hindi katulad ng iba, dalawa o tatlong oras ang simba. Aba! nakaka antok nga...
Dati, lagi kami nag kekwentuhan sa bahay pagkatapos kumain. Nandiyan ako, si mommy at si lola siyempre (tulog pa kasi si kuya kaya madalang lang namin siya makasabay kumain). Pero pag relihiyon na ang pinaguusapan, nagiiba na ang tono ng boses ng lola ko. Sila lang daw kasi ang maliligtas at hindi ang iba pang relihiyon. Kami daw kasi ang mga makakasalanan sa sanlibutan. Paano naman nila nalaman yun? E paano yung hindi nila kapareho ng relihiyon? "Edi lahat kayo sa impyerno nalang pupunta". Aray ansakit naman tanggapin nun. Kahit tumutulong ako sa ibang tao, nagsisikap sa buhay at mapagmahal sa mga magulang pero hindi ako iglesia ni cristo eh hindi pa din ako pupunta sa langit? E paano na yun, kung iglesia ni cristo ako at sigurado namang maliligtas ako, e di gagawin ko na lahat ng gusto ko. Kahit masama ok lang, ligtas naman daw ako e.
Habang tumatagal unti-unti ko na ding naiintindihan ang lahat. Alam kung hindi sa relihiyon naka base kung saan pupunta ang isang tao pagkamatay niya. Alam ko at naniniwala akong, pagnamatay tayo hindi relihiyon ang itatanong sa atin ni san pedro. Kung hindi, kung paano tayo nabuhay at ano ang ginawa natin nang tayo ay nabubuhay pa. Hindi ko ito masabi sa lola ko, kasi baka mag away lang kami. Papatulan ako nun basta relihiyon ang paguusapan.. Nakakatawa pero "oo, totoo.."
Sunday, July 18, 2004
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
If COVID-19 Didn't Happen
"We will remember 2020 as a year of disease and death, and lockdowns that separated friends and relatives, and businesses from customer...
-
Sabado ng gabi, nasa Antipolo.. Dasal ako ng dasal habang umiiyak. Sabi ko sa Kanya, bakit hindi niya mabigay sa akin ang matagal ko nang hi...
-
i tried it and THANK GOD it worked! *whew!* Microsoft should create a newer software that is "bug free". My Zune 30 is frozen. Wha...
-
It’s Saturday evening and I chose to stay home and watch TV. I know I’ll get bored with watching TV but this movie changed my mood for the n...
No comments:
Post a Comment