Estudiante
Mag lalabing apat na taon na akong namumuhay bilang isang estudiante at sa susunod na taon, magtatapos na din ako sa kolehiyo. Sa wakas. Patagal ng patagal, palapit ng palapit ang pagwawakas ng aking kabanata bilang isang estudiante. Masayang isipin pero nakakalungkot din. Masarap at madali daw ang buhay estudiante sabi ng mga nakakatanda. Mag-aaral ka lang naman daw at papasok araw-araw.
Ano daw? Masarap at madali?!
Kung sabagay, para sa akin, kung ikukumpara ko ang buhay ko sa iba, maginhawa talaga at masarap maging estudiante. Lalo na at wala naman akong binubuhay na pamilya at hindi naman ako kailangan magtrabaho para magka pera pantustos sa matrikula. Pero mahirap din. Mahirap magpaka puyat ng ilang gabi at magpilit umintindi ng isang lesson na kahit anong pilit ay sadyang hindi ko talaga maintindihan. Hindi ko naman sinabi na wala na talagang pag-asa pero, nakakalito talaga.
Mahalaga ang titser para sa akin. Dahil, kung walang kagana-gana magturo ang titser ko, wala din akong kagana-gana mag-aral. Kung strikto naman at terror ito, takot naman akong pumalpak sakanya. At kung patawa lang at hindi nag seseryoso ang titser ko, tatawa lang din ako habang nag-aaral. Mahalaga din ang mga nakakatabi ko sa klasrum. Dahil kung magulo’t maingay sila, magulo’t maingay din ang pakiramdam ko. Kung seryoso at tahimik naman sila, nabubugnot naman ako. At kung tutulog-tulog naman ang mga katabi ko, mas mabuti sigurong matulog na din ako. Sa madaling salita, ang titser at ang mga ka-klasmeyt ang impluwensya sa pagiging estudiante ko.
Salamat sa inyo.
Pero, pagtapos ko sa pag-aaral at kung bibigyan pa ako ng isa pang pagkakataon maging isang estudiante... Pipiliin ko pa din ito.
Bakit hindi?
Masarap at madali lang naman ito....
Thursday, July 29, 2004
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
If COVID-19 Didn't Happen
"We will remember 2020 as a year of disease and death, and lockdowns that separated friends and relatives, and businesses from customer...
-
Sabado ng gabi, nasa Antipolo.. Dasal ako ng dasal habang umiiyak. Sabi ko sa Kanya, bakit hindi niya mabigay sa akin ang matagal ko nang hi...
-
i tried it and THANK GOD it worked! *whew!* Microsoft should create a newer software that is "bug free". My Zune 30 is frozen. Wha...
-
It’s Saturday evening and I chose to stay home and watch TV. I know I’ll get bored with watching TV but this movie changed my mood for the n...
1 comment:
pagka graduate mo..pakasal na tyo! ahaha! love you!
Post a Comment