Saturday, July 31, 2004

o... pag-ibig

Isa ka Daw sa Pinaka Swerteng Tao sa Mundo

Isa ka daw sa pinaka swerteng tao sa mundo pag inlove, may boyfriend o girlfriend ka. Hindi daw kasi masusukat ang kaligayahan mo. At kahit nasasaktan ka daw minsan, ok lang daw yun dahil hindi naman daw maiiwasan yun.

“E pare, bakit ganun? Kung sino ang gusto mo, ayaw naman sayo. At kung sino naman ang ayaw mo, siya naman ang may gusto sayo?”

E sa ganun talaga ang buhay e.

Minsan, sa sobrang lungkot mo, pinapabayaan mo nalang ang lahat ng bagay at hindi mo na namamalayan ang pagtakbo ng panahon. Hanggang sa magugulat ka nalang, nasa harap mo na pala ang matagal mo nang hinahanap. Nasakanya na ang lahat ng katangian na gusto mo. Ang pakiramdam mo, siya na talaga ang para sayo. At paunti-unti ka nang napapamahal sa kanya. Hanggang dumating ang panahon na sigurado ka nang mahal mo na siya at feeling mo, ganun din ang nararamdaman niya para sayo...

E akala mo lang iyon!

Bigla mo nalang malalaman na may sablay pala. Kung hindi siya taken, hindi pala siya seryoso sa ginagawa niya. O kaya, hindi pala niya trip ang pumasok sa isang commitment. At pwede ding, madaming hadlang sa paligid ninyo.

E ok pala e!

Shempre, wala kang magawa dahil hindi mo naman alam kung ano na ang karapat dapat na mangyari sa inyo. Maghihintay ka nalang ulit dahil yun ang napili mong gawin.


TAKE TWO:


Isa ka daw sa pinaka swerteng tao sa mundo pag inlove, may boyfriend o girlfriend ka. Hindi daw kasi masusukat ang kaligayahan mo. At kahit nasasaktan ka daw minsan, ok lang daw yun dahil hindi naman daw maiiwasan yun.

“E pare, bakit ganun? Kung sino ang gusto mo, ayaw naman sayo. At kung sino naman ang ayaw mo, siya naman ang may gusto sayo?”

E sa ganun talaga ang buhay e.

Minsan, sa sobrang lungkot mo, pinapabyaan mo nalang ang lahat ng bagay at hindi mo na namamalayan ang pagtakbo ng panahon. Hanggang sa magugulat ka nalang, nasa harap mo na pala ang matagal mo nang hinahanap. Pero may isang problema...

Dahil sa takot kang masaktan, minabuti mo nalang na itago ang tunay mong nararamdaman. Napag desisyunan mo na, maging magkaibigan nalang kayo. At least, hindi ka masasaktan at hindi siya mawawala sayo.

Tapos bigla mo nalang malalaman na magkaka girlfriend/boyfriend na siya. At shempre, wala ka na namang magawa dahil wala naman kayong relasyon.


Maghihintay ka nalang ulit dahil yun ang napili mong gawin...........





(patay ng ilaw...higa...pikit ng mata...)







Badtrip....


Thursday, July 29, 2004

Estudiante

Estudiante

Mag lalabing apat na taon na akong namumuhay bilang isang estudiante at sa susunod na taon, magtatapos na din ako sa kolehiyo. Sa wakas. Patagal ng patagal, palapit ng palapit ang pagwawakas ng aking kabanata bilang isang estudiante. Masayang isipin pero nakakalungkot din. Masarap at madali daw ang buhay estudiante sabi ng mga nakakatanda. Mag-aaral ka lang naman daw at papasok araw-araw.

Ano daw? Masarap at madali?!

Kung sabagay, para sa akin, kung ikukumpara ko ang buhay ko sa iba, maginhawa talaga at masarap maging estudiante. Lalo na at wala naman akong binubuhay na pamilya at hindi naman ako kailangan magtrabaho para magka pera pantustos sa matrikula. Pero mahirap din. Mahirap magpaka puyat ng ilang gabi at magpilit umintindi ng isang lesson na kahit anong pilit ay sadyang hindi ko talaga maintindihan. Hindi ko naman sinabi na wala na talagang pag-asa pero, nakakalito talaga.

Mahalaga ang titser para sa akin. Dahil, kung walang kagana-gana magturo ang titser ko, wala din akong kagana-gana mag-aral. Kung strikto naman at terror ito, takot naman akong pumalpak sakanya. At kung patawa lang at hindi nag seseryoso ang titser ko, tatawa lang din ako habang nag-aaral. Mahalaga din ang mga nakakatabi ko sa klasrum. Dahil kung magulo’t maingay sila, magulo’t maingay din ang pakiramdam ko. Kung seryoso at tahimik naman sila, nabubugnot naman ako. At kung tutulog-tulog naman ang mga katabi ko, mas mabuti sigurong matulog na din ako. Sa madaling salita, ang titser at ang mga ka-klasmeyt ang impluwensya sa pagiging estudiante ko.

Salamat sa inyo.

Pero, pagtapos ko sa pag-aaral at kung bibigyan pa ako ng isa pang pagkakataon maging isang estudiante... Pipiliin ko pa din ito.

Bakit hindi?

Masarap at madali lang naman ito....

Monday, July 26, 2004

Ako, si Mommy at si Tsong

Ako, si Mommy at si Tsong


AKO: “tsong anong oras na?”

TSONG: “9:30 bakit?”

AKO: “patay tayo jan...”

(ten ten ten tenen.. tentenen ten ten tenen...)

AKO: “hello.. mommy...”

MOMMY: “wala ka bang balak umuwi?!”

AKO: “pauwi na... hello? Hello mommy?”

TSONG: o! ano daw?

AKO: “binagsakan ako as usual”

(pagkalipas ng isang oras...)

AKO: (patay!!)

MOMMY: “aba sumosobra ka na ha!! pasalamat ka pinapayagan pa kita! bakit ba ngayon ka lang umuwi?!”

AKO: (patay!!)

MOMMY: “ano hindi ka ba magsasalita?!”

AKO: (ang aga pa nmn a’..)

MOMMY: “ANO BA!!”

AKO: “e mommy naghatid pa......”

MOMMY: “wala akong pake-alam kung naghatid pa kayo!”

AKO: “e walang maghaha.....”

MOMMY: “SASAGOT KA PA E!”

AKO: (ok fine!)

MOMMY: “gabing-gabi na nasa labas ka pa din!”

AKO: (minsan lang naman a’)

MOMMY: “wala ka nang ginawa kundi maglakwatsa! Gabi na nga ang tapos ng klase mo tapos lakwatsa ka pa sa sabado!”

AKO: (at least nag aaral...)

MOMMY: “MAGPAHINGA KA NAMAN!”

AKO: (pahinga ba talaga...)

MOMMY: “linisan mo kwarto mo! Magwalis walis ka sa labas! Hindi yung saan saan ka nagpupupunta!

AKO: (sabi mo pahinga..)

MOMMY: “wala ka nang panahon dito sa bahay a’!”

MOMMY: “ano?! Magsalita ka nAMAN!! ANO BA!”

AKO: “oh...”

MOMMY: “anong oh? Kinakausap kita jan e!”

AKO: “e naghatid pa nga kami. kaya ako.......”

MOMMY: “PUNY*T*! MATULOG KA NA NGA! SASAGOT KA PA E!”

AKO: (anlabo...) (kamot ng ulo..)

* Mga magulang nga naman........








Friday, July 23, 2004

Serbisyong Totoo

Serbisyong Totoo

“There is nothing stronger than a heart of a volunteer" --Pearl Harbor

Dalawang taon din akong nagpupunta sa malayong lugar para magsilbi bilang isang volunteer sa mga pamilya at mga bata. Mag a-apat na taon naman akong nagsisilbing volunteer sa isang movement sa pinag tapusan ko ng high school. Pag nagkita siguro kami ni San Pedro at tinanong niya kung anong silbi ko sa mundo... “isang volunteer po” ang isasagot ko. Wala daw mas hihigit pa sa puso’t damdamin ng isang volunteer, yun ang sabi ng teacher ko. Kung iisipin mo, mahirap maging isang volunteer. Walang bayad ang serbisyo na binibigay mo sa mga tao at higit sa lahat, walang nagpipilit sayo na magbigay ng serbisyo, serbisyong totoo kung paano namin tawagin ito.

Nang ako’y elementarya pa lang, lagi may outreach sa aming eskwelahan. Nagpupunta kami sa mga lugar lugar o di kaya’y mayroong nagpupunta sa aming eskwelahan para bigyan namin ng regalo, libro at mga pagkain. Hanggang sa ako’y nag-high school, patuloy pa din ang mga outreach namin. Isa na siguro sa hindi ko makakalimutan ay ang pagdalaw namin sa Muntinlupa Bilibid Prison, kung saan nakausap namin ang mga preso. Ganun din ang pagdalaw namin sa Home for the Aged. Umiiba ang pakiramdam ko tuwing nakikita ko silang ngumingiti at tumatawa. Kaya naman, nang ako’y nag kolehiyo, tinuloy tuloy ko na. Ako ay nagsilbing volunteer sa aming eskwelahan. Titira kami sa malayong lugar ng dalawang linggo at kami ay magtuturo ng basic subjects sa mga bata. Mahirap? Mahirap talaga pero masaya. Dalawang linggong malayo sa aking pamilya’t mga kaibigan. Dalawang linggong walang fast food at cable tv. At dalawang linggong walang lakwatcha. Pero tinuloy ko pa din. Tumira ako dati sa Botolan, Zambales kung saan, mga aeta ang aming nakasama. Tumira kami sa kanya-kanyang foster family at magtuturo kami ng basic subjects sa mga batang nakatira sa kanilang siyudad. Nung una, hindi ko lubos maisip na mga aeta ang makakasama namin. Para sa mga kahapon lang pinanganak, ang aeta ang mga katutubo natin. Sila yung mga nakasuot ng bahag at bahiling. Aaminin ko, nahirapan talaga ako. Pero ibang klase ang kaligayahang naidulot sa aming grupo. Napamahal na din kami sa kanila. Iba sila sa atin dahil sa kanilang pananamit, pisikal na kaanyuan at kagawian pero ibang klase din naman sila magmahal ng kapwa. Ibang klase ang pamilya ng mga aeta. Simple pero nagmamahalan at marunong makisama sa iba. Kaya iyakan talaga kami nang kami’y pauwi na ng Manila. Nang sumunod na taon, umulit ako. Hindi na sa Zambales, sa Abra naman. Katulad ng nakaraang taon, dalawang linggo din kaming nanirahan doon. Hindi mashado mahirap dahil bayan naman ang aming tinirahan. Pero sadyang dilikado. Eleksyon nang kami ay nagpunta doon kaya naman panay ang aming ingat. Sunod-sunod kasi ang barilan sa aming lugar. Warzone daw kasi ang Abra tuwing eleksyon.

Hindi na daw ako papayagan ng aking nanay sa susunod dahil natatakot siya para sa akin. Pero kung ako ang tatanungin, ipagpapatuloy ko pa din yun. Mahirap kung iisipin pero ibang klaseng kaligayahn naman ang naidudulot nito sa akin ganun din sa aking mga natutulungan. “Mag volunteer ka nalang sa iba wag na diyan!” Yang ang pinaka huling sinabi ng aking mga magulang pagdating ko galing Abra. Patuloy pa din akong nagvovolunteer. Pero hindi na ako lumalayo. Ako ay nagsisilbi at nagbibigay serbisyo sa mga nag reretreat. Ito ay isang movement sa aming eskwelahan. Ang pinagtapusan ko ng highschool. Kami ang naghuhugas ng plato, naglilinis ng kwarto’t banyo, ang tumutulong sa pagsasagawa ng retreat. Mahirap lalo na at kami ay nagaaral pa habang may kanya-kanyang trabaho naman ang iba, nakakapagod... pero masaya.

Lumilipas ang panahon, unti-unti na ding natatanggap ng mga magulang ko ang aking ginagawa. Ang pagiging isang volunteer. Dahil alam nilang yun ang isa mga gusto kung gawin sa buhay ko. Hindi ang makaranas ng paghihirap kung hindi, ang magbigay ng serbisyo na hindi binabayaran, hindi pinipilit at bukal sa loob. Serbisyong totoo kung paano namin tawagin ito....


Sunday, July 18, 2004

Relihiyon

Nakakatawa pero "Oo, totoo.."

Ako ay isang katoliko. Ang nanay at tatay ko ay katoliko, gayun din ang kanilang mga magulang. Pero iglesia ni cristo si lola, ang nanay ng tatay ko. Dati daw siyang katoliko sabi niya, pero habang tumatagal lalo lang daw siyang naguguluhan kaya minabuti niyang mag-iba ng relihiyon. At sigurado daw siyang maliligtas siya. Lumaki ako sa karaniwang pamilya. Hindi kami mahilig magsama at magliwaliw pero nakagawian na naming magsimba tuwing linggo. Bata pa lang ako, binibihisan ako ng magarang damit para magsimba. Nakaipit pa ako at napakalinis pa ng sapatos ko. At saan kami pupunta? "Magsisimba tayo ni mommy!" yun ang laging sumbat ng kuya ko. Nanay at kuya ko ang lagi kong kasama magsimba. Seaman ang tatay ko kaya naman minsan lang kami nakukumpleto pag nagsisimba. "Ok lang yun, sanay na kami". Hindi ako katulad ng ibang bata na kumakain ng cotton candy sa loob ng simbahan habang nagsesermon si father at nagtatatakbo kung saan saan. Kailangan ko daw kasing pakinggan ang misa at hindi daw dapat ako naglalaro. Masama daw yun sabi ng nanay ko. Pero aaminin ko, wala akong naintindihan ni isa sa pinagsasabi ni father. Naisip ko, bakit kaya laging galit si father? Bakit kailangan magbigay ng pera, maghawak ng kamay habang ama namin at bakit... ano yun? Yung sinusubo ni father sa bunganga.. Bakit may ganon? Hindi ko alam kung bakit, pero nagsisimba pa din ako. Nakakatawa pero "oo, totoo.."

Nang lumipas ang panahon, madalas pa din kaming magsimba ng nanay ko tuwing linggo at naiintindihan ko na din ang misa ni father. Pero minsan nalang sumama si kuya at shempre si daddy. "Ok lang yun, sanay na kami". Nakakatamad daw kasing magsimba at hindi naman daw epektibo ang pagsisimba sabi ng kapatid ko. Matutulog na lang daw siya o di kaya manunuod nalang ng TV, mas masaya pa sabi niya. Oo nga naman, nakaka antok sa simbahan lalo na pag maaga na misa ang dinadaluhan namin. Pero nagsisimba pa din ako. Buti nalang at isang oras lang ang misa hindi katulad ng iba, dalawa o tatlong oras ang simba. Aba! nakaka antok nga...
Dati, lagi kami nag kekwentuhan sa bahay pagkatapos kumain. Nandiyan ako, si mommy at si lola siyempre (tulog pa kasi si kuya kaya madalang lang namin siya makasabay kumain). Pero pag relihiyon na ang pinaguusapan, nagiiba na ang tono ng boses ng lola ko. Sila lang daw kasi ang maliligtas at hindi ang iba pang relihiyon. Kami daw kasi ang mga makakasalanan sa sanlibutan. Paano naman nila nalaman yun? E paano yung hindi nila kapareho ng relihiyon? "Edi lahat kayo sa impyerno nalang pupunta". Aray ansakit naman tanggapin nun. Kahit tumutulong ako sa ibang tao, nagsisikap sa buhay at mapagmahal sa mga magulang pero hindi ako iglesia ni cristo eh hindi pa din ako pupunta sa langit? E paano na yun, kung iglesia ni cristo ako at sigurado namang maliligtas ako, e di gagawin ko na lahat ng gusto ko. Kahit masama ok lang, ligtas naman daw ako e.
Habang tumatagal unti-unti ko na ding naiintindihan ang lahat. Alam kung hindi sa relihiyon naka base kung saan pupunta ang isang tao pagkamatay niya. Alam ko at naniniwala akong, pagnamatay tayo hindi relihiyon ang itatanong sa atin ni san pedro. Kung hindi, kung paano tayo nabuhay at ano ang ginawa natin nang tayo ay nabubuhay pa. Hindi ko ito masabi sa lola ko, kasi baka mag away lang kami. Papatulan ako nun basta relihiyon ang paguusapan.. Nakakatawa pero "oo, totoo.."

If COVID-19 Didn't Happen

"We will remember 2020 as a year of disease and death, and lockdowns that separated friends and relatives, and businesses from customer...