Saturday, April 18, 2015

Extra Mile

Some will boast about how extravagant their work is. Some will tell you their fat pay checks. Some will show their freebies. While some will share their experiences how they've saved someone today. How they've served a stranger. Or how they've crossed the line just to help a family.

And that's not easy but someone had to do it today. You may choose to follow your dreams but your mission in this world is your detiny.


Saturday, January 17, 2015

Ganon.

Sana ganon lang kadali ang buhay.



Sana pwede mo makuha ang trabahong gusto mo at ito rin ang trabahong magpapayaman sayo. Sana totoo ang “walang personalan, trabaho lang.” Sana lahat ng trabaho na binibigay ng trabaho ay nagagawan ng paraan. Sana ganon lang kadali.

Sana hindi mahirap magpapayat. Sana kapag nag skip ka ng meal, mababawasan ka ng taba ng ganon-ganon lang. Sana pag naisipan mo magpapayat at nag exercise ka ng isang araw, mabawasan ka na agad ng timbang. Sana tuloy-tuloy.

Sana crush ka din ng crush mo. Sana kahit yung one time sulyap e maging crush kadin niya. Sana walang effort, tapos MU na kayo. Tapos ma in love nadin siya.. Ganon.

Sana hindi mashado nakaka pressure ang society. Sana kahit lahat sila may boyfriend na or engaged na or may asawa’t anak na e sana wag nila isipin na END OF THE WORLD NA PARA SAYO AT KAILANGAN MO NA DIN MAKITABO. Na sana wag isipin ng mga tao na gusto mo tumanda mag-isa at mamatay ng walang kwenta. Dahil hindi naman totoo yun.

Sana lahat ng tao marunong makiramdam. Para di sila nakakasakit.

Sana pwede mabigay lahat ng bagay na magpapasaya sa magulang. Para quits!

Sana hindi ganon kamahal pumunta at lumibot sa ibang bansa. Sana pwede mo ito pagplanuhan ng isang araw lang tapos lipad kinabukasan.

Sana ganon kadali ang buhay. Pero hindi. 

Hindi natin ito kontrolado. Kailangan natin maging matibay para mabuhay. Pwede ka manalangin. Pwede ka mangarap. Pwede ka din mag-imagine na nangyayari yung mga gusto mo mangyari tapos magigising kadin sa katotohanan na hindi lahat ng bagay pwede mo makuha. Hindi lahat ng gusto mo pwede mapasayo. Dahil ang totoo, kailangan mo makipag-laban. Sa araw-araw ng buhay mo, hindi ganon kadali. Kailangan mo paghirapan para makuha ang kung ano man ang gusto mo. Pero hindi ganon kadali. 

Hindi ka rin pwede mag reklamo.

Minsan nakakagalit, nakakaasar din. Minsan nakaka walang gana. Pwede mo gawin yun. Pwede mo maramdaman. Pero wag mashado. Wag matagal.

Wag forever.







Monday, July 29, 2013

Life As We Know It: Favorite Quotations Part I


I don’t know about you, but there’s nothing more comforting to me than when someone tells the truth about their life. Even when it’s f_cking difficult.  When they just go there, you know? Without the bullsh_t and without hiding behind a carefully crafted people-pleasing persona. When they stand up and say, “Listen, here’s what I’m going through. It’s not pretty, but it’s what’s happening.” And then they rip themselves open and share their truth. (http://www.lifelessbullshit.com/speak-your-truth/)
  • I think I should tell this one to myself. It’s really hard to lay your cards to the world and just expect people to understand it perfectly. I mean, who cares, right? I am always anxious to tell what I really feel about things because I was too afraid to show my weaknesses and I know that nobody really cares if I’m miserable. Well yeah.. whatever.

“Dear God, I’ve tried my best but if today I lose hope, please tell me that your plans are bigger than mine”
  • Faith.

I always pray to God that if ever I get too attached to something that's not meant for me, that God may detach me without making me suffer from separation anxiety.
  • My favorite prayer in the world. I would never surpass all the challenges without this. I believe that it’s a human nature to get attached to something too much but I also believe that always following thy heart will kill me eventually. Just saying.

"When you are kind to someone, you set in motion a chain of events that makes each life it touches a little bit better. One by one, that act of kindness is paid forward ... till one day it comes back to you multiplied."
  • When doing good to others brings you harm, do it anyway. Doing good does not always end up to charity, too much kindness is not applicable in real life.

Don’t get stuck.
  • Life doesn’t owe us anything. We need to accept the fact that sh_t happens sometimes. Acceptance/Healing, though, is a process – and we know it. We just need to deal with it, keep calm, and move on. Better said than done. C’est la vie.

Sometimes you grow out of people. And if you are overwhelmed with the same feeling of “Ugh, why are these people still talking about this tedious shit?” every time you sit down at the same bar with your same group of friends, it may be time to freshen up. It’s not a bad thing to have to trim down contact with certain people — or broaden your social horizons — but we are often convinced that if we feel the need to change things, there is something ultimately wrong with us. Obviously, if you are changing hangouts every two weeks out of a need to avoid people you once called friends, there is an issue. But if you just need to see some new faces (that aren’t 50 percent people you’ve already slept with) once in a while, that’s probably a pretty healthy move. – Thought Catalog
  • I’m glad that I wasn’t the only one who’s gone solo from the groupies and explored more. This is normal, right?

“When you have worked as hard and done as much and strived and tried and given and plead and bargained and hoped - Surrender. When you have done all that you can do, and there is nothing left for you to do. Give it up. Give it up to that thing that is greater than yourself and let it then become a part of the flow.” – Oprah
  • This must be, by far, theee most emotional quotation I’ve ever read in my entire life. I just thought that when I was going through tough times in 2011, this quote lifted me up from the ground. 

 Each man should give what he has decided in his heart to give, not reluctantly or under compulsion, for God loves a cheerful giver. (2 Corinthians 9:7)
  • Doing something you hate is like forcing a dead person to breathe. It will never work.

No one realizes how beautiful it is to travel until he/she comes home and rests his/her head on his/her old, familiar pillow...
  • Travel is wealth.

There comes a point in life when you get tired of chasing everyone and trying to fix everything, but it’s not giving up.  It’s realizing you don’t need certain people and things and the drama they bring. (http://www.marcandangel.com/2011/09/25/30-truths-ive-learned-in-30-years/)
  • We don’t control the world. We don’t control minds either. If some people we value chose to value something else, then f_ck it and let go.


As we express our gratitude, we must never forget that the highest appreciation is not by words, but to live by them.
  • Happy people are the thankful ones. Happiness comes with contentment too. So yeah.. let’s try harder.
  


To be continued………

Saturday, December 29, 2012

2012 - Greatest Realizations


Last year, I wrote a blog about my self realizations for 2011: http://kesico.blogspot.com/2011/12/2011-greatest-realizations.html

Just to be consistent, I'm writing my realizations for this year as well:

  1. Learned by heart the serenity prayer:
  • God grant me the Serenity to accept the things I cannot change; Courage to change the things I can; and Wisdom to know the difference.
     2.  Panglao, Bohol is my one true love.

     3.  Love can do impossible things. 

     4.  It can also ruin friendship/s.

     5.  Family first.

     6.  What others think about you is none of your business.

     7.   When you're on your late 20s, stop attending family reunions to avoid "why-are-you-still-single-and- 
           not-yet-married" conversations.

     8.   Quarter-life crisis is real.

     9.   You don't have to burn bridges to avoid people. 

     10.  Happy people are the grateful ones.
     
     11.  Stop the "be yourself" attitude. If you feel that there's something wrong going on, you need to adjust 
            and change for the better to live a happier life.

     12.  Start dreaming again.

     13.  You can't please everybody. Get over it.

     14.  I love airplanes 

     15.  Being nice to someone you dislike doesn't mean you're FAKE. It means you are mature enough
            to tolerate your dislike towards them. 

     16. "Things change. And friends leave. Life doesn't stop for anybody." - Stephen Chbosky

     17.  I'm in love with my niece, baby girl :)

     18.  Date someone who loves to read.

     19.  DAMNED if you. DAMNED if you don't.

     20.  Some people are really plain stupid. Insensitive. And no respect.

     21.  Delicadeza

     22.  OPM is still alive.

     23.  It's More Fun in the Philippines.

     24.  This year was my loneliest birthday ever. 

     25.  My mom still cooks the best spicy spaghetti in the world. Yeahmehn.

     26.  It's not yet end of the world, you foooool!!

     27.  Everybody wants to go to heaven but nobody wants to die first.

     28.  My "The One" is still missing.

     29.  Tattoo hurts like hell.

     30.  It's OK to pretend and act stupid even if you're sober. 


Sunday, October 14, 2012

The Vulture and the Sudanese Child


The priest shared this story to us today. He told us to search for three words: Africa, Poverty, and Vulture. Google brought me here >> 
http://www.squidoo.com/kevin-carters-iconic-photo

The South African photojournalist Kevin Carter won a Pulitzer Prize in 1994 for this controversial photo taken on March 11, 1993. The photographer was in a place near the village of Ayod in Sudan when he saw an emaciated Sudanese child making her way towards a feeding program nearby. When she stopped to rest, a vulture landed behind with his eyes on the little girl, seemingly waiting for the child to die so he could finally devour her remains. 

Click the link for the story ( http://www.squidoo.com/kevin-carters-iconic-photo). Kevin Carter got depressed - committed suicide. Excerpts from Cater's suicide note read: "I'm really, really sorry. The pain of life overrides the joy to the point that joy does not exist...depressed ... without phone ... money for rent ... money for child support ... money for debts ... money! ... I am haunted by the vivid memories of killings & corpses & anger & pain ... of starving or wounded children, of trigger-happy madmen, often police, of killer executioners... I have gone to join Ken if I am that lucky."

Tuesday, April 17, 2012

Kaibigan


Matagal ko din pinagisipan paano ko mabubuo ang blog kong ito. Matagal akong nagmuni-muni kung ano ang tamang salita para dito.

Ang blog na ito ay para sa mga kaibigan.

Nung bata-bata pa ako, palagi sakin sinasabi ng nanay ko na mamili ako ng kaibigan. Sabi ko sakanya, hindi ako ganon. Kahit sino pwede ko kaibiganin. Hanggang ngayon, ngayon ko lang naintindihan ang totoong ibig sabihin ni mommy.

Sabi nila, habang tumatagal, sa pagtanda mo, kokonti ang bilang ng mga kaibigan mo. Hindi dahil namatay sila lahat kundi, iilan lang ang mga taong pinili mong maging parte padin ng buhay mo. Titibay ang mga sarili mong paniniwala..mga opinyon. At hindi lahat ng nasa friend's list mo, kaya sikmurain ang ugali mo.

At ang mga tumagal? Sila ang mga taong marunong makiramdam, magpahalaga ng pagkakaibigan. Sila yung mga tao na hindi mo man madalas makita, pero ramdam mo ang pagmamahal nila sayo. Sila ang mga taong hindi ka bibitawan kahit ano pa ang mangyari. Sila ang mga taong, nakaaway mo na't lahat..pero dadating ang panahon na magkakaintindihan din kayo.

"You start realizing that maybe, those friends that you thought you were so close to aren't exactly the greatest people you have ever met and the people you have lost touch with are some of the most important ones."

At para sa akin, maaaring hindi din ako naging totoo sa iba. Siguro pinili ko din i-detach ang sarili ko dahil alam kong mas gagaan ang loob ko.

Sa libo-libong kasama ko dati sa araw-araw na kasiyahan..hanggang sa iilan na natira..swerte pa din ako kasi may mga kaibigan padin akong totoo at maganda ang intensyon sa akin.

May mga tao na lalapit sayo dahil sa kalakasan mo. Pero may mga tao na lalapitan ka at aakayin mula sa kahinaan mo.

Dumating man ang panahon na magkaalaman. Dumating man ang araw na magkabilangan. Alam ko sa sarili ko na hindi ako magiisa.

Para sa mga taong hindi marunong magpahalaga, di ako makikipag-away. Hindi din ako makikipagpilitan. Mahirap makipaglaban sa wala. Magmumukha lang tayong TANGA.

BILOG ANG MUNDO. ANG GINAWA MO SAKIN AY GAGAWIN DIN SAYO.

Thursday, December 29, 2011

2011 – Greatest Realizations


My self realizations this year:

1) “If you are humble nothing will touch you, neither praise nor disgrace, because you know what you are.” – Mother Teresa

2) Do not trust anybody but yourself.

3) Keep your friends close and your enemies closer.

4) Friends come and go.

5) REAL men fight for love.

6) People will judge you. Period.

7) Have a little faith.

8) Things happen for a reason.

9) “When you have worked as hard and done as much and strived and tried and given and plead and bargained and hoped - Surrender. When you have done all that you can do, and there is nothing left for you to do. Give it up. Give it up to that thing that is greater than yourself and let it then become a part of the flow.” – Oprah

10) Some people will betray you for money and fame.

11) Fight for what is right. Value yourself. Doormats will forever be doormats.

12) If screaming at the top of your lungs will make you happy, DO IT.

13) DO NOT EXPECT TOO MUCH. IT WILL BREAK YOUR HEART.

14) Life is good. Life is fair. You’d get what you deserve. True story.

15) Money, fame, and fancy things will surely make you happy but not contented.

16) BEST things in life are free.

17) Forget about the old school news TV/radio stations. Facebook/Twitter updates the world faster than anything else.

18) “It's not how much we give but how much love we put into giving.” – Mother Teresa

19) Do not overdose.

20) When you’re doing well, people will abuse you. You will gain false friends and true enemies. That’s the sign that you’re successful.

21) Learning is a lifelong process.

22) Loving someone is uncontrollable. But being with that someone is by choice.

23) You can fool everyone but not yourself.

24) Whether you think you can or you can't, either way, you are right.

25) "Come to me, all you who are weary and burdened, and I will give you rest." – Matthew 11:28

26) Lazy people are sore losers.

27) Travel. Explore new things. Cool things happen outside the box.

28) You need a break.

29) Change is inevitable. Learn new things. Challenge yourself everyday.

30) LIFE IS SHORT.

Tuesday, December 27, 2011

We Deliver

Zamboanga with Philippine Air ForceTransport Assistance to UNHCROperation Pedring & QuielBeneficiaries in Nueva EcijaNROC, DSWDFokker F27 with Philippine Air Force
C 130Air transport of HEBs to Cagayan de OroNoche Buena at DavaoRice Miller in Bangkok ThailandFokker F27Avient Aviation loaded with HEBs arrived in Davao

We Deliver, a set on Flickr.

Anyone can do something to change the world. Even the simplest act of kindness can touch a person’s life.

In my opinion, there is nothing braver than the heart of a humanitarian aid worker. Working as a logistician for WFP can be as difficult as any soldier risking his life to save someone. You never know when someone will ask you to help save lives.

Wednesday, December 14, 2011

Friday, October 21, 2011

HappYness :)



Lampas lampas pa sa daliri niyo lahat ang bilang ng mga kaibigan ko. Ako na yata ang isa sa mga taong napaka friendly na tao. Aminin mo J

Namana ko sa tatay ko ang pagiging friendly. Sabi niya sakin, kailangan maging “pala-kaibigan” ka kasi malungkot ang walang friends. Totoo naman diba?

Naimagine mo ba ang buhay ng isang tao na dadalawa o tatatlo lang ang kaibigan sa mundo? Yung hindi mo tuloy malaman kung may mali ba sayo..sa kanila.. o talagang nung nagpasabog ang diyos ng friends e nasa dulo ka ng crowd kaya mga “latak” nalang ang nasalo mo. Hihihi

Masaya ako kasi madami akong kaibigan. Hindi man ako swerte sa love life, madami naman akong friends.

Pero alam mo kung ano ang “lowest point” ko sa buhay? Yun yung time na pakiramdam ko iniwan nila ako lahat. Sabi ko sa sarili ko, buong buhay ko lagi akong nanjan para sa friends ko. Wala akong ginawa kundi ang pasiyahin sila pero bakit nung panahon na kailangan na kailangan ko sila.. bakit parang wala naman sila?

Mabigat ang pinagdaanan ko ngayong taon, pero kaya ko. Wag lang sana nila ako iiwanan.

Hanggang sa dumating yung turning point ng kwento na toh.

Nang matutunan kong i-distansya ang sarili ko sakanila. Nabasa ko kasi sa isang quote sa internet na “hindi mo kailangan dumipende sa iba para maging masaya.. dahil at the end of the day, wala namang tutulong sayo i-handle ang lahat kundi IKAW LANG.” (something like that).

Pinilit kong intindihin yun. Ilang beses ko na naman naririnig yung ganon e. Na kesyo ang “happiness” ng tao ay nanggagaling sa sarili..pag natuto kang makuntento..happy ka. E hello, paano ka makukuntento kung di mo naman makuha-kuha ang gusto mo sa buhay? Paano ka magiging masaya kung may kulang pa?

(naiiyak ako habang tinatype ko toh..)

Narealize ko na magiging masaya ang isang tao pag natuto na syang tumanggap - makuntento sa buhay.

Napanood ko yung video ni Oprah. Sabi niya dun:

“When you have worked as hard and done as much and strived and tried and given and plead and bargained and hoped - Surrender. When you have done all that you can do, and there is nothing left for you to do. Give it up. Give it up to that thing that is greater than yourself and let it then become a part of the flow.

Tska ko lang na pag connect ang lahat. Na pag nagawa mo na lahat ng kayang mong gawin, tumigil ka na. Makuntento ka na. Na kahit hindi mo man nakukuha ang gusto mo, at least nabigay mo ang lahat. Kailangan mo din matutong magtiwala. Magtiwala sa sarili mo at sa Diyos. Na kailangan mong i-let go ang bagay na hindi mo makuha. Emotionally, physically o kung anumang bagay na gusto mo. Na balang araw..sa tamang panahon, matatanggap mo din ang para sayo. Na may tamang panahon sa tamang bagay. Na kahit ano pang hinaing mo sa buhay, hindi nagkukulang ang Diyos sa blessings na binibigay sayo. Na pag natuto kang i-appreciate ang mga simpleng bagay, magiging masaya ka.

Peace of mind? Inner Peace? Totoo pala yun!

Hindi pala ako iniwan ng mga kaibigan ko. Mashado lang pala ako nag e expect na hindi naman tama. Naging dependent ang happiness ko sa ibang tao. Nag focus ako sa negative side na, na nakalimutan kong magpasalamat sa kung ano ang meron ako.

Life is beautiful. Life is short. Learn to face everything, appreciate everything life has to offer. THIS IS YOUR LIFE. TAKE IT, ITS YOURS.

So pano..alam na?

Tuesday, October 11, 2011

Responding to the Philippines floods


Responding to the Philippines floods


Two years ago, “KC” arrived at the WFP Philippines office, based in Manila, as a Logistics Assistant. During her time with WFP, she has been involved in her fair share of typhoon and flood response operations, each of which has helped prepare her for her latest task. As part of a four-person logistics team coordinating the WFP relief effort for the recent floods, KC and her colleagues have had their work cut out for them. In this interview, she explains why.
Can you tell us a little about yourself, and how you came to build your life as a logistician with WFP?
My complete name is Kathreen Claire Co, but everybody calls me KC (not to be confused with another “KC”, Ms. KC Concepcion, the WFP Philippines National Ambassador Against Hunger). In WFP terms, I am a “Ketsana baby” because I was hired by WFP when the response to Typhoon Ketsana was launched in October 2009, so I'm 2 yrs old now. Ever since college, I wanted to work with the United Nations. The moment that the WFP Philippines office announced a job vacancy for a Logistics Assistant, I applied and luckily enough, I was accepted. I have always had a passion for volunteering. Helping others is what I do.
Can you explain your role in the WFP flood response operation?
In total there are four logisticians in our Manila team (we have another logistics team in the southern Philippine island of Mindanao where WFP assists people affected by conflict), and each person is responsible for a different logistics aspect. My main role in Logistics is transport, so everything about delivering commodities is my job: from sourcing of private transporters for shortlist to making the transport plan to coordinating with the receiving party of the deliveries. My other logistics team members are in charge of warehousing, receipt and dispatch of commodities and food assistance, and keeping track of the logistics/transport costs WFP occurs while food is in transit within the country.
What kinds of challenges have you experienced with this operation?
Everything in this operation is urgent. In addition to what we already do, we have had to assess the roads leading to the Final Drop-Off points and to assure that these roads are passable by trucks – which is something normally done not by us, but by third party contractors we hire on our behalf. Because we have to plan around weather conditions, I have to make sure that all of our transporters are on stand-by for possible deliveries on the same day. The challenging part of this is that these transporters also have commitments to other clients and so I really need to be persistent to get our trucks! To get our job done, we not only coordinate with our transporters and warehouse contacts, but even more importantly with the Philippines government as well, who is leading the relief response to the floods and our support is augmenting and complementing theirs.
Is there anything in particular about this operation that makes it different from others you’ve been involved with in the past?
Yes. Due to the unpredictable weather conditions and the urgency of the deliveries, everything needs to be decided within 24 hours. We have also had to initiate making the food distribution plan, in close coordination with Programme team. The distribution plan has to be done before we can create a transport plan to deliver the food and it requires a team effort. Everyone in our WFP team worked really hard to make sure we overcame our challenges, and I really want to thank them.
Have you had the chance to meet any of the flood victims WFP is delivering food and relief items to?
Since our Country Director asked us to assess the roads first and also serve as an advanced party, we got the chance to be a part of the final food deliveries and meet flood victims. Accordingly, I got the opportunity to speak with some beneficiaries. There was this one family I spoke to – Maricel Tiempsi, who I met along with her kids, including her 8-day old baby. I met them in the evacuation center in Quezon, Nueva Ecija (Region 3). Even though she had just given birth, they had to leave their house immediately due to flooding and look for a safer place for her family.
For those of us who can’t imagine what it must be like to be a humanitarian aid worker in the field, can you tell us what it's like working as a logistician for WFP?
Anyone can do something to change the world. Even the simplest act of kindness can touch a person’s life. In my opinion, there is nothing braver than the heart of a humanitarian aid worker. Working as a logistician for WFP can be as difficult as any soldier risking his life to save someone. You never know when someone will ask you to help save lives.
I know that I’m only one aid worker, and that I can't change everything, but at least I can do something. I am honored and grateful to be part of this team at WFP and I want to thank my fellow logisticians who helped me to deliver.

https://reliefweb.int/report/philippines/responding-philippines-floods

click this link to read more:

Wednesday, September 28, 2011

TO WHOM IT MAY CONCERN:


Ang blog ko na ito ay walang iba kundi para sayo. Sayong-sayo lamang. 

Warning: Bawal ang tanga. Bato bato sa langit, ang tamaan..guilty.

1) Siguro nga nagkamali ako dahil mashado akong “on-the-go” kaya siguro pakiramdam mo game ako sa lahat. Mali. Nasanay ako sa ganitong klaseng lifestyle kaya di moko masisisi kung bakit ako ganito. Kung sa tingin mo madami ka nang na-uto sa mga katarantaduhan mo, ibahin mo ko. Hindi man ako matalino pero hindi ako tanga. Alam ko kung kailan ako magpapasensya o kung kailan ako aalma. Hindi man kita napatay (kasi alam kong masama yun), gusto kong malaman mo na kailangan mong paghandaan ang panahon na mamatay ka na sa karma. Matanda ka na. Rinerespeto kita DATI. Pero mas madumi pa sa septic tank ang budhi mo. Kung bibigyan ako ng pagkakataon na saktan ka, gagawin ko yun. Hindi ako magdadalawang isip.

2) Comedy ako pero pagdating sa lovelife, kahit kailan di ako nagsinungaling. Maaaring hindi pangmatagalan ang paghanga/pagmamahal ko, pero hindi ako manloloko. Totoo yun.

3) Alam toh ng mga taong close sakin na fickle minded ako minsan kasi yung ibang gusto ko..ayaw ko na pala bigla. Mabilis ako magpalit ng isip sa ganon. Pero pag ayaw ko na, ayaw ko na talaga. Pag gusto ko nang umuwi, uuwi ako talaga. Pag sinabi kong lasing ako, lasing ako talaga. Pag sinabi kong hindi kita kayang maging kaibigan ulit, ayaw ko na talaga. Pag nawala na tiwala ko sayo, wala na talaga. Period.

4) Isa ka sa “the ones that got away” ko kasi pakiramdam ko special ka talaga kaso di ko alam kung kupal ka ba o bakla ka. Iniwanan moko sa ere tanginaka.

5) Para sakin, di ka deserving.

6) MATUTO KANG LUMUGAR. 

7) Ganyan ka ba ka loser kaya lagi ka nalang nakikisaw-saw?

8) Para kang Nokia phones. User-friendly.

9) Di naman ako namimili ng kaibigan. Pero di lahat mahal ko.

10) Ang totoong mayaman, hindi mata pobre. Ang totoong successful, hindi nang aabuso ng kahinaan ng iba. Ang magaling at mahusay, hindi nandadaya. Ang totoong cool, hindi pinagpipilitan ang sarili sa iba. Ang totoong habulin ng lalake / babae, hindi cheap.

11) Kailan man hindi naging COOL ang pagiging “hindi mabait o mabuti” sa iba. Hindi porket nambabara ka na ng ibang tao e astig ka na. Minsan nasa face value din yan.

12) Mabait ka naman..may itsura..di naman siguro mababa ang IQ mo. Wala ka lang talagang values / ethics. Babae ka pa man din.

13) Naiintindihan ko ang pinagdadaanan mo. Sa totoo nga, naaawa ako sayo. Sana maramdaman mo ang sincerity ko. Minsan lang talaga akala mo kalokohan lang alam ko. Marunong din naman ako makiramdam. Seryoso.

14) Close tayo. Pero wala kang karapatan sabihan ng negative ang kahit na sinong kapamilya o kamag-anak ko. WALA. WAG KANG BASTOS.

15) Kung ano man ang na achieve ko ngayon, pinaghirapan ko yun. Kaya wag kang makipag kumpitensya sa akin dahil di naman kita kakalabanin. Mas matanda ka sakin, mahiya ka naman.

16) Kung di mo na kaya, lumaban ka. Wag kang puro dada..bading ka ba??

17) Ang pagpapasalamat sa ibang tao ay parang kanin sa Mang Inasal. UNLIMITED.

18) Single pa din ako pero hindi ibig sabihin hindi ako na in-love ulit. Hindi lang ako nagkaka relasyon ulit kasi lagi nalang “kaibigan” ang tingin nila sakin. Malungkot lang minsan kasi sa dinami-daming lalaki na naging ka-close ko, wala man lang naglakas loob na ipaglaban ako. O siguro nga wala talaga.

19) Tigilan mo na yan. May asawa’t anak yan. Kung lumandi siya sa iba, hayaan mong siya nalang ang makarma. Wag ka nang makisabit pa. DIBA PINAGUSAPAN NA NATIN YAN? BAKIT KAILANGAN PAULIT-ULIT?! Kaibigan mo ako / kami. Totoong kaibigan. Maloloko tayo pero wag ganito. Wag mo nang i-deny. TUMIGIL KA NA. SERYOSO.

20) Magbayad ka ng utang mo.

ps. ang mga ito ay mananatiling BLIND ITEMS forever.

Thursday, August 18, 2011

What Can One Person Do To Change The World?

19 August is World Humanitarian Day - a celebration of people helping people. Every day humanitarian workers help millions of people.

CLICK PLAY.

Tuesday, July 12, 2011

Bahala Na si Batman



Pag sobrang wala ka nang masabi.
Pag wala ka nang magawa.
Pag tipong hindi mo na alam ano ang nangyayari.
Pag wala ka nang lakas.
Pag pakiramdam mo kahit ano gawin mo di ka na mananalo.
Pag wala na talagang pag-asa.
Pag pakiramdam mo ikaw na dehado.
Pag wala ka nang tinama.
Pag hindi mo na kayang gawan ng paraan.
Pag puro nalang kamalasan.


"bahala na si batman"

Monday, July 04, 2011

Lokohan


Ayaw ko mag judge ng tao kasi alam kong mali. At hindi naman lahat ng sinasabi ko ay dapat sang-ayunan ng lahat. Ika nga nila, “kanya-kanyang trip to.. walang pakelamanan!” Magbibigay ako ng opinion ko kung kailan ko gusto at hindi naman lahat ng opinion ko kailangan maka-apekto. Bato-bato sa langit.. ang tamaan pangit. Este magalit.

At dahil jan, ito ang opinion ko sa mga manloloko:

Hindi ako nagmamalinis dahil guilty din naman ako sa ganyan dati. Alam ko naman na mali kaya hindi ako nagkulang sa paghingi ng tawad kay Lord. Naniniwala ako sa karma kaya kung karma man ang tawag sa ibang kamalasan sa buhay ko ay tatanggapin ko. So be it. Hindi porket nagawa ko dati ay hahayaan ko nalang gawin ito ng iba. Lalo na ng mga taong malalapit sa akin. May iba na piniling manahimik pag guilty sila (noon man o ngayon), pwes sila yun hindi ako. Hindi ako magkukulang sa pag paalala pero hindi ako mamimilit. Hindi rin naman pwedeng pilitin mo magbago ang isang tao.. ikaw din mahihirapan e. MEHGANON?!

Para sa mga taong hindi kaya maging tapat sa karelasyon nila, pwede namang kumalas muna bago lumandi. Kung ayaw mong umayos ang buhay mo, bigyan mo ng pagkakataon na tumino ang buhay ng karelasyon mo. Wag kang sakim. Masama yun. Kung hindi mo kayang pigilan ang pagiging “over friendly” mo, wag kang makipag commit para hindi ka masumbatan. Pero teka, mag-ingat ka… dahil hindi lahat ng tao kayang maglabas ng sama ng loob. Diba?

Kung sa tingin mo hindi kaselos-selos ang ginagawa mo, wag ka nalang din magselos sakanya para quits. Lokohan na e.. edi fine.

Kung nanloko ka na, pwede ka pa magbago. Seryoso. Huhusgahan ka ng buong mundo sa nakaraan mo pero ang importante yung ngayon hindi kahapon. MEHGANON ULIT?!

Alam mo ang tama at mali, wag kang mag-maang-maangan. At para maintindihan mo ang pakiramdam ng linoloko, subukan mong makipag-palit ng kalagayan (mag imagine ka lang) para ma-gets mo. Sabi nga ni Bob Ong, kung problemado ka sa pamilya o sa love life.. wag kang manisi ng iba. Mag rebelde ka, mag-adik ka kung gusto mo.. after all, buhay mo naman yan. Magloloko ka dahil manloloko ka lang talaga hindi dahil nasaktan ka period.

UNFAIR. Kung gaano kadami ang single, matandang dalaga o binata ngayon sa mundo, ganon din naman ang paglipana ng mga commited/taken na manloloko. Kumbaga sa pagkain, tapon ka ng tapon ng pagkain habang yung ibang tao nagnanakaw na para lang may pantawid gutom.

Bakit ba yung mga manloloko sila pa yung hindi nauubusan ng karelasyon? Sabagay, dami din kasi nagpapaloko.

Ika nga nila.. walang benta kung walang bibili.

Kthanksbye.

Thursday, June 09, 2011

Employee Leave - TRUE Edition

Kahit pa sabihin ng HR sayo kung ano-anong Leave lang ang pwede sayo, paniguradong hindi ito nasusunod. Bigyan ka man ng dalawa o tatlong klaseng leave ng office, alam mo naman na hindi ito totoo.


1. Tinatamad Leave – Ito ang last minute na hindi pag pasok dahil wala ka sa mood mag trabaho.

2. Umuulan Leave – Masarap matulog kapag umuulan. Kthanksbye.

3. Hangover Leave – Hindi ka pa kasi nagtanda! Sinabi nang wag maglasing ng Lunes at may pasok pa kinabukasan! LOL

4. Outing Leave – Matagal nang naka book ang flight niyo dahil sa seat sale pero dahil sadyang makulit ka lang, sa mismong araw ng flight mo ikaw nagtext ng “I’m not feeling well, I can’t go to work today.”

5. Makikipag-libing Leave – enough said.

6. Nakipag-break Leave – Malamang puyat ka. LOL

7. Extended Leave – Hindi ka pa natuwa sa 3 araw na bakasyon dahil hindi mo pa din tapos panuodin ang lahat ng DVDs na binili mo.

8. Walang-masuot Leave – Hindi mo alam bakit hindi pa nalalabhan ang favorite pants mo pagkatapos mo ito suotin kagabi. Bakit kasi hindi maintindihan ng labandera niyo na favorite mo nga yung panatalon na yun.

9. Wala-kang-takot Leave – Ito ang walang kadala-dala mag absent pagkatapos mong hindi pumasok ng nung isang linggo at nung isa pang linggo, talagang wala ka lang gana magtrabaho.

10. Emergency Leave – Ito ang hindi sadyang pag absent dahil nakalimutan mo palang magsuot ng underwear.

11. Walang-tubig Leave – Pag brownout, walang tubig.

To be continued…

Tuesday, May 10, 2011

KALOKOHAN 101

Kung bibigyan ako ng magandang memorya ng Diyos at maaalala ko pa lahat ng mga nagawa ko mula bata.. Di ako magdadalawang isip na ikwento ito sa anak at mga apo ko. Naalala ko nung grade six ako, lagi ko sinasabi sa sarili ko na gusto ko ma experience lahat ng kalokohan para masaya. Ngayon, masasabi kong hindi man lahat nagawa ko pero alam kong sapat na yun para sa akin.

Tulog-tulugan days – Ito yung mga panahon na nag tutulog-tulugan ako sa tanghali para makalabas ako sa kalye pagkatapos. Isang oras lang naman ang kailangan para masabi mong “natulog” ka e. Eto pa yung tipong kalahati lang na nakasara ang mata ko para alam ko kung nanjan ba si yaya o wala.

Iwanan-ng-bus days – Ito yung pag naiiwan ako ng bus sa school kasi hindi ko napapansin ang oras dahil sa kakalaro. Ten-twenty, Fairy-fairy-han, dodgeball at kung ano pa. Nung nag highschool ako, sinasadya ko na talagang magpaiwan sa bus noon para mas matagal ko pang makasama ang crush ko. AHAHAHAHA

Cutting – Wala itong koneksyon sa arts o sa home economics. Ito ay ang isang aktibidad na kung saan ay hindi ka sisipot sa klase mo at magpapatay malisya ka para hindi ka mahuli ng titser. Hindi ko na mabilang kung ilang beses ko ito nagawa pero nakakatawa lang kasi bago mag graduation nung highschool tska lang ako nahuli. Muntik akong ma “non-marching” pero napatunayan ko naman na hindi ko talaga ito sinasadya. AHAHAHAHAHAHA (ulit).

Lasing sa klase – Hindi ko ito makakalimutan nung una ko tong nagawa. Highschool ako non, hindi pa nagsisimula ang klase kaya nasa “tambayan” pa kami nun ng kaibigan ko. Nagdala siya ng gin tapos linagay niya sa thermos. Linagok ko lang naman ang gin ng walang chaser. Sakto.. lasing ako sa 1st subject palang. (thanks Mon Calvento!).

Hindi na ito bago nung college kasi pag hindi mo ito na experience noon, hindi ka cool. Tablado ka sa block! So yun. Hindi lang lasing ang nangyari sakin dati……

Inom-na-parang-wala-ng-bukas moments – Ito na ata ang pinaka gasgas na moment sa akin noon kasi parang nauulit ulit lang palagi ang pangyayari. Iba’t-ibang lugar nadin ang nakasaksi ng pagkalasing ko. Ultimo ibang bansa hindi ko pinatawad! “Nagsimula sa patikim tikim.. pinilit kong gustuhin. Bisyo’y nagsimulang lumalim.. kaya ngayon ang hirap tanggalin….”

Di ako lasing.. Nakainom lang……….BLAG!

Pero isa sa mga highlights sa mga lasingan days ko ay nung nag class outing kami sa Baguio nung college! YESSIR! Hindi ko malaman kung sinapian ako ng masamang espiritu o talagang nilamon na ako ng alak nun! Salamat kay Gino kasi sa kagustuhan niyang bantayan ako, hanggang sa pagtulog di niya natanggal ang sapatos niya. CHAMPION!

Freebies – Libre ang candy sa candy corner kasi pwede naman pala makuha iyon ng libre *wink*

KODIGO mo, itago mo! – Hindi ako magmamalinis kasi kung hindi sa kodigo, hindi ako makakapasa sa trigonometry nung highschool! Sakit sa bangs meyn! Hindi na masyado uso ang taguan ng kodigo nung college kasi lantaran na ako mangopya noon. Its either nasa transparent folder ko ang notes ko o talagang garapalan sa pakikipag palit ng test paper sa klasmeyt ang style. Uy pero hindi naman lahat ng exams nangopya ako. Magaling ako noon pag essay ang exam. Perfect nga ako nun sa world history. Kthanksbye.

Blue-skies – Ito ang mga lakwacha sa gabi na inaabot ng umaga. Minsan hindi ito planado kaya kung ano ano nalang na palusot ang naiisip ko. Hindi pa ako nakakadating sa bahay, alam ko na ang mga linya na sasabihin ng nanay ko sakin. Kumbaga sa radio station e.. KAILANGAN PA BANG IMEMORIZE YANNNN?!

Pinahawak-lang-saakin – Oo, pinahawak lang sa akin tapos ako na ang nagtago kaya ako nangamoy yosi. Pwede ding, kulob ang lugar kaya kumapit sa buhok ko yung amoy. Matatawa ata ako pag ang sarili ko nang anak ang nagsabi sa akin nito. Tatawa ako ng malakas sabay sapok!!! Uhm! Di ka pa nagtanda!!!

Wala-akong-maalala – Wala………………di ko nga maalala kasi wala ako sa sarili nun!

-------------------------------------------------------------------------------------

Pinagpasyahan ko na hanggang dito nalang ang pagsiwalat ng aking mga kalokohan noon para hindi naman tuluyang masira ang malinis kong pangalan haha! Baka kasi kung ano pa ang makwento ko na hindi naman dapat ng ikwento. “ma carried-away” ya know!

Madami pa.. hindi ko na nga masyado matandaan ang iba ko pang kalokohan. Kung makikipagkwentuhan ako sa mga close friends ko nung mga panahon na yun, mas madami pa ata silang maaalala kesa sa akin.

Madami man akong nagawang kalokohan noon, hindi ko ito pinagsisisihan. Dahil kahit maloko ako, hindi naman ako nagpakalunod sa ganon. Masyadong malakas ang konsensya ko na minsan nga siya nalang ang nagsasalita hindi na ako.

Ngayon.. namimiss ko ang dati. Masasabi ko kasi na nadala na din sa edad ang pagiging steady ko. Nagawa ko na lahat ng kalokohan na gusto ko gawin kaya kalian man hindi ako maiinggit sa iba. Husgahan man ako ng taong nakabasa nito, wala akong pakealam. Dahil ako nasulit ko ang dati.. Problema ko na kung paano ko susulitin ang ngayon =)

Para sa mga kaibigan ko noon hanggang ngayon na kasing loko at kulit ko.. next time ulit!


p.s.
praning ako sa pulis at checkpoint noon……..hanggang ngayon =P

Wednesday, March 09, 2011

NEXT!


Sabi nila, malalaman mo lang daw na ok ka na pag dumating ka na sa stage 5: Acceptance

Hindi ko masisisi ang ibang tao kung hirap na hirap sila magpatawad sa iba. Maaaring masyadong matindi talaga ang damage na pinagdaanan nila dahil sa masalimuot na nangyari sa kanila. Pero hindi ko rin minsan maintindihan kung bakit may ibang tao na mabilis talagang magpatawad. Para sa akin kasi, hindi ganon kadali.

Para sa akin, kung gusto mo talaga makasigurado sa isang bagay, hindi mo ito maaaring madaliin. Panahon lang ang makakapagsabi kung kailan. Wala ng iba.

Ngayon, kaya ko ng aminin sa sarili ko na tanggap ko na ang nangyari. At oo, napatawad ko na ang dapat patawarin. Hindi ko maintindihan kung bakit and Diyos kaya magpatawad pero ako hindi. Siguro bigla ko nalang ito naramdaman. Bigla ko nalang naintindihan ang lahat. Salamat kasi walang sino man ang nagmadali.

Last session ko na kanina sa doktor ko. Kumbaga sa rehab e, graduate na ako. Ako ang estudyante, ako ang teacher, ako din ang dean. "Ok na ko doc, last ko na to.." Natuwa siya. Ako din naman.

Para sa mga taong hindi pa kaya magpatawad.. Wala namang nagmamadali. Pero hindi rin naman habang buhay pwede kang magipon ng sama ng loob. Hindi yan investment. Hindi rin yan alak na pag tumatagal, mas sumasarap. Hindi tayo imortal. Walang mangyayari sayo kung habang buhay ka nalang galit sa mundo. Hindi mo na kailangan hintayin ang paghingi ng tawad ng ibang tao dahil hindi din naman lahat kaya tumanggap ng pagkakamali. Gumanti ka o pumatay ka man ng tao, hindi ito ang magpapagaan ng loob mo. Hindi masama magalit. Hindi masama matalo. Tao lang tayo, nasasaktan din. Pero bilog ang mundo. Dadating ang panahon na magiging PATAS din ang laban.

Madaling sabihin pero mahirap gawin. Pero ako, nagawa ko naman. Tska.. Bakit sino ba nagsabing madali?

Tuesday, March 08, 2011

Mt. Apo =p



Sobra-sobra sa extra etxra sa challenge.

BAKIT?

- hindi biro ang umakyat ng Mt. Apo lalo na sa first timer.
- partida wala pa ko sa kundisyon niyan haha.
- gustong-gusto ko ang malamig na panahon. pero hindi sa bundok.
- ikaw na ang jumebs at umihi sa damuhan.
- flat footed ako = LAMPA
- takot ako sa heights.
- 10,311 ft ba kamo?!?!?!
- mahirap umakyat ng bundok. pero parusa ang pagbaba nito.
- init. lamig. init. lamig. init.
- maliit ang tent. CLAUSTROPHOBIC ako.
- ilang beses din akong nadulas sa kung saan-saang parte ng bundok.
- etc. etc. etc.

Life Begins @ Forty

At this age, I always remind myself to keep my feet on the ground and never forget where I came from. I once read, “By not forgetting where ...