Wednesday, March 09, 2011

NEXT!


Sabi nila, malalaman mo lang daw na ok ka na pag dumating ka na sa stage 5: Acceptance

Hindi ko masisisi ang ibang tao kung hirap na hirap sila magpatawad sa iba. Maaaring masyadong matindi talaga ang damage na pinagdaanan nila dahil sa masalimuot na nangyari sa kanila. Pero hindi ko rin minsan maintindihan kung bakit may ibang tao na mabilis talagang magpatawad. Para sa akin kasi, hindi ganon kadali.

Para sa akin, kung gusto mo talaga makasigurado sa isang bagay, hindi mo ito maaaring madaliin. Panahon lang ang makakapagsabi kung kailan. Wala ng iba.

Ngayon, kaya ko ng aminin sa sarili ko na tanggap ko na ang nangyari. At oo, napatawad ko na ang dapat patawarin. Hindi ko maintindihan kung bakit and Diyos kaya magpatawad pero ako hindi. Siguro bigla ko nalang ito naramdaman. Bigla ko nalang naintindihan ang lahat. Salamat kasi walang sino man ang nagmadali.

Last session ko na kanina sa doktor ko. Kumbaga sa rehab e, graduate na ako. Ako ang estudyante, ako ang teacher, ako din ang dean. "Ok na ko doc, last ko na to.." Natuwa siya. Ako din naman.

Para sa mga taong hindi pa kaya magpatawad.. Wala namang nagmamadali. Pero hindi rin naman habang buhay pwede kang magipon ng sama ng loob. Hindi yan investment. Hindi rin yan alak na pag tumatagal, mas sumasarap. Hindi tayo imortal. Walang mangyayari sayo kung habang buhay ka nalang galit sa mundo. Hindi mo na kailangan hintayin ang paghingi ng tawad ng ibang tao dahil hindi din naman lahat kaya tumanggap ng pagkakamali. Gumanti ka o pumatay ka man ng tao, hindi ito ang magpapagaan ng loob mo. Hindi masama magalit. Hindi masama matalo. Tao lang tayo, nasasaktan din. Pero bilog ang mundo. Dadating ang panahon na magiging PATAS din ang laban.

Madaling sabihin pero mahirap gawin. Pero ako, nagawa ko naman. Tska.. Bakit sino ba nagsabing madali?

No comments:

If COVID-19 Didn't Happen

"We will remember 2020 as a year of disease and death, and lockdowns that separated friends and relatives, and businesses from customer...