Thursday, April 02, 2009

boka101

Kung kasama ka sa circle of friends ko, o ikaw ay kabilang sa mga lagi kong kadikit, o di kaya'y ikaw ay nabubuhay sa henerasyon ko, malamang alam mo ang mga ito:

1) Gudjab - pagpupuri sa isang tao kapag siya ay may nagawang tama
ex. B: hindi ako aalis tonight promise
G: ok gudjab!

2) Walang future - walang direksyon ang buhay / plano
ex. G: anong oras na wala ka pa?
B: teka lang di ako makaalis
G: wala kang future!

3) Balaka - kapag wala ka nang masabi sa kausap mo
ex. B: puntahan kita jan, libre moko
G: balaka

4) Korekted by - kapag ikaw ay sumasang-ayon sa usapan
ex. B: so break na tayo?
G: korekted by!

5) Babayu - paalam
ex. B: sige ingat ka..
G: babayu!

6) Thanks for the memories - kadugtong ng BABAYU
ex. B: Thanks for the memories..
G: ok babayu!

7) Kaboom - kapag malakas ang dating ng nakita mo
ex. B1: anlaki non a'
B2: oo pare.. KABOOM!

8) Acheche - kapag ikaw ay kinikilig sa crush mo
ex. G1: huy girl, cute non a.. sabay kayo kumain?
G2: ugh. oo..
G1: acheche!

9) Bye guys - kapag wala ka nang pag-asa
ex. B1: pare nahihirapan na ko sa trabaho ko, lagi na lang akong naghihingalo sa deadline
B2: un lang pare.. bye guys.

10) Umartih - kapag ikaw ang nagpapa cute kahit di naman cute
ex. G1: ui! nice dress..
G2: korekted by
G1: umartih!

11) Congrat - kapag ikaw ay nagbibigay pugay sa ISANG tao. walang S kasi ISA lang siya e.
ex. B: nakapasa ako sa exam ko! woohooo!
G: nice... congrat!

12) Nar - tawag sa ISANG nurse
ex. G: nagloloko yung oxygen! tumawag ka ng Nar!!!!!

13) Vest - bestfriend
ex. G: hi vest anong ginagawa mo?

14) I miss ur lav - i miss you
ex. G: tagal na nating hindi nagkikita..
B: onga e, i miss ur lav

15) Sugalord - mahilig magsugal
ex. B1: panalo ka na naman? sugalord ka talaga!
B2: shempre..

16) Pasyal - gumala sa kung saan-saan
ex. G1: may ginagawa ka ba?
G2: wala naman, tara pasyal tayo

17) Bebi - baby
ex. G1: bakit wala pa siya dito?
G2: nag-aalaga pa ng bebi e..

18) Sambady's blashing - kapag may kinikilig dahil sa crush
ex. G1: uiii tinext niya ko!!
G2: sambady's blashing.. ahahaha

19) Shever - ka love life
ex. G1: sino yang nasa picture?
G2: ah, shever ko.. hihihi

20) Nice noh? - kapag maganda ang ginagawa mo o bagay na nakikita mo
ex. G1: galing mo kumanta a.. gudjab!
B: salamat
G2: nice noh?

21) Ta-moody - wag kang bastos. ang ibig sabihin nito wala ka sa mood.
ex. B: bakit moko binagsakan ng telepono?
G: e naiirita ako e..
B: ta-moody! ta-moody!

22) Beki - bakla
ex. G1: sino gumupit sayo?
G2: beki

23) Anong ginagawa mo - sinasabi ito pag bored ka at gusto mo ng kausap
ex. G1: wala ko magawa, ano ginagawa mo?
G2: wala din..

24) Majuba - mataba
ex. B: alin dun ung lagi mong kausap sa ym?
G: yun o.. ung majuba!

25) TEH - tawag sa babae
ex. G1: TEH magbihis ka na..
G2: o-key

26) Hilig mo e! - kapag ito ang lagi mong ginagawa. madalas ito sabihin kung ikaw ay mang-aasar.
ex. B1: sakit ng ulo ko, dami ko nainom kagabi. ayoko naaa
B2: ayos yan.. HILIG MO E!

2 comments:

Gina said...

Naaliw ako Ace. Ok tong ginagawa mo. Congrat! (walang S kase nag iisang ka lang na Acee sa angkan!) Gudjab! ILY.

Tita Gina

kesico said...

ahahahaha tenk!