Sa tinagal-tagal mo nang nabubuhay sa mundo, naitanong mo na ba sa sarili mo o sa Diyos kung ano ang silbi mo dito? O di kaya’y unti-unti mo na bang nararamdaman ang dahilan kung bakit ka andito? Pwes, eto ang kwento ko…
Nagsimula ako magpasaya ng ibang tao nung ako’y tumapak ng elementarya. Hindi ko alam kung bakit sila natutuwa sa akin pero patuloy ko pa ring ginagawa ito. Kumanta, sumayaw, magtula, umarte.. lahat yon kaya ko gawin! Hanggang sa tumanda na ko’t lahat. Nagkaisip, nagka wisdom tooth, nag higshchool, nag college.. hanggang ngayon. Wala pa din akong sawa sa ginagawa ko.
Hindi madali ang maging ganitong klaseng tao. Hindi ako madalas sineseryoso ng karamihan hanggang sa na-uso sa akin ang salitang “moody”. (ahahahaha!) Mahirap, oo shempre. Para sa iba na nahahalintulad ang sarili nila sa akin, mahirap magtago ng problema at maging malungkot lalo na’t pagpapasaya ang trabaho mo sa iba. Ni hindi nga pwede patagalin ang problema dahil madaming tao ang umaasa sa enerhiya mo. Kahit ang umiyak sa harap ng madla mahirap din. Dahil sino ba namang kumedyante ang iyakin? Wala.
Pero alam niyo, masarap naman ang pakiramdam tuwing may napapasayang ibang tao. Konting biro, kalokohan, tapos ang usapan. Tawa ka lang diyan, ako nang bahala sayo.
Wala akong ka muwang-muwang sa ginagawa ko hanggang sa mapaisip ako bigla… Ito ba talaga ang misyon ko? Ambabaw naman ata, pero hindi din. Kung sa pelikula pa, mas mahirap gumawa ng joke na kakagatin ng masa kesa ang magpaiyak ng iba.
Kung may bayad lang ag bawat taong napapatawa ko.. kung may halaga lang ang bawat tawa na naidudulot ko, SHET! Ang yaman ko na talaga. Diba?
Para sa mga taong kaparehas ko ng misyon sa mundo, para sa mga mahilig magpatawa, magpakaloko at lahat na.. Para sa mga nagpipigil ng damdamin para lang mapagpatuloy ang comedy show na handog natin, para sa lahat ng tumatawa (kahit walang dahilan) hanggang ngayon (easy lang tsong..), para sa inyo ang tanong ko….
Kaya mo pa ba tsong?