Thursday, January 24, 2008

Pana-panahon

Panahon, panahon ang tawag sa iba’t-ibang punto na napagdadaanan nating lahat. Panahon ang binbigay sa atin ng Diyos na kailangan nating namnamin dahil ito ang nagbibigay kulay sa buhay natin. Panahon, na hindi kailangang madaliin dahil hindi ito natutulak basta-basta. Panahon, oras, na ika nga ng iba, kung oras mo na… oras mo na. Kung balak mong planuhin ang buhay mo, hindi mo naitatanong, matagal nang naka plano ito sa mahiwagang libro.

Para sa mga taong mahilig magmadali sa buhay, huwag mo mashado takbuhin ang storya ng buhay dahil kailangan mo minsang maniwala sa salitang “pana-panahon.”

Marami akong kaibigan na mahilig makipag talastasan sa takbo ng kanilang buhay. Maraming mahilig magmadali, may mga hindi mapakali sa kanilang katayuan at may mga iba namang unti-unti nang nakukuntento sa kung anong meron sila.

Hindi ko sinabing dapat kang magbagal, pero hindi ko din sinabing kailangan kang magmadali. Bakit…. May lakad ka ba? (ahahahahaha!)

Para sa mga nagmamadali, hindi naiiwasan na minsan ay nagsisimula ka nang malungkot dahil anong petsa na, hindi mo pa nararating ang punto na matagal mo nang pinapangarap. Hinay-hinay lang kapatid dahil kahit anong gawin mo, tumambling ka man, hindi ito mapapasaiyo dahil hindi pa ito panahon.

Kung mapapansin mo, may punto sa buhay mo na hindi mo nagugustuhan dahil ito ang panahon na kailangan mong maguluhan para mahanap mo sa bandang huli ang mga kasagutan sa iyong mga katanungan. May panahon na inis na inis ka na dahil walang magandang nangyayari sa iyo. Walang nangyayari, ambagal ng lahat bakit ganon? Na kung tutuusin, hindi naman talaga mabagal, kundi, hindi pa talaga oras para ikaw ay umasenso. Nagsisimula ka nang ikumpara ang sarili mo sa iba dahil p*tang*na! ang yayaman na nilang lahat, may mga pamilya na sila o di kaya’y maganda na ang takbo ng buhay nila pero ikaw HINDI PA RIN! Relaks ka lang kapatid dahil dadating ang panahon na nasaiyo naman ang ilaw ng tadhana. “It’s your time to shine” ika nga.

May iba nga diyan, antanda-tanda na pero hindi pa din nakukuntento sa kanilang katayuan. May iba naman na ang bata-bata pa pero kala mo naman wala nang bukas dahil saksakan na siya ng yabang sa kung ano mang pwede niyang ipag yabang.

Kung ano man yan, kailangan mo lang talagang intindihin ang lahat ng nangyayari sa iyo. Hindi porket umuunlad na si Pedro e kailangan na ding umunlad si Juan. Hindi kailangan ng inggit. Basta nagagawa lang ng tama ang lahat, dadating din ang panahon ng iyong kasikatan.

*apir!*

No comments:

If COVID-19 Didn't Happen

"We will remember 2020 as a year of disease and death, and lockdowns that separated friends and relatives, and businesses from customer...