Isang linggo kami nanatili sa Lipa, Batangas para mag saturate, mag ambush presentation at magdala ng kliyente sa event. Isang linggo ko din nakasama ang mga ahenteng kalabaw sa industriya. Ang mga ahenteng, walang humpay sa paguubos ng laway at lakas, makabenta lang.
Napadaan ako sa isang ospital sa Lipa at hindi ko naiwasang kuhanan ng litrato ang mga MEDREP na nag-aabang sa mga doktor. Nag-aabang na pwedeng matisod, nag-aabang, kaparehas namin. Swerte ka na kung makakuha ka ng mabebentahan sa loob ng isang oras. Swerte ka na kung kausapin ka ng sekretarya man lang ng doktor para alamin ang produkto/proyektong inaalok mo. Para sa mga walang ideya sa kung anong buhay ang meron ng mga ahente... HINDI ito madali.
Ahente = nagbebenta
Sabi ko noon, hinding-hindi ko papasukin ang mundo ng SALES. Pero nawala din ang sinabi ko noon. Ngayon, limang buwan na akong ahente. Mahirap, pero masaya. Maraming pera pag nakabenta, maraming makikilalang tao, maraming.... mabebentahan. Hindi stable ang pera dito pero hindi kikitain ng karaniwang empleyado ang isang bagsakang kinokomisyon ng ahente sa aming kumpanya. Maaari kang maging “one day millionare” pag sinuwerte na hindi mo na kailangang mamuhunan sa lotto at mag-abang ng winning numbers. Laway lang ang puhunan at may tumatagingting ka nang salapi na hindi mo alam kung saan mo ito itatago.
Maliit siguro ang tingin ng ibang tao sa mga ahente pero hindi biro ang trabaho kung tutuusin. Nagbebenta ng lupa, condo, insurance, gamot, kotse, produkto at iba pa. Nagbabahay-bahay "knock on your door" ika nga ng komersyal ng Electrolux noon. Naglalakad sa initan, naghihintay sa labas ng kwarto ng mga doktor sa ospital, nag-aabang ng mga makakasalubong na mayayaman. Nangingilala ng pwedeng bentahan sa lugar ng maraming tao. Nakikipag-usap, nakikipag-biruan, nakikipag..bolahan. Mahirap? MAHIRAP.
Hindi ko ikakaila na minsan kong ikinahiya ang ganitong trabaho. “Ahente ka ng alin?” Lalo na kapag ang kausap mo e walang kasing HAMBOG kung ipagyabang ang trabaho na kala mo sila na ang pinakamataas na posisyon sa buong mundo. Minsan kong naitatapon ang mga papel na pinamimigay ng mga ahente sa akin noon. Pero ngayon, yon na yon ang ginagawa ko. Kaya naman, hindi ko na tinatapon ang mga papel na inaabot sa akin sa main entrance ng mall… tinutupi ko na lang. haha!
Wala akong ideya kung gaano ako katagal sa ganitong trabaho. Lalong wala akong ideya kung ano ang hahantungan ng trabaho kong ito. Pero isa lang ang aking naramdaman at patuloy na, nararamdaman ngayon. Para sa mga nag-aabang ng mga mayayaman, para sa mga kumakatok sa bahay-bahay, para sa mga napapaos na sa kaka present, para sa mga nagkakasakit na sa pagod, para sa mga nangingitim na dahil sa paglalakad sa arawan, para sa mga nakikipaghabulan sa mga masusungit na mayaman, para sa mga binababaan ng telepono, para sa mga inuumaga sa kalsada, para sa mga AHENTE na katulad ko…
… nakakabilib kayo, at unti-unti na rin akong bumibilib sa sarili ko.
“WORK HARD, PARTY HARDER” – motto ng team ko sa Landco. Hehe!

No comments:
Post a Comment