May Saturday Fun Machine kaming sarili na ginagawa naming mga auxi tuwing sabado ng gabi pag retreat, pero ngayon ko lang nalaman (dahil nabasa ko sa libro ni Bob Ong) na may Saturday Fun Machine din pala sa channel 9 dati. Hindi ko alam kung ano ang meron sa Saturday Fun Machine sa TV noon pero sa amin, iba-ibang karakter ng tao ang ipapakita mo sa mga nanunuod. Pwede mong ipakita ang isang super hero, artista, principal, propesor o sino pa basta dapat maiintindihan ng mga nanunuod. Nakakatawa dapat.
Hindi ako mahilig sumali sa Saturday Fun Machine namin dahil wala naman akong maisip na karakter na mukhang bebenta sa mga tao. Dati kasi, kunwari ako yung na-rape na babae pero pinagbawal na, na gawin iyon dahil nga retreat. Minsan naman ako yung isa sa F4 (nung uso pa ang Meteor Garden). Hindi lumampas sa sampung beses (kung hindi ako nagkakamali) ko pa lang nagawa iyon. Pero bumenta, kahit ako natawa sa sarili ko.
Magkakagulo, pasiklaban ng powers (nakatunganga ka lang pag artista ka), tulakan, tawanan. Tapos dadating si tatay at papatulugin na kayo dahil ayaw niyang makita niyo na siya si Wolverine.
Madalas hindi na bumebenta mismo sa akin ang munting palabas naming yon dahil paulit-ulit at pare-pareho naman ang ginagawa at pinapakita. Pero minsan matatawa na lang ako kasi may lalabas bigla na katawa-tawang karakter na hindi ko naman kilala pero nakakatawa lang talaga. Yung tipong wala namang special powers, hindi naman artista pero yung paraan kung paano niya ipapakilala ang sarili niya, nakakatawa.
Sana nga may Saturday Fun Machine ulit na ipalabas sa TV kahit sa anong channel pa basta hindi cable (para mapanuod ng lahat ng tao). Pwede sa channel 7 para kahit sa mga bus na may TV pwede mapanuod. Channel 7 lang kasi ang pinapalabas sa TV ng mga bus dahil yon ang may pinaka-malinaw na reception. FYI lang. (Alam ko yon dahil nag ba-buss ako kaya wag ka nang kumontra!) Tapos kasali yung mga di kilalang tao at ipapakita nila kung sinong karakter sila. Dapat nakakatawa parin, sa madaling salita dapat kilala ang karakter na ipapakita nila. Shempre hindi mawawala si PGMA, si Tita Shawie, si Ate Guy, Zsa Zsa at ultimo si Ate V.
Kung ikaw ay bibigyan ng pagkakataong sumali sa palabas na yon, sinong karakter ang ipapakita mo? Wag kang magkakamaling si PGMA dahil nakakasawa na. Pwde pa siguro si Mike Enriquez dahil kahit papano, nakakatawa talaga siya. O kaya si Michael Fajatin, isang tulirong reporter ng channel 7. O sige na nga.. si Ate V na din.
Pwde rin siguro sumali doon si Gloria tapos gagayahin niya si Ate V. Malamang benta yon dahil pareho naman silang may nunal at may hawig ang iba nilang galaw. May tipong, “my brother is not a pig, he is a HORSE!” o kaya “bra-ta-tat..ta..TAT!” (ahahahahahahaha) O kaya si Korina Sanchez na gagayahin si Mel Tiangco! Ahahahahaha (pwede tumawa?)
Hindi talaga pwede malaos ang mga ganyang trip kung saan, nag-gagayahan ng tauhan sa palabas. Kahit kami-kami sa circle of friends ko, hindi pwedeng hindi masingit ang gayahan lalo na pag boring ang araw. Ultimo mga bakla sa stand-up comedy bars nakikigaya din para mas lalong katawa-tawa ang palabas. Minsan nga, ginaya ng isang bakla si Manny Pacquiao. Kumanta siya ng Ang Laban na Ito ay Para Sa’yo with matching kama-o. At nangalay ang panga ko sa kakatawa! Pramis, benta.
Basta dapat magka ganong palabas na sa TV at para mabawasan naman ang oras ko sa labas ng bahay.
Sana din madagdagan ng nakakatawang karakter sa Saturday Fun Machine namin sa retreat para mabawasan ang oras ko na nakatunganga.
~the end~
2 comments:
basta magkaroon ng batman, masaya na ako sa saturday fun machine natin hahaha
lahat ata ng saturday fun machine na ginawa, bumenta sakin. mababaw lang siguro o ako or talaga ngang nakakatawa.
Post a Comment