"Paano mo malalaman kung dugong pinoy ang pinagtanungan mo ng direksyon? Sagot, kapag may kasamang nguso sa pagturo ng kanan o kaliwa."
Hindi mo naman maikakaila ang mga magaganda, di maganda at lalong-lalo na ang mga nakakatawang kwento na sa pilipinas mo lang naman matatagpuan.
1. Sino nagsabing ang gamot sa sprain ng ankle ay para doon lang? Hindi yata! Puwede rin ito gamitin para mapatawa mo ang sarili mo ng higit sa limang sigundo.
2. Sino may sabing ang kape ay iniinom lang? Hindi yata! Puwede mo din itong ihalo sa kanin para sa katakam-takam na umagahan.
3. Sino may sabing sa umaga lang tumitilaok ang manok? Hindi yata! Kahit hapon o gabi puwedeng puwede pa rin sila magbanta.
4. Sino may sabing kadiri ang palaka? Oo nga.. nandun na ko. Pero alam niyo bang puwede din itong kainin?
5. Sino may sabing mahilig mag-aksaya ng pagkain ang mga pinoy? Aaaah.. mali kayo don! Dahil ultimo kasuluk-sulukan, kasingit-singitan ng bahagi ng katawan ng manok ay napapakinabangan.
6. Teka, bakit mo pinansusulat yang pentelpen mo? Puwede rin yan amuyin at singhutin.. teka, akin na……
7. Sinong nagsabing masyadong maraming mahirap sa pilipinas? Di yata! Kahit sino dito may cellphone! Kala mo ha…
8. Sino may sabing bastos ang mga pinoy? Hindi yata! Kahit galit nga, malambing pa din. Tanong mo sa mga ilonggo..
9. Teka, bakit niyo tinatapon ang nasirang plastic balloon? Puwede pa yan gawing bebol gam.
10. Tska, bakit wala masyadong binebentang trench coat dito sa atin? Puwede mo din naman ito gamitin pang porma kahit mainit. Ahahahahahahaha
11. Wala na ba kayong pampulutan? Asusena puwede.
12. Natatakot ka bang mahuli na nanay mo na nagyoyosi ka? Natatakot ka bang mangamoy usok ang daliri mo? Gamitan mo ng straw ang yosi tuwing hihithit ka para di mo mahawakan.
13. Napapaitan ka ba sa redhorse? Narinig mo na ba na ang extra joss ay puwede mong ihalo dito para matamis ang lasa ng beer mo?
14. Paikutin mo ang takbo ng relos mo. Gawin mong isang oras, pabalik. Kasi pag sinabing 9:00am ang meeting, 10:00am talaga iyon! Tanga!
15. Lampas labing-walong gulang ka na ba? Ok lang yan, nandiyan pa naman si mommy para bigyan ka ng allowance.
No comments:
Post a Comment