Saturday, January 08, 2005

Masurpresang Buhay

“Life has full of surprises” narinig niyo na ba ito? Sana naman ay oo. Andaming dumadating o sabihin na nating sumusulpot o bumubulaga sa buhay natin. Minsan may magandang surprise at mayroon din namang hindi. Kaya nga surprise e, hindi naman sinabing puro swerte na lang hindi ba? E ang “expect the unexpected”, narinig niyo na rin ba? Parang ganon din ang ibig sabihin non!

Sa madaling salita, hindi mo talaga malalaman ang mangyayari sa iyo bukas, mamaya o sa pagdating ng panahon. Maaaring may mga haka-haka, kutob o hula para sa mga dadating na pangyayari. Kaya nga kailangang ituwid ang maling puwede pang ituwid. Paghandaan na ang dapat paghandaan. Gumawa ng paraan dahil kahit ano, kahit saan kung gusto may paraan. Ayos ba?

Malapit na ang bakasyon, pero bago yun… final exams muna! Hala! Eto na naman tayong mga estudyante na nagkakandarapa sa mga exams, defense para sa thesis at sa tinatawag na “deadliest” deadlines para sa projects. May ilang buwan pa para paghandaan at asikasuhin ang lahat ng ito pero kung gusto mo bumagsak, sige lang.. Katulad na lang ito ng sinabi ko kanina. Puwede namang mahulaan mo o magkaroon ka ng kutob na babagsak ka pag hindi mo talaga pinaghandaan ang lahat. Pero malay natin! Baka magsabog ng kabaitan ang Diyos at masalo mo ang iba dito, edi pasado ka na naman. Sana nga lang lagi na lang nagpapasabog ang Diyos ng kabaitan at ka swertehan tapos masalo mo ang iba dito. Pero imposible yun, at sisiguraduhin kong tama ako. Kailangang makadanas ng leksyon para tumino, yung naman ay posibleng mangyari at nangyayari naman talaga. Pero hindi mo alam kung kalian, tama ba?

Ang matagal mo nang pinaplano na pag alis mo papunta sa ibang lugar, sabihin na nating ayos na ang lahat at naghihintay ka na lang kung kailan, kung matuloy, salamat po e paano kung bigla nalang na hindi natuloy. Aray ku! Ang saklap.. pero wala kang magagawa. Teka, nasabi ko na bang hindi lahat ng bagay ay puwedeng palitan o baguhin?

May mga panahon na “huli na” ika nga. Yung bang, wala ka nang magawa kundi magsisi na lang. At sabihing, “babawi na lang ako sa susunod..” Pero hindi naman lagi puwedeng bumawi. E ano yung sinasabi nilang “habang may buhay may pag-asa”? Siguro yon ay para sa lahat ng aspeto. Pag-asa dahil huli man ang lahat, kahit papano nagbago pa din ang pananaw mo sa buhay. Namatayan ka man ng mahal sa buhay pero hindi mo nasabi sa kanya kung gaano mo siya kamahal dahil huli na nga ang lahat (ang kulit mo!).. Pero nagbago naman ang pananaw mo at pinipilit mo ng pahalagahan ang mga importanteng tao sa paligid mo.

Teka, mabalik tayo sa surpresa. Surpresa, andiyan na, handa ka na ba? Sabihin na nating kaarawan mo ngayon, maaaring may surpresa sayo ang mga tao pero hindi ka sigurado. Anong gagawin mo? Mag patay malisya na lamang dahil baka sabihin nila masyado ka namang “assuming” (ahahahaha).

Pero ibahin mo ang surpresa sa kaarawan mo sa surpresa ng masurpresang buhay (sabihin mo nga ng mabilis ng hindi ka nabubulol). Pagusapan na natin ang sinasabi nilang “ang nalalapit o ang dadating na paghuhukom”. Totoo nga ba ito? Pero wala naman sigurong mawawala kung paghahandaan mo. Kung mamatay ka man (hindi ko naman alam ang buhay doon sa kabila) siguradong walang problema kung napaghandaan mo. Kamatayan, malungkot, mabigat at may ibang taong ayaw pa pagusapan ang salitang ito. Anong masama, lahat naman tayo namamatay. Sigurado kang mamamatay ka pero hindi mo alam kung kailan tama ba? “live you life to the fullest” isa pang kasabihan para sa ating lahat. Isang kasabihan na isang uri din ng babala. Oo, babala dahil mamamatay ka rin lang pagdating ng panahon… gawin mo na ang mga bagay na kailangang gawin at abutin mo na ang iyong mga pangarap.

Mangarap para bukas, isama mo na ang pagdating ng mga surpresa sa mga pangarap mo. Pangarapin mo at paghandaan, wala namang mawawala.

3 comments:

Glendale said...

tama ka dyan KC, maraming surprises sa buhay nga tao. hinde mo masabi kung ano ang puwedeng manyari, puwedeng maganda or masama yung manyari sa buhay mo, buhay natin. kaya dapat handa tayo sa lahat ng puwedeng manyari, hinde rin kasi natin masasabi kung kailan ito magaganap. diba?!?!

so smile and enjoy life. PEACE OUT!

Kalowee said...

astig chong. Tama tlga ang mga sinabi mo. Yan ang sa tingin kong isa sa mga kagandahan ng buhay, yung hindi ka handa sa mga dumadating! yung masurpresang buhay! lubos itong nakakapagtibay ng loob at nakapagtatatag din ng pananampalataya kung minsan. Isipin mo na lang kung ang buhay mo parating alam mo na kung ano ang mangyayari diba. ang boring nun!
Another great article from KCCo!astig mather!

rOwLp said...

yap yap, walang kwenta ang buhay kung laging routine na lang... ang bawat surpresa ng buhay ay planado ni superfriend para sa atin upang mapabuti tayo... kahit minsan late na... gud jab kesi ya! GO GO GO!!!

If COVID-19 Didn't Happen

"We will remember 2020 as a year of disease and death, and lockdowns that separated friends and relatives, and businesses from customer...