Sunday, February 27, 2011
Chosen One.
Kung mamroblema ka ng pagkabigat-bigat na akala mo ikaw na ang pinaka malas na taong nabubuhay sa mundo, pwes nagkakamali ka. Dahil kung ikaw nga ang tunay na nagdadala ng pinaka mabigat na problema sa buong mundo, ikaw na nga ang THE ONE.
Sa tingin mo bakit hindi siya, bakit hindi sila. Bakit ikaw?
Bakit sa dinami-dami ng pasahero sa bus, ikaw pa ang na chempuhan ng magnanakaw na kuhanan ng cellphone?
Sa lahat ng naglalakad sa kahabaan ng kalye niyo, bakit ikaw pa ang nakatapak ng tae?
Sa araw araw na pagsakay mo ng shuttle van papasok ng opisina, bakit ang sinasakyan mo pang van ang nasiraan sa SLEX?
Sa mga naghihiwalay na mag-boyfriend/girlfriend, bakit kayo pa ang hindi naghihiwalay e antagal-tagal niyo ng nagsasakitan?
Sa lahat ng officemates mo, bakit ikaw pa ang tinanggal sa trabaho?
Bakit ikaw pa ang nagkagusto sakanya? e alam mo namang hindi pwede maging kayo.
Sa trentang estudyante na nagkokopyahan sa exam, bakit ikaw pa ang nahuli ni ma'am?
Sa araw-araw mong pagkain ng madami, bakit ngayon ka pa nagka LBM? e birthday mo pa naman.
Katuwaan lang, nadala ng emosyon. Bakit sakanya ka pa nagpabuntis?
Gabi-gabi ka naman kumakain sa karinderya ni Aling Nena, bakit ngayon ka pa naubusan ng ulam?
Ikaw ang pinaka excited sa inyo, bakit ikaw pa ang hindi nakasama sa outing?
Peak na ng career mo, eto na yun e. Bakit ngayon pa nangyari toh?!
Sa dinami-daming pwedeng biktimahin, bakit ikaw pa?
Mabait ka naman, mapagmahal, di ka naman panget.. bakit wala ka pa ding boyfriend?
Bakit kapamilya mo pa ang tinamaan ng cancer?
Bakit ikaw pa ang iniwanan ng asawa?
Bakit ikaw pa ang nadisgrasya?
Bakit ikaw pa ang hindi magka-anak?
Ikaw. Dahil ikaw ang pinaka malakas sa lahat. Dahil alam Niya na ikaw ang magliligtas sa kapahamakan ng iba. Ikaw ang hindi mababaliw. Ikaw ang hindi magpapakamatay. Ikaw at wala ng iba.
Walang aksidente, walang chempo o chamba. Lahat ng nangyari, nangyayari at mangyayari ay may dahilan. Maaaring hindi mo alam kung bakit sayo pa pinagkaloob ang matinding challenge na ito, pero balang araw kusa nalang ito susulpot at bubulaga sayo.
Ika nga nila, walang ibibigay na challenge sayo ang Diyos na hindi mo kakayanin. Binigay Niya yun sayo, dahil alam Niya na nasa matino kang pag-iisip at sapat lahat ng magiging aksyon mo sa problemang ito. Kung sa tingin mo ikaw ang minalas ngayon, isipin mo nalang na ikaw ang swerte sa buhay ng iba. Kung akala mo wala ng saysay ang buhay mo, isipin mo nalang na madaming tao ang naniniwala sa kakayahan mo.Kung gusto mong sumuko, magdalawang isip ka. Wag kang madamot. Wag mo ipagdamot sa iba ang pwede mong matutunan. Tanggapin mo.. dahil ikaw ang CHOSEN ONE :)
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
If COVID-19 Didn't Happen
"We will remember 2020 as a year of disease and death, and lockdowns that separated friends and relatives, and businesses from customer...
-
Sabado ng gabi, nasa Antipolo.. Dasal ako ng dasal habang umiiyak. Sabi ko sa Kanya, bakit hindi niya mabigay sa akin ang matagal ko nang hi...
-
i tried it and THANK GOD it worked! *whew!* Microsoft should create a newer software that is "bug free". My Zune 30 is frozen. Wha...
-
It’s Saturday evening and I chose to stay home and watch TV. I know I’ll get bored with watching TV but this movie changed my mood for the n...
No comments:
Post a Comment