Sunday, January 23, 2011
Thursday, January 13, 2011
Hindi na bago ang magkaroon ng malupit na kotse ang isang politiko lalo na ang isang presidente. Wala naman kakaiba kapag umaapaw ang pera nila. Sanayan na lang yan kapag walang tigil ang pagbabatikos ng mga tao dahil sa marangya nilang pamumuhay. Kesyo nanggaling ito sa kaban ng bayan, magnanakaw, kurakot, buwaya.. at kung ano-ano pa. Pero nanibago lang ako sa reaksyon ng mga tao sa pagbili ni PNoy ng Porsche. Ilan lang toh sa nabasa ko sa twitter:
"if he bought it with his own hard-earned money, then kudos to him. if he bought it with our money, then we all get to ride it." - sana nga pwede tayo makisabay.
"pamporma ni Pnoy sa chix" - pwede rin sa boylet.
"Ang masasabi ko eh, give Pnoy a break. If he bought the car from his own money he has the right for this leisure" - hindi pa siya nakaka one year na presidente.. BREAK na agad? wow sosyal.
"He deserves it. He came from a rich family & 1 of the most eligible bachelor in town. I'm sure the money came from his acct" - oo nga naman.. bachelor e! eligible pa. :)
"he's a bachelor! no family to feed, no children to send to school. he can buy anything he wants w/ his money." - but wait.. THERE's MORE!!
"we shldnt criticize him since he used his own money + sell his BMW to get it. He needs to relax and enjoy also." - onga naman, wag natin siya i-criticize.
Pansin na pansin ang pagiging favorite ng mga tao kay PNoy. If I know, hindi naman mayaman si PNoy. Si Kris Aquino lang naman ang mayaman sakanilang magkakapatid. Pero baka nga pinagipunan niya ito at tutal naman presidente na siya ng bansa, mas astig yun kung naka Porsche siya. Edi sige! ikaw na ang naka sports car! :)
Hindi ko naman masisisi ang mga tao kung ganon na lang sila mag react. Pero parang may mali lang talaga. Ang babaw e. Nakakapanibago. Siguro nga si PNoy na talaga ang nagpabago ng ihip ng hangin sa mga Pilipino. Di lang siguro ako sanay kasi hindi masyado bugbog si PNoy mula sa mga criticisms. Talaga namang wala silang masabing masama sakanya lalo na't puro LOVELIFE lang ang madalas na ibalita sakanya sa TV. So hindi na nga talaga sila nagkatuluyan ni Liz Uy? Sila na nung Lopez (tama ba?) Anyway, sa lahat ng sinabi ko dito.. isa lang ang sigurado ako. Kahit pa siguro mangurakot si PNoy ng pera ng bayan.. hindi siya ikamumuhian ng mga tao. E pano......... ikaw ba naman ang presidenteng BACHELOR at RICH e. :)
Diba? :)
Friday, January 07, 2011
Success is LOVE
“Ang pinaka malungkot na tao sa mundo ay ang mga taong hindi alam ang gusto sa buhay.” - Anonymous
Dumating ka na ba sa punto na hindi mo alam kung ano gusto mong gawin sa buhay mo? Pero gusto mo sumaya.. umasenso.. ganon. Yung napakahaba ng things to do mo pero hindi mo alam kung pano mo ito sisimulan. Kumbaga, lahat na nasayo pero hindi mo alam bakit hindi ka masaya. “It’s not you.. It’s me.” Napanood ko yung movie ni Julia Roberts na Eat Pray Love at sobrang nagustuhan ko yung storya. Hindi ganon kaganda yung pagkagawa ng movie pero yung story bonggang-bongga. Pakiramdam ko tuloy ako si Julia Roberts. CHOS!
Para sa mga hindi nakakalam, madami akong pinuntahan bago ako nakarating dito sa Cotabato. Bakasyon para sa karamihan pero pinilit ko talagang managinip ng gising. Pumunta ako sa America para tingnan kung sakali, kaya ko kaya mabuhay dun ng pangmatagalan. Negative. Pumunta ako sa Thailand para mapatunayan sa sarili ko na magkaiba sila ng Pilipinas. Negative. Ngayong nandito na ako sa Cotabato, patuloy ko pading inaalam kung ano ang maiaalay sa akin ng Cotabato na wala sa kakayanan ng Metro Manila.
Mainit dito. Wala masyadong magawa pag weekend. Delikado sa gabi. Walang magandang mall.. Walang mala-Encore or Republiq na clubs. Walang mala Central or Laiya na bars. Walang Starbucks.. walang KFC. :( Tska ko napatunayan sa sarili ko na hindi naman pala nakakamatay pag hindi ka nakakasabay sa modernization. Naalala ko dati nung nagmamasters pa ako, napagusapan namin sa isang lecture/discussion kung talagang kailangan bang sumabay sa pag upgrade ng buhay ang isang bansa o komunidad para umasenso. Matagal-tagal na diskusyunan yun kung hindi ako nagkakamali. Sabi kasi ng kaklase ko ang asenso ay hindi nasusukat sa pagiging moderno ng kagamitan, pamumuhay at pananalita. Ang asenso ay makakamit mo kapag kuntento at maligaya ang mga tao sa ginagawa nila. Kaso lang nakakainggit naman kung sila may cellphone tayo wala. YUN LANG.
Maraming ibig sabihin ang asenso sa karamihan. Pwede mo itong masukat sa dami ng pera mo sa banko, sa dami ng investments mo sa market, sa dami mong napasayang tao o sa tindi ng self-fulfillment mo. Hindi ko maalala saan ko ba napanood pero sabi dun sa napanood ko, “Success is love.” Kung mahal mo ang ginagawa mo, YUN NA! Ok ibang usapan na toh.. mahal na ang topic e. Joke lang.
Madalas tayong magreklamo, na minsan OA na. Pero hindi natin naiisip na buti nga tayo meron.. sila wala.
Kung ano man ito, alam ko na isa lang ang bagay na magpapasaya sa ating lahat. Yun ang makuntento tayo sa kung anong meron tayo. Hindi ito ibig sabihin na hindi mo na kailangan mangarap. Mangarap kang abutin ang isang bagay na naaayon sa sarili mong kakayanan. Wag kang echusera.
Subscribe to:
Posts (Atom)
If COVID-19 Didn't Happen
"We will remember 2020 as a year of disease and death, and lockdowns that separated friends and relatives, and businesses from customer...
-
Sabado ng gabi, nasa Antipolo.. Dasal ako ng dasal habang umiiyak. Sabi ko sa Kanya, bakit hindi niya mabigay sa akin ang matagal ko nang hi...
-
i tried it and THANK GOD it worked! *whew!* Microsoft should create a newer software that is "bug free". My Zune 30 is frozen. Wha...
-
It’s Saturday evening and I chose to stay home and watch TV. I know I’ll get bored with watching TV but this movie changed my mood for the n...