Kung uungkatin lahat ng alaala ko mula pagkabata, walang kaduda-duda na mas malapit ako sa mga kaibigan ko kesa sa pamilya. Tanungin man ako ng kahit sino ngayon, yoon pa din ang isasagot ko. Tuwing magpaparinig ang mga nakatatanda na bigyang halaga ang pamilya kesa sa mga kaibigan.. isa ako sa mga natatamaan ng bato sa langit.
Sabi ko sa sarili ko noon, dadating din ang panahon na matututo akong magpahalaga ng kapamilya. Hindi ko alam kung kailan pero sigurado akong gagawa ng paraan si Superfriend para matutunan ko ang importansya nila. Hindi ako nagkamali, gumawa nga Siya ng paraan...
Wala akong masyadong pakealam nang marinig ko ang balita. Kasi hindi ko ito sineryoso. Sabi ko pa nga kay mommy... "ayos lang yon. wag na tayo pumunta doon.." Para sa akin kasi, kung hindi naman seryoso ang nangyari, pwede naman sigurong ipagpabukas na lang ang pagpunta sa Antipolo.. tutal, ilang oras na lang naman non, e mag u-umaga na. Pero nasunod padin shempre ang nanay ko, tumuloy kami papuntang Antipolo..
Naaksidente si tita.
Pinakalat ko ang balita sa mga kaibigan ko. Kasi para sa akin, sila ang mga taong gusto ko laging maging "updated" sa buhay ko. Ayun, may nag-alala.. merong nangamusta.. meron ding.. wala lang. Ang mga taong pinagtuunan ko ng pansin ng matagal na panahon, ang mga taong naging impluwensya sa buhay ko.. ang mga taong akala ko na makikiramdam.. sila pala ang totoong walang pakealam. Hasel lang diba?
Ayaw ko sanang manumbat, pero bakit ganon? At kung sino pa ang hindi ko inasahan, sila pa talaga ang talagang naapektuhan.
Dati may nagsabi sa akin, huwag daw ako masyado umasa sa kaibigan.. dahil may mga panahon daw na mabibigo lang ako at mapagiiwanan. Malalaman mo daw talaga kung sino ang totoong nagmamalasakit sayo pag dumating yung panahon na sobrang nangangailangan ka ng tulong, atensyon o kung anuman. Sa paraang ito na ginawa ni Superfriend, narealize ko na ang mga taong hindi ko binigyang importansya, sila pala yung maasahan ko sa ganitong parte ng buhay ko.
Ang mga totoong kaibigan ko.
Ang pamilya, mga pinsan at mga tito, tita ko.
Hindi man maganda ang okasyong ito. Pero ito pa din ang naging daan para maging close ako sa inyo. Sa panahong ito, nagpapasalamat ako na hindi ako napagkaitan ng pamilya. Ilang beses ko man silang hindi pinagtuunan ng pansin, ilang beses ko man silang tinalikuran para sa kaibigan, hinding-hindi naman nila ako pinabayaan.
Salamat ha..
Thursday, March 19, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
If COVID-19 Didn't Happen
"We will remember 2020 as a year of disease and death, and lockdowns that separated friends and relatives, and businesses from customer...
-
Sabado ng gabi, nasa Antipolo.. Dasal ako ng dasal habang umiiyak. Sabi ko sa Kanya, bakit hindi niya mabigay sa akin ang matagal ko nang hi...
-
i tried it and THANK GOD it worked! *whew!* Microsoft should create a newer software that is "bug free". My Zune 30 is frozen. Wha...
-
It’s Saturday evening and I chose to stay home and watch TV. I know I’ll get bored with watching TV but this movie changed my mood for the n...
No comments:
Post a Comment