Kung uungkatin lahat ng alaala ko mula pagkabata, walang kaduda-duda na mas malapit ako sa mga kaibigan ko kesa sa pamilya. Tanungin man ako ng kahit sino ngayon, yoon pa din ang isasagot ko. Tuwing magpaparinig ang mga nakatatanda na bigyang halaga ang pamilya kesa sa mga kaibigan.. isa ako sa mga natatamaan ng bato sa langit.
Sabi ko sa sarili ko noon, dadating din ang panahon na matututo akong magpahalaga ng kapamilya. Hindi ko alam kung kailan pero sigurado akong gagawa ng paraan si Superfriend para matutunan ko ang importansya nila. Hindi ako nagkamali, gumawa nga Siya ng paraan...
Wala akong masyadong pakealam nang marinig ko ang balita. Kasi hindi ko ito sineryoso. Sabi ko pa nga kay mommy... "ayos lang yon. wag na tayo pumunta doon.." Para sa akin kasi, kung hindi naman seryoso ang nangyari, pwede naman sigurong ipagpabukas na lang ang pagpunta sa Antipolo.. tutal, ilang oras na lang naman non, e mag u-umaga na. Pero nasunod padin shempre ang nanay ko, tumuloy kami papuntang Antipolo..
Naaksidente si tita.
Pinakalat ko ang balita sa mga kaibigan ko. Kasi para sa akin, sila ang mga taong gusto ko laging maging "updated" sa buhay ko. Ayun, may nag-alala.. merong nangamusta.. meron ding.. wala lang. Ang mga taong pinagtuunan ko ng pansin ng matagal na panahon, ang mga taong naging impluwensya sa buhay ko.. ang mga taong akala ko na makikiramdam.. sila pala ang totoong walang pakealam. Hasel lang diba?
Ayaw ko sanang manumbat, pero bakit ganon? At kung sino pa ang hindi ko inasahan, sila pa talaga ang talagang naapektuhan.
Dati may nagsabi sa akin, huwag daw ako masyado umasa sa kaibigan.. dahil may mga panahon daw na mabibigo lang ako at mapagiiwanan. Malalaman mo daw talaga kung sino ang totoong nagmamalasakit sayo pag dumating yung panahon na sobrang nangangailangan ka ng tulong, atensyon o kung anuman. Sa paraang ito na ginawa ni Superfriend, narealize ko na ang mga taong hindi ko binigyang importansya, sila pala yung maasahan ko sa ganitong parte ng buhay ko.
Ang mga totoong kaibigan ko.
Ang pamilya, mga pinsan at mga tito, tita ko.
Hindi man maganda ang okasyong ito. Pero ito pa din ang naging daan para maging close ako sa inyo. Sa panahong ito, nagpapasalamat ako na hindi ako napagkaitan ng pamilya. Ilang beses ko man silang hindi pinagtuunan ng pansin, ilang beses ko man silang tinalikuran para sa kaibigan, hinding-hindi naman nila ako pinabayaan.
Salamat ha..
Thursday, March 19, 2009
Sunday, March 08, 2009
Time Machine... sakay na!
Isa sa mga gustong kong gawin pag nasa mood ako ay ang mag reminisce. Kaya naman ganon na lang ang pag tangkilik ko ng youtube. Kasi halos lahat ng mga old school pwede kong mapanood doon. nice noh? haha
Mabalik tayo sa dati.. yung panahon na tape lang ang uso tapos teks ang pangunahing laro sa kanto ahahaha! Hindi ko napapansin ang pagtakbo ng panahon noon, wala akong pakealam.. pero ngayon, puro pagbabalik tanaw ang ginagawa ko sa lahat ng iyon. Ang kabataan days ko, wala akong iniintindi kundi ang paglalaro! Ewan ko ba kung bakit wala akong nahiligang sport hanggang sa pagtanda ko, e sobrang bibo ko sa paglalaro dati haha. Naalala ko pa dati, hirap na hirap akong mag panggap matulog sa tanghali kasi sobrang excited akong lumabas ng bahay para maglaro don sa harap ng tindahan nila Aling Nena (classic!).
Ang sarap mag reminisce. Ito na ang nakahiligan kong gawin talaga mula nang natutunan ko ang salitang "emo". Natatawa ako magisa tuwing tumitingin ako ng photo album. Buti na lang pinagtyagaan talaga ng nanay ko ang pag collect ng mga pictures ko nung bata. Naalala ko tuloy ng bonggang-bongga lahat ng katatawanan, kahihiyan at kalokohan ko nung bata pa ako. Hindi ko malaman kung pinanganak na ba akong nakakatawa o talagang nakakatawa lang talaga ahaha! Buti na lang din may Kuya ako, kasi napapakinggan ko lahat ng mga paborito niyang banda. Mula sa Wolfgang, Teeth, Yano, Eraserheads, Datus Tribe, Tropical Depression, Francis Magalona, Andrew E, Rivermaya.. hanggang sa Parokya ni Edgar. Kung siguro wala akong Kuya, edi sana hindi ako tuwang-tuwa sa concert ng Eheads kagabi diba.. Isama mo na din ang mga paborito kong kanta nina: Donna Cruz, DJ Alvaro, Prettier than Pink, Color It Red, at ang walang kamatayang Spice Girls.. ugh! Kailangan iba iba pa ang kulay ng casette tape ng Spice Girls para cool na cool ang dating. ahahahahaha!
Bentang-benta din sa akin ang Over da Bakod, Palibhasa Lalake, Analuna, Veliente at Mara Clara.. pati na rin ang Mr. Cupido at Flames sa tanghali, ang TGIS at Gimik tuwing sabado, at ang Lovingly Yours ni Helen at Ipaglaban Mo tuwing linggo. Tapos pag tuwing gabi naman, ang Gabi ng Lagim sa radyo. Takot na tako ako lagi pag naririnig ko yung tugtog ng Gabi ng Lagim, tapos yung yaya ko nagagalit na natatawa (parang baliw lang) haha! Hindi ko kinakaya ang Gabi ng Lagim.. kasi pakiramdam ko may mumu sa tabi. ahahaha balaka!
Nung bata ako, sinigurado ng mga magulang ko na hindi ako mababato sa buhay ko. Kaya naman pinasok nila ako sa iba't-ibang klase ng libangan. Ang "lessons overload" kung tawagin. Mula sa swimming.. na nasali ako sa MILO Best competition (pero hindi ako sumipot kasi wala kaming kotse papunta don sa venue), piano.. na wala akong nakuhang award o ribbon man lang, voice.. na naging klasmeyt ko c jamie baby (kumanta ng e kasi bata!), hanggang sa guitar lesson..(na wala akong natutunan talaga). Lahat ng yon sinupportahan ako ng dakila kong nanay! Kung may "Ipagpilitan Mo contest" lang.. malamang sumali at nanalo ako don! Muntikan na rin akong mag ballet.. kaso di pumayag daddy ko kasi daw nakakalaki ng muscle sa binti hehe. =) Onga pala, naisip ko din mag taekwondo noon ahahahaha! Sa part ng ito sa buhay ko, lagi kong sinasabi kay mommy na sana sinali niya rin ako sa Little Miss Philippines sa Eat Bulaga.. edi sana ngayon artista na ako! haha
Madaming-madami pa kong gusto alalahanin. Kung mabibigyan lang ako ng oportunidad magsulat ng libro tungkol sa kabataan ko, gagawin ko talaga. Ang saya kasi dati, walang problemang mabigat. Hindi ko iniintindi ang pera, ang trabaho, ang love life, at kung ano pa. Puro lang kalikutan ang alam kong gawin. Simple lang kasi dati, hindi masyado malakas ang kumpitensya ng buhay, maikli lang din ang sukatan ng salitang "kuntento". Umiiyak ako noon dahil lang sa napagalitan ako ni mommy, inaway ako ni kuya, o kaya naiwan ako ng school bus ahaha! Ngayon, ibang level na ang rason ng iyak ko. Pati ang pagkamatay ni Francis Magalona, apektado ako, naiiyak ako.
Ngayon, kung totoo lang sana ang time machine, sasakay ako talaga tapos hindi na ko babalik sa kasalukuyan. Kung pwede lang sana i-rewind, ginawa ko na talaga. Napaka dami kong namimiss. Pati mga taong sobrang tagal ko nang hindi nakikita, napapanaginipan ko na. Madaming tao ang gusto ko sanang balikan at pahalagahan. Ngayon, tuwing naiisip ko sila.. nagsisisi ako na hindi ko maintindihan kung saan nang galing yong pagsisising yon. Kung tipong pwede lang i-set yung time machine na kung hanggang saan lang pwede tumakbo ang panahon, ok na ok sana yun. Siguro, mula elementary hanggang college lang ang nasa time setting ko..tapos mamamatay na lang ako sa edad na yon. Ayoko, ayokong humarap sa future. Ok na ko sa dati. Basta.... basta lang.
Gusto kong sumakay sa time machine. Magkano kaya bayad sa ganon?
Subscribe to:
Posts (Atom)
If COVID-19 Didn't Happen
"We will remember 2020 as a year of disease and death, and lockdowns that separated friends and relatives, and businesses from customer...
-
Sabado ng gabi, nasa Antipolo.. Dasal ako ng dasal habang umiiyak. Sabi ko sa Kanya, bakit hindi niya mabigay sa akin ang matagal ko nang hi...
-
i tried it and THANK GOD it worked! *whew!* Microsoft should create a newer software that is "bug free". My Zune 30 is frozen. Wha...
-
It’s Saturday evening and I chose to stay home and watch TV. I know I’ll get bored with watching TV but this movie changed my mood for the n...