Tuesday, February 17, 2009

o mahal kong PINOY!

Marunong akong tumangkilik ng sariling atin. Nanonood ako ng mga palabas ng pinoy, indifilms at kung ano-ano pa. Gustong-gusto ko din ang mga OPM songs lalo na pag jamming sa kantahan ang labanan. Wala ring katulad ang sarap ng adobo.. kahit sino pa ang nagluto, basta MASARAP period. Bilib na bilib din ako sa mga pinoy na umaabot sa ibang bansa para ipamalas ang kanilang mga talento, pati na rin ang mga nakikipagsapalaran sa mga mas mayayaman pang bansa kesa sa atin. Pinag-aralan ko ang PILIPINAS at ang PINOY ng higit-kumulang anim na taon. Madami akong nalaman, madami akong naintindihan.

Wala akong masabi... mahal ko pa rin siya.

Isa sa mga madalas pagusapan sa PILIPINAS ay ang mga pinoy na piniling mag-ibang bansa para buhayin ang pamilya sa pinas. Ayon sa statistics ng POEA, 1,077,623 OFWs ang meron as of 2007. Hindi pa kabilang dito ang mga TNT na pasimpleng nagtatrabaho sa ibang bansa. Hindi ko lang alam kung ilang porsyento ang binagsak ng bilang ng OFWs ngayong recession.

Napanood ko sa balita na may mga nagwewelgang OFWs kahapon. Sila ang mga matinding naapektuhan ng pagbagsak ng economiya ng buong mundo. Hindi talaga ako pabor sa pagwewelga pero ika nga ng isa kong propesor nung college, kung walang mag wewelga, hindi maririnig ng gobyerno ang hinaing ng mga apektadong tao. Ok sige, bahala sila. Naiintindihan ko naman talaga ang nararamdaman nila. OFW din kasi ang nanay ko noon, ang tatay ko naman, OFW pa rin hanggang ngayon.

Nurse ang nanay ko sa Saudi dati ng sampung taon. Seaman naman ang tatay ko mula pa noong teenager siya, boss na nga siya ngayon sa barko pero shempre kabilang pa din siya sa bilang ng OFW. Lahat ng naipundar ng mga magulang ko, ang kinakain namin sa araw-araw, pati ang sweldo ng kasambahay, hanggang sa pang bayad ng internet connection ko ngayon.. lahat ng ito.. dahil sa OFW. Kahit kailan, hindi ako nagmalaki, at kahit kailan, hindi ako nagreklamo sakanila dahil alam kong mas mahirap pa din ang ginagawa nila.

Hindi pa man ako nakaranas ng pagtatrabaho sa ibang bansa, alam ko pa rin ang hirap nila lahat. Hindi ko na kailangan makita, basta alam ko lang. Aminin man natin o hindi, sila pa rin ang isa sa mga may matinding partisipasyon sa pagpapa-unlad ng Pilipinas. Wala akong pakealam sa pagiisip ng ibang tao. Ang mga tao na kung maghusga nalang ng mga OFWs e akala mo tumatae sila ng pera. Dahil para sa akin, walang karapatang magyabang ang sino mang wala namang naidulot na maganda sa buhay. Ano man ang trabaho mo, ikaw man ay isang basurero o taga linis ng aquarium sa America, o yaya ka sa HongKong, wala ka namang intensyon kung hindi ang pabutihin ang buhay ng mga mahal mo sa buhay. Nakakalungkot nga lang isipin na may mga ibang tao na hindi marunong magpasalamat sa mga OFW. Ang mga taong hindi marunong makiramdam. Sila ang mga taong WALANG PAKIALAM.

Alam ko na hindi biro ang katayuan ng ekonomiya ng buong mundo ngayon. Maraming tao ang nawalan ng trabaho, maraming tao ang hindi pa rin nagkakatrabaho, at maraming pinoy ang napauwi dito. Ang mga hindi na-swerte sa buhay na ang pera ng mga foreigners lang ang talagang bumubuhay sa kanila... pero sa kasamaang palad, nawalan sila pag-asa dahil kailangan nilang umuwi ulit dito. Hindi ko sinisisi ang gobyerno, dahil kung merong dapat sisihin, lahat naman ng tao may kasalanan. Kaya bawal magmarunong ang mga taong wala naman talagang alam ok? BAWAL.

Para sa mga sinuswerte, wag pa rin nating kalimutang makiramay sa mga minamalas. Dahil lagi nating tandaan... bilog ang mundo. Pana-panahon lang yan. hehe

Para sa mga pinoy na mang-gagawa sa ibang bansa, sa mga nagtatago para lang makasimple sa pagtatrabaho sa amerika, para mga seaman, para sa mga nurse, para sa mga domestic helper, para sa mga driver, mekaniko, carpintero, matador... para sa lahat ng OFWs... dadating din ang araw na makakaahon ang dapat maka-ahon. Wala na akong masabi................. bilib ako sa inyo!

2 comments:

Magicspaceship said...

tama tama.. may iba ngang tao porket OFW ang mga magulang, nagwawaldas ng pera at nagging mga palamunin... hassle sila..

buti alam mo kung anung pinagdaanan ng mga magulang mo:)

yey for KC!!!:P

Anonymous said...

korek ka jan kapatid. karaniwan sa mga mapang-matang pilipino ay yung mga pinanganak na mayaman... mga walang ginawa para mapaunlad ang Piso. marami akong kaibigang OFW dito at hindi biro ang hirap na pinagdadaanan nila, lalo na ang pangungulila. ang lagi lang nilang hiling ay walang mangyaring masama sa pamilyang binubuhay nila dahil hindi sila makakauwi kaagad kung may di inaasahang pangyayari. isipin mo yun? hirap nun ah! saludo talaga para sa kanilang lahat!

If COVID-19 Didn't Happen

"We will remember 2020 as a year of disease and death, and lockdowns that separated friends and relatives, and businesses from customer...