Friday, November 28, 2008

My ColorGenics profile

i can't believe this. haha! ang galing!! thanks Ben for sharing =)

Name: KC Co
Date: 11/28/2008
Colorgenics Number: 37512064

You feel as if you have missed out on a great deal that life had to offer and you go about trying to make up for past failures. Naturally at times you get depressed and you try to compensate for your 'missed opportunities' by living your life to the full. This is what, perhaps, may be described as 'living with exaggerated intensity'. In this way you feel you can break the chains of the past and start again - and it could be that you are right.

You need an atmosphere of peace and quiet and you would like to share a bond of understanding with the 'right person' - you have the belief that with the right person, your stress and anxiety could be minimised.

You lack confidence and that is a great pity because deep down you are indeed a warm caring person. This lack of confidence is making you wary of being drawn into any open discussion or conflict and so you feel as if you should let matters lie and leave well alone. But there may be a pleasant surprise in store for you. You are beginning to grow and very soon - sooner than you believed possible - this warm loving new you will be available for all to see and to appreciate.

You pretend that you are a carefree individual and that nothing really bothers you - that you are so self-sufficient that whatever problems beset you they simply flow off you as water flows off a ducks back. You are experiencing considerable stress, trying to conceal yourself from the rest of the world. In actual fact - deep down, you are not at all happy. You feel lonely and you need someone with whom you can 'Let your hair down' and share your hopes, dreams and high standards. You are imposing unnecessary self restraint on yourself. You would like to demonstrate the unique quality of your character to all and sundry.

Whatever you have tried to do seems to have gone wrong and you are now quite convinced that there is little point of formulating new objectives and it is this belief that has resulted in the stress and anxiety. You would like to be able to communicate with other people who think as you do. At this time there seems to be no-one on the horizon nor is there any prospect of meeting anyone in the immediate future. But it must be said that you are really a 'trier' and indications are that you will, as indeed you have in the past, 'bounce back'.

Wednesday, November 19, 2008

naniniwala ka ba sa SIGN?

Sabado ng gabi, nasa Antipolo.. Dasal ako ng dasal habang umiiyak. Sabi ko sa Kanya, bakit hindi niya mabigay sa akin ang matagal ko nang hinihingi? Bakit lahat ata ng bagay na gusto ko mangyari hindi natutupad? Simula nung birthday ko, tuloy-tuloy lang ang pagka dismaya ko. Nagalit ako, sobra. At bago ko tapusin ang dasal ko, sabi ko… gusto ko Siya makausap. Pero Siya na bahala kung paano.

Linggo ng umaga, nakatanggap ako ng text galing sa kaibigan. Nakalagay doon na bakit hindi ka tumigil sa kakaisip ng kung ano ang gusto mo.. bakit hindi mo na lang isipin kung ano ang nararapat sayo….

Miyerkules ng gabi, nakasakay ako sa kotse.. naglalakbay papuntang Southwoods, nang maisipan kong sumilip sa labas. Bumulaga sa akin ang isang billboard. Ang nakasulat?

“We need to talk.” – God

WOW grabe! Nakakakilabot.

Monday, November 10, 2008

user-friendSTER.com

Kung tatanungin ka kung ano ang isa sa pinaka ayaw mong ugali ng tao, ano kaya ang isasagot mo?

Malamang ako, isa sa mga pinaka ayaw kong ugali ng tao ay yung “user-friendly.” Hindi siya basta-basta lang na manggagamit pero siya yung tipo ng tao na magpaparamdam lang sayo pag may kailangan siya. Para sa akin, maraming klase ang pagiging user-friendly. At nais kong ipamahagi sa inyo ang aking sariling klasipikasyon.


User-friendly #1

And taong ito ay matagal mo nang nakakasama. Sa madaling salita, siya ay isa sa mga kabarkada mo. Pero hindi porket kabarkada mo siya ay lagi siyang nagpaparamdam sa iyo. Ang taong ito ay hindi laman ng gimikan o simpleng tambayan ninyo. Siya ay bigla na lang magtetext o tatawag sayo para magpahiwatig ng kanyang “pangangailangan.” At dahil matagal mo na siyan kilala, alam na alam mo na ang pakay niya pag biglang nagtext siya sayo ng “kamusta?”


User-friendly #2

Ito ang taong hindi naman kabilang sa ‘circle of friends’ mo pero siya ay may kakaibang taglay ng lakas ng loob o kakapalan ng mukha sa paghingi sayo ng pabor. Ang masama pa dun, kung sino pa ang hindi mo naman kadikit, siya pa ang may pinaka mahirap na pabor na hihingin sa iyo. Naalala ko dati noong baguhan pa ako sa una kong trabaho… Biglang may lumapit sa akin na babae, at siya ang isa sa mga nagtataray sa akin tuwing magkakasalubong kami. Pero dahil siya ay may kapangyarihan na pinamana sa kanya ng mga kawatan, bigla niya ko hiniritan kung pwede ba daw siya mangutang sa akin ng limang libo.. huwaaaaaaaaaaat?


User-friendly #3

Medyo nakakalito ang uri ng pagka user-friendly nito. Hindi siya pasulpot-sulpot, isa siya sa mga malalapit sayo. Hindi mo agad mapapansin ang iyong katangahan sa pakikipag kaibigan mo sa kanya. Maguguluhan ka sa mga reaksyon ng mga kaibigan mo dahil kitang-kita nila ang pagiging abusado niya sa iyo. Pero dahil mabait naman siya sayo at malinis siya gumalaw, ikaw na ang mahihiyang tumanggi sa kanya dahil pakiramdam mo, isa siya sa mga TUNAY mong kaibigan. Nice noh?


User-friendly #4

Ang pagiging user-friendly ng taong ito ay pwede mo ring tawaging “user-BOYfriendly”. Usong-uso ito sa mga bading dahil naniniwala sila na “walang bading na PANGIT, sa lalaking GIPIT…” haha balaka! Dito pumapasok ang sikat na hiritang “pang load, pang tuition, o pang-gamot ni inay…” Pero syempre, madami ding sitwasyon na ganito para sa mga totoong babae. Sila ang mga boyfriend na mahilig magpa-libre sayo. Ikaw ang sumasagot sa mga dates niyo, at ikaw na rin ang bumibili ng regalo mo sa sarili mo. Akala ata niya, tumatae ka ng pera. Pwes, hindi tinatae ang pera… Ikaw subukan mong umire, baka may lumabas na pera sa butas ng wetpaks mo! Siguradong maghihirap ka sa user-boyfriendly na ito dahil siya naman ay yayaman sayooooo!! Ahahahaha! Sa kasawiang palad, kapag kayo ay naghiwalay dahil linoko ka niya…. Maiiwan kang luhaan dahil may naiwan pa siya sayo na tumataginting na utang. LAKAS non!


* kung sino man ang natamaan sa mga klasipikasyon ko, hindi ko sinasadyang masaktan ang iyong damdamin. Dahil alam ko naman na hindi mo din sinasadyang maging ganyang klaseng tao! Bwaaaaaaaaaahahahahaha!

If COVID-19 Didn't Happen

"We will remember 2020 as a year of disease and death, and lockdowns that separated friends and relatives, and businesses from customer...