Wednesday, June 04, 2008

Bibo Day

Papasok pa lang ako sa school kanina, iniisip ko na kung paano ako lalabas ng klasrum para tumakas at hindi tapusin ang class. Dahil panigurado, wala na naman akong gana pumasok dahil puro henyo na naman ang nakapaligid sakin at pakiramdam ko, ako na ang pinaka bobo sa lahat. Dahil sa buhay estudyante ko sa Masters, kung hindi apat ang mata ng kaklase ko, senior citizen naman ang karamihan. Tapos samahan mo pa ng professor na pag-aaral ang buhay, kinakain, iniinom at hinihinga niya. Sa makatuwid, ako lang ang “cool” sa klase ahahahaha!

Sa elevator pa lang ng Yuchengco ini-imagine ko na ang itsura ng professor at mga kaklase ko. Ambilis ng elevator, ayan na 5th floor na… Sumilip muna ako sa pintuan at nakita kong madami akong kaklase. Mabuting pangitain yun para sakin dahil mas madali makatas dahil hindi ako mapapansin ng professor sa dami ng kanyang estudyante. Nandun na din ang titser namin, at nagsimula na siyang dumakdak bago pa ako dumating. Oo na, late na naman ako!! ano namang bago don?

Inubos ng titser namin ang 1 oras sa pag didiscuss ng syllabus at kung pano ang palakaran ng graduate school sa La Salle. Aba, mukhang tamad si Miss dahil hindi pa siya nagsisimulang mag lecture. Hanggang sa may humirit sa klase tungkol sa isang topic namin sa syllabus.. Ito na ata ang hudyat na kailangan na naming mag-lecture. Unang tanong ng titser, ano ang pagkakaiba ng “development” at “change”.. Nasapian ata ako ng kung sinong espiritu at bigla kong tinaas ang kamay ko. Sinagot ko ang tanong niya, at nagulat ako sa kabibuhan ko. Lumipas ang pangalawa, pangatlo, pang-apat at marami pang tanong ni Miss at hindi ko alam kung bakit ako sumasagot sa kanya. “Bibo day” ko ba ngayon at panay ako sa pag taas ng kamay? Ahahahaha!

Tumagal ng 2 oras ang lecture na hindi pa nagbibigay ng break ang professor namin. Nagsimula nang sumama ang mukha ko dahil pati ako hindi ko napansin ang oras. Buti na lang, naisipan ng titser na agahan na lang ang tapos ng klase dahil napagod daw siya sa kadadakdak. At para sa akin, korny man pero natuwa ako sa sarili ko ngayong gabi dahil nakuha kong magpaka bibo sa klase. Para sa hindi nakaka alam, huling term ko na ito sa academics at ngayon ko lang naipamahagi ang talento ko sa pagkabibo. Sana hindi pa huli ang lahat at malay mo, mawili ako sa ganito…..

Baka di ko pa tapusin ang term na ito.

JOKE.

No comments:

If COVID-19 Didn't Happen

"We will remember 2020 as a year of disease and death, and lockdowns that separated friends and relatives, and businesses from customer...