Saturday, June 21, 2008

Reaction: New Philippines law gives half a million people income tax relief

New Philippines law gives half a million people income tax relief

Philippines President Gloria Arroyo on Tuesday signed a law exempting more than half a million Filipinos from paying income tax, as part of efforts to help the poor weather rising food and energy prices.

"This is part of our immediate and temporary help to Filipino families squeezed by the global surge in oil and rice prices," AFP quoted Arroyo as saying in a speech after signing the bill into law.

Finance Secretary Margarito Teves told reporters the move -- raising the minimum taxable income of people in the lower-earning bracket -- would mean the government is giving up about 14 billion pesos ($315 million).

Replacing the lost revenues is "not going to be easy so we just have to work very hard on it and we have to convince our individual taxpayers and corporations to assist us," Teves said.

Oil-dependent Philippines, which is also one of the world's largest rice importers, has cut its economic growth projections for the next three years and postponed its 2008 target to balance its budget by three years due to the adverse international economic environment.

-------------------------------------------------------------------------------------

Nabalitaan ko na “proposed bill” ang pag lilibre ng TAX sa mga taong kumikita ng minimum wage sa ating bansa. Hindi ko agad nagustuhan ang balitang ito pero hindi ko na ito pinag aksayahan ng panahon. Ngayon, balitang-balita na sa internet na isa na itong “signed law”. Ang galing-galing mo talaga Gloria! Ang bait mo sa mahihirap.. bakit hindi ka nagiisip?!?!?!

“I have nothing against the less fortunate people” (paano ba sabihin yun sa tagalog?), pero ako ay matindihang HINDI sumasang-ayon sa batas na ito.

Unang-una sa lahat, sobrang bigat ng epekto ng income tax sa ating mga Pilipino lalo na sa mga hindi masyado magara ang kabuhayan. Pero wala kang magagawa kasi kailangan mong magbayad ng tax gaya ng iba. Mataas man ang sinusweldo mo o gapiranggot, kailangan mo pa ring sundin ang patakaran (si Judy-Ann Santos nga, hindi nakaligtas..). Sa madaling salita, lahat ng nagtatrabaho.. MAGBABAYAD! Bakit biglang may hindi na magbabayad?

Ang mga mahilig mag welga, ang mga mahihilig mag reklamo, ang mga madalas nakikitang nagmamaka-awa sa telebisyon, ang madalas sumisira ng overpass, ang nagvavandal sa kalye, ang mga madalas magiimbak ng basura sa ilog, ang mga nagbabaklas ng bakod na gawa sa yero, ang mga atat na atat pababain si Gloria sa pagkapangulo, ang mga nakikigamit ng kuryente “jumper”, sila, sila ang mga malilibre sa income tax.

Hindi ko sila minamata, pero hindi ko rin sila kinakaawaan. Dahil kung awa lang ang sagot sa kahirapan, edi sana nag basurero na lang ako.

Replacing the lost revenues is "not going to be easy so we just have to work very hard on it and we have to convince our individual taxpayers and corporations to assist us," Teves said. – Sige, goodluck!

Ang kabilang sa “middle class society”, ang mga empleyado ng kumpanya, sila… tayo, ang madalas natatamaan ng lahat ng pagbabago ng ekonomiya. Bakit? Dahil tumaas man o bumaba ang pera ng bansa, ang “middle class” ay kailangan pa din magbayad ng pamasahe, ng gas, ng tuition fee, ng grocery, ng kuryente, ng tubig, ng telepono, ng tirahan at ng INCOME TAX. Dahil, walang karapatan ang mga hindi kasama sa poverty line na ILIBRE SA KUNG ANUMANG GASTUSIN.

Hindi pagmamalupit ng tadhana ang katayuan sa buhay ng isang tao. Pinipili ng tao ang kanyang kinabukasan, ang kanyang uri ng kabuhayan. Walang swerte, walang malas. Lahat ng bagay na nangyayari, lahat ng iyon ay epekto ng mga nagawa mo. Walang aksidente, walang chamba.. dahil lahat ng napala mo, ay dahil din sa iyo!

PASENSYA na sa mga hindi sumasang-ayon, gusto ko lang sanang malabas ang saloobin ko. Hindi ako mata-pobre dahil hindi ako mayaman. Hindi pantay-pantay ang katayuan natin sa buhay, oo alam ko, pero sana man lang magpatupad SILA ng batas na makatarungan.

“Hangga’t marami ang lugmok sa kahirapan At ang hustisya ay para lang sa mayaman” ang sabi ni Bamboo sa kanta nilang TATSULOK. Ngayon, sabihin mong para lang sa mayaman ang hustisya?! Hindi rin.

Para ito sa mayaman at mahirap. Ang nasa gitna ang wala….

Wednesday, June 04, 2008

Bibo Day

Papasok pa lang ako sa school kanina, iniisip ko na kung paano ako lalabas ng klasrum para tumakas at hindi tapusin ang class. Dahil panigurado, wala na naman akong gana pumasok dahil puro henyo na naman ang nakapaligid sakin at pakiramdam ko, ako na ang pinaka bobo sa lahat. Dahil sa buhay estudyante ko sa Masters, kung hindi apat ang mata ng kaklase ko, senior citizen naman ang karamihan. Tapos samahan mo pa ng professor na pag-aaral ang buhay, kinakain, iniinom at hinihinga niya. Sa makatuwid, ako lang ang “cool” sa klase ahahahaha!

Sa elevator pa lang ng Yuchengco ini-imagine ko na ang itsura ng professor at mga kaklase ko. Ambilis ng elevator, ayan na 5th floor na… Sumilip muna ako sa pintuan at nakita kong madami akong kaklase. Mabuting pangitain yun para sakin dahil mas madali makatas dahil hindi ako mapapansin ng professor sa dami ng kanyang estudyante. Nandun na din ang titser namin, at nagsimula na siyang dumakdak bago pa ako dumating. Oo na, late na naman ako!! ano namang bago don?

Inubos ng titser namin ang 1 oras sa pag didiscuss ng syllabus at kung pano ang palakaran ng graduate school sa La Salle. Aba, mukhang tamad si Miss dahil hindi pa siya nagsisimulang mag lecture. Hanggang sa may humirit sa klase tungkol sa isang topic namin sa syllabus.. Ito na ata ang hudyat na kailangan na naming mag-lecture. Unang tanong ng titser, ano ang pagkakaiba ng “development” at “change”.. Nasapian ata ako ng kung sinong espiritu at bigla kong tinaas ang kamay ko. Sinagot ko ang tanong niya, at nagulat ako sa kabibuhan ko. Lumipas ang pangalawa, pangatlo, pang-apat at marami pang tanong ni Miss at hindi ko alam kung bakit ako sumasagot sa kanya. “Bibo day” ko ba ngayon at panay ako sa pag taas ng kamay? Ahahahaha!

Tumagal ng 2 oras ang lecture na hindi pa nagbibigay ng break ang professor namin. Nagsimula nang sumama ang mukha ko dahil pati ako hindi ko napansin ang oras. Buti na lang, naisipan ng titser na agahan na lang ang tapos ng klase dahil napagod daw siya sa kadadakdak. At para sa akin, korny man pero natuwa ako sa sarili ko ngayong gabi dahil nakuha kong magpaka bibo sa klase. Para sa hindi nakaka alam, huling term ko na ito sa academics at ngayon ko lang naipamahagi ang talento ko sa pagkabibo. Sana hindi pa huli ang lahat at malay mo, mawili ako sa ganito…..

Baka di ko pa tapusin ang term na ito.

JOKE.

Monday, June 02, 2008

Robin Thicke ft. Vanessa Marquez

Perdida sin ti
no me puedo ayudar
como se siente
sabiendo que te amo amor

perdida sin ti
no me puedo ayudar
como se siente
sabiendo que te amo amor

you make my waking up everyday that much brighter
knowing that im next to you
i'm so drawn to you
it's in your eyes
it's in your sweet face
just being in the same space
i couldn't ask for more
tu eres el amor
that may be the only one to make my life complete

perdida sin ti
no me puedo ayudar
como se siente
sabiendo que te amo amor

perdida sin ti
no me puedo ayudar
como se siente
sabiendo que te amo amor

Baby your the perfect shape
Baby your the perfect weight
Treat me like my birthday
I want it this way
I want it that way
I want it
Tell me you don't want to stop
Tell me it would break your heart
But you love me and all my dirty
You wanna roll with me
You wanna to hold with me
You want to make fries and get norwegian world with me
I just love to hear you say it
It make a man feel good baby

I'm lost without you
Can't help myself
How does it feel?
To know that I love ya baby
I'm lost without you
Can't help myself
How does it feel?
To know that I love ya baby

Cause you will tell me every morning

oooh alright baby ahhh yea
aww baby aww darling alright ma

I'm lost without you
Can't help myself
How does it feel?
To know that I love ya baby
I'm lost without you
Can't help myself
How does it feel?
To know that I love ya baby

If COVID-19 Didn't Happen

"We will remember 2020 as a year of disease and death, and lockdowns that separated friends and relatives, and businesses from customer...