Wednesday, October 17, 2007

buhay ahente


Isang linggo kami nanatili sa Lipa, Batangas para mag saturate, mag ambush presentation at magdala ng kliyente sa event. Isang linggo ko din nakasama ang mga ahenteng kalabaw sa industriya. Ang mga ahenteng, walang humpay sa paguubos ng laway at lakas, makabenta lang.

Napadaan ako sa isang ospital sa Lipa at hindi ko naiwasang kuhanan ng litrato ang mga MEDREP na nag-aabang sa mga doktor. Nag-aabang na pwedeng matisod, nag-aabang, kaparehas namin. Swerte ka na kung makakuha ka ng mabebentahan sa loob ng isang oras. Swerte ka na kung kausapin ka ng sekretarya man lang ng doktor para alamin ang produkto/proyektong inaalok mo. Para sa mga walang ideya sa kung anong buhay ang meron ng mga ahente... HINDI ito madali.


Ahente = nagbebenta


Sabi ko noon, hinding-hindi ko papasukin ang mundo ng SALES. Pero nawala din ang sinabi ko noon. Ngayon, limang buwan na akong ahente. Mahirap, pero masaya. Maraming pera pag nakabenta, maraming makikilalang tao, maraming.... mabebentahan. Hindi stable ang pera dito pero hindi kikitain ng karaniwang empleyado ang isang bagsakang kinokomisyon ng ahente sa aming kumpanya. Maaari kang maging “one day millionare” pag sinuwerte na hindi mo na kailangang mamuhunan sa lotto at mag-abang ng winning numbers. Laway lang ang puhunan at may tumatagingting ka nang salapi na hindi mo alam kung saan mo ito itatago.

Maliit siguro ang tingin ng ibang tao sa mga ahente pero hindi biro ang trabaho kung tutuusin. Nagbebenta ng lupa, condo, insurance, gamot, kotse, produkto at iba pa. Nagbabahay-bahay "knock on your door" ika nga ng komersyal ng Electrolux noon. Naglalakad sa initan, naghihintay sa labas ng kwarto ng mga doktor sa ospital, nag-aabang ng mga makakasalubong na mayayaman. Nangingilala ng pwedeng bentahan sa lugar ng maraming tao. Nakikipag-usap, nakikipag-biruan, nakikipag..bolahan. Mahirap? MAHIRAP.


Hindi ko ikakaila na minsan kong ikinahiya ang ganitong trabaho. “Ahente ka ng alin?” Lalo na kapag ang kausap mo e walang kasing HAMBOG kung ipagyabang ang trabaho na kala mo sila na ang pinakamataas na posisyon sa buong mundo. Minsan kong naitatapon ang mga papel na pinamimigay ng mga ahente sa akin noon. Pero ngayon, yon na yon ang ginagawa ko. Kaya naman, hindi ko na tinatapon ang mga papel na inaabot sa akin sa main entrance ng mall… tinutupi ko na lang. haha!

Wala akong ideya kung gaano ako katagal sa ganitong trabaho. Lalong wala akong ideya kung ano ang hahantungan ng trabaho kong ito. Pero isa lang ang aking naramdaman at patuloy na, nararamdaman ngayon. Para sa mga nag-aabang ng mga mayayaman, para sa mga kumakatok sa bahay-bahay, para sa mga napapaos na sa kaka present, para sa mga nagkakasakit na sa pagod, para sa mga nangingitim na dahil sa paglalakad sa arawan, para sa mga nakikipaghabulan sa mga masusungit na mayaman, para sa mga binababaan ng telepono, para sa mga inuumaga sa kalsada, para sa mga AHENTE na katulad ko…

… nakakabilib kayo, at unti-unti na rin akong bumibilib sa sarili ko.

“WORK HARD, PARTY HARDER” – motto ng team ko sa Landco. Hehe!

Friday, April 20, 2007

Halalan '07


Eleksyon na naman, at syempre, di maiiwasan ang mga iringan, parinigan at sabi-sabi ng mga tao sa tabi-tabi. Nandyan ang dalawang matitinding kampo ng mga tatakbo sa halalan, ang team unity at ang oposisyon. Nandyan din ang mga taong ginagamit ang lahat ng paraan para lalong sumikat sa telebisyon. Ang mga taong sa pinilakang tabig nakikita ngunit nagpupumilit din makisabay sa takbo ng pulitika. At ang mga taong di lang pang pamilya kundi pang isports pa ang pagpupumilit sa pangampanya.

Talaga nga namang ang media pa rin ang pinaka malakas na paraan para isigaw sa buong mundo ang kanilang pangangampanya at bangayan. Ang sinasabing “libelo” ng team unity laban sa oposisyon dahil nga naman sa pinalabas nilang kampanya sa telebisyon na pinakita ang mukha ng pangulo sabay ng pag babanggit ng mga negatibong kalagayan ng ating bansa. Ang survey at ang command voters na pinanghahawakan ng dalawang magkaibang kampo, at ang sinasabing “pag singil sa utang-na-loob” ng team unity sa local governments.

HALA ayun na!! singilan na ng utang-na-loob ang labanan..

Sabi na nga ba, lalabas din ang ganitong hirit e. Sabagay, “utang” nga naman ito at kailangan din pagbayaran. Ahahaha! Pati ang pag endorse ni Roces kay Christopher de Leon sa bise gobernador, sigurado akong utang-na-loob din ang kinalabasan ng lahat ng iyon.

Hello?! Sinong linoko niyo diba? Alam ko na yan.. pag panahon ng eleksyon, lahat ng bagay may kapalit, lahat ng bagay may kahulugan. Ultimo ang aksidenteng nangyari kay Chavit binigyan din ng kahulugan ng ibang tao. Sabi ng iba, drama lang daw yon ni Chavit para kaawaan siya ng mga tao. Basta ako, kahit pakain pa siya sa tigre di ko siya iboboto!!

At onga pala, pati ang Party List na hindi naman nagiging matunog sa panahon ng halalan ay binibigyan na din ng isyu. Sabi daw kasi ng COMELEC, di daw muna ipapakita sa publiko ang mga nominees na Party List. Naku ha!! ano na namang pakulo yan? Bakit kelan pa ba naging mahalaga ang Party List dito sa Pilipinas? Ni hindi nga alam ng nakararami kung ano ang halaga at ang kwenta ng Party List dito sa atin e. May Party List man o wala, hindi din ito mamamalayan ng mga tao dahil hindi sila ang bida!

Ganun pa man, hindi pa rin natin maikakaila na nagiiba na ang pagiisip ng mga botante dito sa Pilipinas. May mga kaibigan akong naka rehistro pero wala pa rin namang balak bumoto. May iba naming walang pakealam kung tumanda na silang di nakakaboto dahil sa dahilang wala naman epekto sakanila ang kalabasan ng eleksyon. Pero meron pa ring wala lang, manalo man o matalo, sige lang… at AKO YON!

Wednesday, March 14, 2007

Mcfriends

Reporting ko kagabi sa isa kong klase sa school. Tungkol ito sa mga kotse, kung ano ang naging epekto nito sa kapaligiran, sa kalikasan at sa mga tao. Sabi sa nabasa ko, simula nang naimbento ang kotse, napansin ng mga tao na isa na itong“major necessity” sa kanila, sa atin. At sa paglipas ng panahon, naging “dependent” na ang mga tao sa kotse at ang dating “major necessity” ay nagiging “major luxury.” Hindi na daw kayang mabuhay ng iba nang walang kotse. Isa itong bagay na pwede ko nang tawaging… nakamamatay.

Para na rin itong Mcdonalds na simula nang naimbento at naitayo, nasama na ito sa pang araw-araw na pagkain ng mga tao. Mcnuggets, mchicken, mcburger, mcfries… Mculam!

Ikaw, ano ang pang araw-araw mong kahit ano?

Mcelphone? Mcoffee? Mcbeer? Mcyosi?

Para sa akin, bukod pa sa material at mabababaw na bagay na IKAMAMATAY ko kung wala nito, hindi ko ata kayang walang taong makausap, makasama, maka chat o maka text sa isang araw. Di ko alam kung anong gagawin ko kung wala ako nito. Ako ata ang tipong tao na makaibigan kaysa sa makapamilya. Masama ba yon?

Tinanong nga ako ng isa kong katrabaho kung ano ang magpapasaya sa akin, lasing ako non, kaya wala ng isip-isip! Isa lang ang sagot ko, sabi ko, KAIBIGAN ang pang patay-lungkot ko sa buhay ko. Ayos!

Kaya naman kung tatanungin ko ang sarili ko kung “ano ang pang araw-araw kong kahit ano?” Ang aking “major necessity,” ang ikamamatay ko pag wala nito: ang aking Mcfriends. =)

If COVID-19 Didn't Happen

"We will remember 2020 as a year of disease and death, and lockdowns that separated friends and relatives, and businesses from customer...