Thursday, December 21, 2006

BAHALA KA NA


Nagsisimba ka ba madalas o mahilig ka bang magbasa ng mga libro tungkol sa Diyos? Nag ba bible study ka ba o sumasama sa mga samahang maka Diyos? Yung tipong mahilig sa praise songs at prayer meetings? Ako hindi.

Kasali ako sa isang organisasyon na nagpapatakbo ng retreat. Oo, tungkol sa Diyos ang pakay namin pero hindi ako katulad ng iba. Pero mawiwirduhan ka ba sa akin kung sabihin ko sayong mahilig ako magdasal? Yung tipong naliligo o umiihi na lang, nagsasalita pa ako mag-isa at nakikipagusap sa Kanya. Ewan ko kung ano ang tawag mo sa ganon, pero para sa akin, pagdadasal ang tawag ko sa don.

At kung sakaling matanong mo kung ano ang madalas kong sinasabi sa dasal ko.. Yun yung, “BAHALA KA NA SA AKIN LORD! etc etc etc..”

Pag-aalay ba ang tawag sa ganon, pero ako kasi, hinayaan ko na Siya ng tuluyan na gumalaw sa takbo ng buhay ko. Na putangina, (teka, busina lang muna..) kahit masaktan pa ako, madapa, umiyak, humagulgol, maglupasay o kung anuman yan.. Sa bandang huli, ok na lang sakin yun dahil alam kong kasama yun sa takbo at pinlano Niya para sa akin. Alam ko, at solid tibay ng paninindigan kong hinding-hindi Niya ako pababayaan kahit ano pang mangyari sa akin. Na kung mamatay man ako ngayon pagkatapos nito, alam kong naka plano na yun sa itinerary ng life story ko.

Hindi ako takot mamatay. Basta wag lang aksidente ang dahilan kasi pangit ako pag nangyari yon. Kung tatanungin mo ako kung ano ang sasabihin ko sa Diyos pag malapit na akong mamatay.. sasabihin ko lang ay: “OK LORD, tara!”

Hindi din ako nangungumpisal sa pari dahil alam kong nakakaabot naman sa kanya ang lahat ng paghihingi ko ng tawad sa lahat ng nagawa kong katarantaduhan. Gusto kong magmayabang pero alam kong malakas ako sa Kanya. Di man Niya binibigay ang lahat ng gusto ko, ok lang yun dahil better luck next time na lang. Ahahahahaha!!

Hanggang kaya kong maalala, nagpapasalamat din ako sa lahat ng binigay Niya sa akin. Ang lahat ng kasiyahan at kalungkutan na naranasan at nararanasan ko ngayon. May mga bagay na MALAMANG hindi mo kaya sang-ayunan pero sigurado akong sasang-ayon ka sa paniniwala ko sa Kanya.

Sa punto ko ngayon, napansin kong napapaliko ako sa trace ng riles ng buhay ko. Nawawala ako sa pokus ika nga. Nawiwindang, “kumagulo” sabi nga ni Soleil. Pero di pa din ako napapagod kausapin Siya kahit alam kong minsan nawiwirduhan sakin ang nakakatabi ko sa bus. Kung anuman yung tumatakbo sa utak ko ngayon, alam kong alam na Niya yun at eto lang.. BAHALA NA ULIT SIYA SA AKIN.

Sa susunod na araw, sa susunod na kabanata ng buhay ko, wala pa rin sanang humpay ang pagsasalita ko mag-isa kahit nasa tricyle ako. Nais ko sanang kausapin Siya kahit hindi ko pa mashado marinig ang lahat ng sagot Niya.

AMEN.

Sunday, December 10, 2006

"eto na yun!"



Ikaw ba ay kabilang sa mga taong naghihintay, nagaabang at naiinip paminsan-minsan? Yung tipong antagal mo na sa kolehiyo dahil kasama sa hobbies mo sa friendster ang magtagal sa kolehiyo. Yung tipong sobrang tinatamad at wala ka nang gana sa trabaho at hinihintay mo na lang na may bagong trabaho na dumating para sayo. Yung tipong sobrang ilang dekada ka nang walang ginagawa sa buhay mo kundi magpaka-tambay at naghihintay ka na lang na may bumagsak bigla na trabaho galing sa puno ng buko. Yung tipong antagal mo nang walang buhay pag-ibig at pakiramdam mo wala ka talaga sa listahan ni Santa na magkakaron ng boyfriend bago magtapos ang taon.

Tapos, sa haba-haba ng prosisyon, dun din pala ang punta mo, sa matagal mo nang hinihintay. Reality check ika nga ng butihin kong kaibigan, na dinugtungan ko na lang din ng sabihin kong.. totoo nga! Eto na yun.

Eto na yun! May bago nang trabaho na nagaabang para sa akin. Eto na yun! Magmamartsa na din ako sa PICC. Eto na yun! Makakapag-suot na din ako ng polo dahil magkakatrabaho na ko. Eto na yun! Magkaka boyfriend na ulit ako. Totoo nga! Eto na yun.

Pwede na nating sabihing, oo nga’t nag-aabang ako ng panahon na dadating ako sa estado na kung saan, masasabi ko sa sarili ko na “des es da moment” ni Erik Santos. Nung isang araw, nag reality check ako at nasabi ko sa sarili ko na eto na yung panahon na yun. Eto na yung panahon na kailangan kong humakbang sa isa pang level dahil tapos na at hindi na ako kailangan maghintay pa. At ang naramdaman ko? Pumitik ako.

Di ko napigilan dahil pucha! tao lang naman ako diba? Wala akong dapat pagsisihan sa akung anuman ang nagawa ko at kung anuman ang naging epekto sakin nito, wala din akong dapat ipaghinayang.

Sa mga dadating pang kabanata ng buhay ko na kung saan e, mararamdaman ko at bubulaga sakin ulit ang mga katagang “eto na yun”, nais ko sanang mapigilan kung ano man ang magawa ko sa mga minutong iyon. Hangad ko sana na matanggap ko na lang ng buong-buo kung anuman ang ibato sa akin ng tadhana ng buhay ko. Para naman hindi na ako mamroblema sa magiging epekto ng lahat ng ito. Sa dadating na magagandang bagay na naka plano na para sa akin, nais ko sanang matanggap na ang mga iyon ASAP para di na ako maghintay at mainip pa.

At para sayo, na naghihintay o nakaranas na ng “eto na yun!” moment, sana matanggap mo ng buong-buo ang lahat nang yon. At para sayo din ang aking huling paalala…

good luck.

If COVID-19 Didn't Happen

"We will remember 2020 as a year of disease and death, and lockdowns that separated friends and relatives, and businesses from customer...