Malaki na daw ang halaga ng cinco sentimos noon. Lalo naman ata ang sinkwenta pesos. Naalala ko sabi ni ermat, mahal na daw ang isang daang piso noon. Pero ngayon, parang piso na lang ang halaga nito. Paano pa kaya ang halaga ng isang-daan sa susunod na henerasyon? Di mo na namamalayan, papel na ang pambayad sa dyip at traysikel. At hindi na uso ang suklian na barya sa tindahan.
Sabi ko nga, parang kailan lang… limang piso lang busog ka na sa saba con yelo pang merienda. Parang kailan lang, dalawang piso lang ang pinambabayad sa pamasahe. Parang kailan lang, malutong na limang piso lang ang pinamimigay na pamasko sa mga inaanak.
Minsan nga pag nanunuod ako ng isang milyong pa premyo sa tv. Parang gusto kong sigawan iyong host na.. HOI! HINDI NA UUBRA ANG ISANG MILYON NIYO! Parang.. “helloooooo? 1 million is like… whaaaat-evr!” ahahaha. (joke lang!) Diba? Diba? Diba? Antagal na ng isang milyon na yan e.. sana naman gawin na nilang isang milyon at tatlong piso ang premyo para mas exciting! Pero oo na.. sige na, saan ka nga naman dudukot pandagdag sa isang milyon e ang hirap hirap na nga ng buhay ngayon.. Pero, pucha!! Bakit ka ba nakekealam?!
Naku, siguradong daan-daang libo na ang tuition fee ng kolehiyo pagdating ng panahon! Kaya nga sabi ko sa nanay ko, pag ako nagka-anak, pang tatlong taon lang ng kurso at sa public iskul ko lang siya papaaralin noh! Hindi pepwede sa akin ang masteral o trimester na unibersidad! Naku naku naku! Huwag siyang maluho baka gusto niya wag ko na siya paaralin! Ahahaha joke lang ulit.
Sabi nga ng ka-opisina ko.. “naku mam! 1.5million lang po! Murang mura na po iyon..” eh.. (ano kamo?) murang-mura? E kamuntikan na ngang mapamura iyong kliyente sa presyo e. ahahahaha!
Ganoon nga talaga ang panahon. Habang tumatagal, nagmamahal ang pamumuhay ng mga tao. Pero, ganoon pa din ang presyo ng sweldo sa trabaho. Badtrip.
Un lang.
Monday, March 27, 2006
Isang Daan = Piso
Wednesday, March 08, 2006
.....
Ano na ba balita sa radyo at tv? Ang una kong nabalitaan, nag diklara ng “State of Emergency” si PGMA tapos ang sunod ko nang nabalitaan sa nanay ko, bakla daw si Rustom. Aba! Aba! Aba! Teka… May koneksyon ba ang dalawang balita na nakuha ko? Ahahaha biro lang.
Nakatanggap ako ng text nung isang araw, 13days daw pagtapos manalo si Pacquiao, nagka stampede sa ULTRA. 13days ulit, nagka-landslide naman sa Leyte. At pagtapos ng 13days ulit, BAKLA SI RUSTOM! Huwaaaat? (patay tayo jan!) biro lang.. peace tayo Carmina! Ahahaha labo……
International Women’s Month ang buwan ng Marso. E ano ngayon? Wala man lang party.. hasel!
Nakatanggap ako ng text nung isang araw, 13days daw pagtapos manalo si Pacquiao, nagka stampede sa ULTRA. 13days ulit, nagka-landslide naman sa Leyte. At pagtapos ng 13days ulit, BAKLA SI RUSTOM! Huwaaaat? (patay tayo jan!) biro lang.. peace tayo Carmina! Ahahaha labo……
International Women’s Month ang buwan ng Marso. E ano ngayon? Wala man lang party.. hasel!
Subscribe to:
Posts (Atom)
If COVID-19 Didn't Happen
"We will remember 2020 as a year of disease and death, and lockdowns that separated friends and relatives, and businesses from customer...
-
Sabado ng gabi, nasa Antipolo.. Dasal ako ng dasal habang umiiyak. Sabi ko sa Kanya, bakit hindi niya mabigay sa akin ang matagal ko nang hi...
-
i tried it and THANK GOD it worked! *whew!* Microsoft should create a newer software that is "bug free". My Zune 30 is frozen. Wha...
-
It’s Saturday evening and I chose to stay home and watch TV. I know I’ll get bored with watching TV but this movie changed my mood for the n...