Siguro naman nabalitaan niyo na ang nangyaring trahedya sa Ultra kaninang umaga. Stampede na pumatay ng maraming tao, teka… pumatay ng maraming matatandang babae pala. Nakakagulat, hindi natin akalain na aabot sa ganito kagrabe ang problema ng kahirapan sa bansa. Na may mga matatandang gusto pang makipagsapalaran sa mga matataong lugar at makipaglabanan sa siksikan, sa init at sa gutom para lang sa magandang kapalaran na wala namang kasiguraduhan. Ultimo mga sanggol dinala pa baka sakaling swerte hindi ba?
Hindi ko alam kung ano ang gusto palabasin ng kapalaran kung bakit ganito kalala ang pangyayari kanina. “God works in mysterious ways” ika nga. Ano kaya ang gusto palabasin sa atin ng Diyos? Sabi nga ni Sharon Cuneta, “ilang wake up calls pa ba ang kailangan natin?” TAMA! Naisip at natanong mo din ba yun sa sarili mo? Kung gaano kasaya ang pagkapanalo ni Manny Pacquiao sa boxing, ganoon din kalungkot ang pagkamatay ng mga tao sa stampede. Pero ano-pa-man, naging saksi ang media sa pakikiramay ng mga nakararami sa mga naagrabyado. Maniwala man kayo o hindi, nabubuklod lang daw ulit ang isang watak-watak na pamilya pag may sumulpot na malaking problema/trahedya sa kanila. Nakakalungkot isipin pero ito na nga ang epekto ng realidad na ating ginagalawan.
Ngayon, naniniwala na ko na kung gaano kabigat o kagrabe ang problema/trahedya na nakatapat sayo.. ganoon din kagrabe ang kamalian na kailangan baguhin sa buhay mo. Teka, naiintindihan mo ba? Ahahahaha. Ganito na lang, halimbawa na nga lang na sobrang lala na ang away ng inyong pamilya yung tipong halos hindi na kayo mapagsama-sama kahit ano pang pagtitipon-tipon ang gawin niyo.. nang biglang namatay ang isa sa kapamilya niyo. At dahil dito, nanaig ang pagiging magkakadugo ninyo at nagkabuklod-buklod na kayo ulit…O kaya, dahil sa napakatamad mong estudyante na wala ka na atang balak magtapos ng pag-aaral. Tapos sa sobrang konsumisyon sayo ng tatay mo dahil hindi ka na makuha sa ano pang pagalit o pagtatampo, bigla siyang naatake sa puso. At dahil don, natauhan ka at minabuti mo nang tapusin ang pag-aaral mo.
Kuha mo na?
Kung sa eskwelahan pa, kung hindi ka makuwa sa tingin ng titser mo dahil sa kaingayan at pagbubulabog mo... mapipilitan siyang palabasin ka sa room ninyo. Ganoon din siguro ang Diyos sa aking paniniwala. Na kung hindi ako/ikaw/tayo makuha sa isang simpleng hudyat ng Diyos na kailangan nating ituwid ang ating pagkakamaling nagawa sa buhay, mapipilitan siyang gumawa ng paraan na lalo tayong masasaktan/mahihirapan para lang maging malinaw sa atin na wala na sa tamang direksyon ang ating napupuntahan. Nasasayo na lang siguro iyon kung paano mo iintindihin ang mga pahiwatig Niya sa iyo.
Mabalik tayo sa nangyari na stampede sa Ultra… Maghihintay pa kaya tayo na mangyari sa atin o sa mga kababayan natin ang mas-malalang trahedya? At para sa kanya-kanyang buhay, maghihintay ka pa bang may mangyaring trahedya sa buhay mo bago ka mamumulat sa katotohanan na mali na ang landas na dinadaanan mo?

1 comment:
kesi tama ka! pero the bottom line is.. pinakita ng happening na to kung gano na ka desperado ang mamamayan mag ka pera or should i say insta- asenso which hindi tama.
masyado sila nag ccling sa sa tulong at bigay ng kapwa nila. masyado sila nag papaawa which is hindi naman pwede habang buhay kaawaan.. pero yan na eh nag yari na.. ano pa ba magagawa natin? not unless may mag babago? kelan pa?
Post a Comment