Anong masarap gawin para sayo? Matulog, kumain, manuod ng tv, humilata, makipag-inuman, magyosi, magbasa ng libro, maligo, makipag-kwentuhan, o makipag-lampungan? Hindi ba sumagi sa isip mo na masarap din makipag-yabangan?
Yun bang nagkasama-sama kayo ng mga kaibigan mo tapos may bagong balita tungkol sayo na puwedeng-puwede mo ipagyabang.. Pero siguraduhin mong may katuturan para hindi ka matabla ng mga kasama mo. Na kulang na lang e, ipaskil mo sa noo mo na: “MAY IPAGYAYABANG AKO!” yehey..
Ansarap magyabang lalo na kung pinag-hirapan mo talaga tapos kahit anong sabihin nila, paniwalang-paniwala ka sa sarili mo na umangat ka kahit papano. Hwag mo akong masamain pero totoo naman diba? Kung wala kang yabang, korny ka na masyado! Magisip-isip ka na dahil anong petsa na, wala pa ding bago. (Wag mo lang sobrahan ang yabang mo, utang na loob.)
Bago… Bagong napuntahang lugar, bagong napag-aralan, bagong trabaho, bagong nasulat na kanta/tula/artikulo, bagong naipundar.. sa madaling salita, bagong naabot! Kuha mo na?
(Hindi ko na sinama yung mga bagong bagay na walang kakwenta-kwenta.)
Ganito na lang, naranasan mo na ba na may graded recitation sa klase, tapos may tanong ang masungit na hindi naman kagandahan/kagwapuhan mong titser tapos… NASAGOT MO!!! (Lakasssssss) tapos sabay hiyaw ng mga kaklase mo dahil ikaw lang ang may-alam ng sagot. Ansarap magyabang at isampal sa mga kaklase mong matatalino at mahilig magdamot ng sagot na matalino ka at bobo sila sa mga panahon na iyon! Bwahahaha! O kaya, nakapasa ka sa exam na hirap na hirap ang iba sagutan. HANEP! Painom ka naman!
O diba, mga bagay na ganyan, sige lang at ipagyabang mo! Wala naman masama. Mga naabot na walang makaka-angkin na sinoman. Sayo lang, puwede din nilang maabot pero walang makakapantay ng pakiramdam na naramdaman mo sa mga oras na iyon.
Kung ikaw ang taong walang napagyayabang sa kahit anong kwentuhan, matulog ka na lang.
Ikaw ba ang taong o may kilala ka bang taong marami nang mapagyayabang o sabihin na nating, mataas-taas na ang naabot? Na pakiramdam mo, kahit anong gawin mo, lamang pa din siya ng isang paligo sayo. Naalala ko yung propesor ko noong kolehiyo. Sobrang nakakatakot magturo. Yung tipong, hindi ka puwede magpakita sa kanya kung wala kang alam sa subjek niya. Hindi mo siya puwede sumbatan dahil kahit anong pakikipagtalo, hindi ka talaga mananalo sa kanya. Galing! Sabi nga ng kaklase ko, may karapatan magtaray at manakot ang propesor naming iyon dahil talagang madami na siyang naabot sa buhay. Naabot na puwede ko, mo ding maabot.
Sabi ko nga sa sarili ko, pagnagkita kami ulit ng propesor kong iyon, dapat may ipagyayabang na ko. Para hindi niya isipin na nagtapos lang ako sa pag-aaral tapos wala lang. Dapat pag tinanong niya ako kung ano ang pinagkaka-abalahan ko, dapat may ma-isasagot ako na may katuturan. Ahahahaha!
E, ikaw?