Wednesday, January 11, 2006

PITIK

Para sa mga taong hindi marunong magpahalaga ng mga nagmamahal sa kanila. Para sa mga anak na minumura mga magulang nila. Para sa mga walang modo. Para sa mga boss na kung magbigay ng deadline sa empleyado e parang wala nang bukas. Para sa mga nanay na pinamimigay ang mga anak. Para sa mga nagtatapon ng salapi at akala yata nila natatae ang pera. Para sa mga matapobre na kala mo naman kagandahan. Para sa mga sadista. Para sa mga swapang sa sagot sa exam. Para sa mga walang awang mga professor. Para sa mga manhid at hindi marunong makiramdam sa nararamdaman ng ibang tao. Para sa mga hindi nag-iisip at nung nagpasabog ng kabobohan ang Diyos e, nasalo nila lahat. Para sa mga walang ka-kwenta-kwentang boyfriend/girlfriend. Para sa mga walang pakealam sa kinabukasan. Para sa mga ubod ng batugan. Para sa mga gago at kupal. Para sa mga manloloko. Para sa mga hindi nagbabayad ng utang. Para sa mga bastos. Para sa mga sinungaling. Para sa mga chismosa. Para sa mga mahilig manira ng puri. Para sa mga nangiiwan sa ere pag group project/report. Para sa mga napapabaya sa pag-aaral. Para sa mga hindi marunong tumanaw ng utang na loob. Para sa mga takaw-away. Para sa mga mayayabang. Para sa mga nangotngotong na pulis. Para sa mga babaerong tatay. Para sa mga malalanding kababaihan. Para sa mga hayok sa kababuyang gawain. Para sa mga mamamatay tao. Para sa mga rapist. Para sa mga walang pakealam sa bansa. Para sa mga snatcher ng cellphone at bag. Para sa mga druglords, para sa mga abusero. Para sa mga hacker ng account sa atm. Para sa mga pumapatay ng mga aso. Para sa inyo lahat ito…

Etong para sainyo…

_l_ pakamatay na lang kayo.. mgagago!

Wednesday, January 04, 2006

ONLI IN DA PILIPINS

"Paano mo malalaman kung dugong pinoy ang pinagtanungan mo ng direksyon? Sagot, kapag may kasamang nguso sa pagturo ng kanan o kaliwa."

Hindi mo naman maikakaila ang mga magaganda, di maganda at lalong-lalo na ang mga nakakatawang kwento na sa pilipinas mo lang naman matatagpuan.

1. Sino nagsabing ang gamot sa sprain ng ankle ay para doon lang? Hindi yata! Puwede rin ito gamitin para mapatawa mo ang sarili mo ng higit sa limang sigundo.

2. Sino may sabing ang kape ay iniinom lang? Hindi yata! Puwede mo din itong ihalo sa kanin para sa katakam-takam na umagahan.

3. Sino may sabing sa umaga lang tumitilaok ang manok? Hindi yata! Kahit hapon o gabi puwedeng puwede pa rin sila magbanta.

4. Sino may sabing kadiri ang palaka? Oo nga.. nandun na ko. Pero alam niyo bang puwede din itong kainin?

5. Sino may sabing mahilig mag-aksaya ng pagkain ang mga pinoy? Aaaah.. mali kayo don! Dahil ultimo kasuluk-sulukan, kasingit-singitan ng bahagi ng katawan ng manok ay napapakinabangan.

6. Teka, bakit mo pinansusulat yang pentelpen mo? Puwede rin yan amuyin at singhutin.. teka, akin na……

7. Sinong nagsabing masyadong maraming mahirap sa pilipinas? Di yata! Kahit sino dito may cellphone! Kala mo ha…

8. Sino may sabing bastos ang mga pinoy? Hindi yata! Kahit galit nga, malambing pa din. Tanong mo sa mga ilonggo..

9. Teka, bakit niyo tinatapon ang nasirang plastic balloon? Puwede pa yan gawing bebol gam.

10. Tska, bakit wala masyadong binebentang trench coat dito sa atin? Puwede mo din naman ito gamitin pang porma kahit mainit. Ahahahahahahaha

11. Wala na ba kayong pampulutan? Asusena puwede.

12. Natatakot ka bang mahuli na nanay mo na nagyoyosi ka? Natatakot ka bang mangamoy usok ang daliri mo? Gamitan mo ng straw ang yosi tuwing hihithit ka para di mo mahawakan.

13. Napapaitan ka ba sa redhorse? Narinig mo na ba na ang extra joss ay puwede mong ihalo dito para matamis ang lasa ng beer mo?

14. Paikutin mo ang takbo ng relos mo. Gawin mong isang oras, pabalik. Kasi pag sinabing 9:00am ang meeting, 10:00am talaga iyon! Tanga!

15. Lampas labing-walong gulang ka na ba? Ok lang yan, nandiyan pa naman si mommy para bigyan ka ng allowance.

If COVID-19 Didn't Happen

"We will remember 2020 as a year of disease and death, and lockdowns that separated friends and relatives, and businesses from customer...