Tuesday, March 29, 2005

Buhay Amerika

Nandito ako ngayon sa newjersey, kakadating ko lang galing newyork. Magdadalawang linggo na ko dito, at eto na... nagsisimula na kong malungkot. Andami ko nang sakit sa katawan. Hindi kasi ako sanay sa lamig. At pagminamalas ka nga naman, umuulan pa dito ng snow (ok talaga!). Napapadalas ang pagtawag ko sa bahay dahil wala akong masabihan ng mga hinaing ko. Kahit alam kong wala namang magagawa ang pagtawag ko sa bahay at pagsusumbong ko sa lahat ng nangyayari sakin, sige lang...Buti na nga lang at may computer dito sa bahay ng tita ko.

Naaalala ko tuloy ang kwarto ko. Hindi kasi ako lumalabas ng kwarto ko dahil magdamag akong nagiinternet. At ngayon naman, nagmamaka-awa na ko makalabas pero hindi ko magawa dahil nga malamig (ano ba! ang kulet mo..) Naisip ko, ito ba ang mga kapalit sa nakuha kong pangarap? Hindi ko puwedeng makuha lahat ng bagay sabay-sabay. Nangarap akong makapunta ng america at ngayon na andito na ko, hindi naman ako ganon kasaya. Naninibago ako dito, namimiss ko mga tao sa pilipinas at lalong-lalo na, nahihirapan ako sa kalagayan ko. Nakikitira lang ako dito kaya naman mahirap ang sitwasyon ng ganito.

Bahay ng tita ko ang tinutuluyan ko. Mag-isa lang siya dito, pumunta siya ng america nung bata pa lang ako. At sigurado akong, ganito din ang naranasan niya dati. Siguradong hirap din siya sa lamig, at hirap din siya makisama sa ibang tao noon. Mahirap naman talaga lalo na pag sa ibang bansa. Mahirap......seryoso. Pero ngayon, ok na siya sa lahat. Nahaluan na ng ugaling kano ang tita ko. Hindi na nga siya masyado nagtatagalog at matulin na siya kumilos. Ganon ba talaga?

Masaya naman sa america, oo! Mahusay ang pamumuhay.. walang trapik at hindi magulo. Pero pag mag-isa ka lang, hay jusko......Busy lahat ng tao dito sa america. Bawal ang tatamad-tamad kaya naman hindi puwede ako magpakareyna dito. Mabilis ang pera dito sa america, sapat ang sweldo sa mga bilihin. At talaga namang solb na solb ang mga pagkain. May disiplina ang mga tao. May maloloko din naman pero hindi gaano. May mga taong grasa, namamalimos at iba pa. May mababaet na kano meron din namang masungit. Kinakatakutan din ang mga polisya dito, bawal gumawa ng katarantaduhan at siguradong magbabayad ka. Pero gayunpaman, iba pa din ang buhay pilipinas. Magulo man sa pinas, masaya pa din. Hindi ko lahat ito naisip nung nangarap akong magibang bansa. Sabi ko pa dati, gusto ko na tumira dito..

Ngayon, nagdadalawang isip na ko. Nagdadalawang isip akong makipagsapalaran sa isang lugar na ganito. Mahirap pero kailangan kayanin dahil parte ito ng pangarap ko. Pangarap na may kasamang paghihirap. Hindi ko alam kung masyado lang ako nagdadrama dito.. pero pasensha na ganon talaga.
Dalawang linggo pa at pupunta na ko sa sanfrancisco, at pagkatapos ng isang linggo... uuwi na din ako sa pinas! 3 linggo? bakit parang ang tagal........

Tuesday, March 15, 2005

Magulo, isipin mo...

Umuwi ako, 6:30pm nasa bahay na ko.. himala! Naabutan kong nanunuod ng balita ang tatay ko. Wow, nasalpak na naman sa headline ang nangyaring putukan sa Bagong Diwa. Ang labing-dalawang Abu Sayaf at in-mates na patay at iba pang sibilyan na sugatan. Teka, ano na ba nangyayari? Gulo, away, patayan, kalamidad, na-reyp sa talahiban, mag-asawang nagdemandahan, ang walang humpay na pagkalat ng mga sex videos, natulog sa ilalim ng trak… nasagasaan, patay! Hala…. Eto na ba talaga mga pangyayari ngayon?

Anong nangyari? History repeats itself, ang kaguluhan ay patuloy na dumadagdag hindi lang sa ating bansa ganon din sa ibayong dagat. Asan na ang tinatawag na kapayapaan? Naisip ko tuloy, ito na kaya ang hudyat ng katapusan ng lahat? Dadating ang panahon magpapatayan na lang ang mga tao ng di natin namamalayan. Ang mabibigat na nadudulot ng kalamidad sa mundo… Ito kaya ay isang panuntunan sa mga tao para magkaroon ng kapayapaan? Ang pagtulong-tulong ng iba’t-ibang bansa sa mga nasalanta ng tsunami sa Thailand, ito kaya ay patungo na sa sinasabing pagtutulungan tungo sa kapayapaan?

Teka, magusapang lasing muna tayo. Impossible na bang magkaroon ng kapayapaan sa mundo natin? Kapayapaan, peace… pinag-aaralan ko yan sa kurso ko pero hindi ko pa rin alam kung magkakaroon pa ba nito. Kapayapaan sa bansa, sa magkakaibigan, magkaklase, sa pamilya, sa magkakapit-bahay, sa magkakagrupo o sa kahit saan pa. Puwede pa ba?

Dalawang buwan na kaming hindi naguusap ng kapatid ko. (Tama ba dalawang buwan?) Mas maraming beses pa ata ang away naming kaysa bati kami. Parang bata diba? Pero yun ang totoo. Hindi ko alam kung kailan kami magbabati pero sigurado akong mag-aaway ulit kami. Komunikasyon, walang ganon. Nasaan naba ito?

Komunikasyon na magdudulot ng kapayapaan. Madaling sabihin pero mahirap sabihin hindi ba? Minsan, mas mabuti nalang na wag pagusapan para hindi na lumaki ang gulo pero minsan kailangan na e…Para ano? Para magkaharapan tapos magkaka-ayos tapos mag-aaway ulit? (ahahahaha) tama nang pahirap!! Ibagsak!

Hindi naman daw maiiwasan na magkaron ng gulo dahil parte daw ito ng realidad. Realidad na umuudyok sa atin na puwede naman mag-away dahil natural lang naman iyon. Pero ang pagkakaron ng kapayapaan sa pagkahalatan, parte din kaya ito ng realidad? Isipin niyo…….

Baka pati ulo niyo magkagulo…


If COVID-19 Didn't Happen

"We will remember 2020 as a year of disease and death, and lockdowns that separated friends and relatives, and businesses from customer...