Sana ganon lang kadali ang buhay.
Sana pwede mo makuha ang trabahong gusto mo at ito rin ang trabahong
magpapayaman sayo. Sana totoo ang “walang personalan, trabaho lang.” Sana lahat
ng trabaho na binibigay ng trabaho ay nagagawan ng paraan. Sana ganon lang
kadali.
Sana hindi mahirap magpapayat. Sana kapag nag skip ka ng meal, mababawasan
ka ng taba ng ganon-ganon lang. Sana pag naisipan mo magpapayat at nag exercise
ka ng isang araw, mabawasan ka na agad ng timbang. Sana tuloy-tuloy.
Sana crush ka din ng crush mo. Sana kahit yung one time sulyap e
maging crush kadin niya. Sana walang effort, tapos MU na kayo. Tapos ma in love
nadin siya.. Ganon.
Sana hindi mashado nakaka pressure ang society. Sana kahit lahat sila
may boyfriend na or engaged na or may asawa’t anak na e sana wag nila isipin na
END OF THE WORLD NA PARA SAYO AT KAILANGAN MO NA DIN MAKITABO. Na sana wag
isipin ng mga tao na gusto mo tumanda mag-isa at mamatay ng walang kwenta. Dahil
hindi naman totoo yun.
Sana lahat ng tao marunong makiramdam. Para di sila nakakasakit.
Sana pwede mabigay lahat ng bagay na magpapasaya sa magulang. Para
quits!
Sana hindi ganon kamahal pumunta at lumibot sa ibang bansa. Sana pwede
mo ito pagplanuhan ng isang araw lang tapos lipad kinabukasan.
Sana ganon kadali ang buhay. Pero hindi.
Hindi natin ito kontrolado. Kailangan natin maging matibay para
mabuhay. Pwede ka manalangin. Pwede ka mangarap. Pwede ka din mag-imagine na nangyayari yung mga gusto mo mangyari tapos magigising kadin sa katotohanan na hindi lahat ng bagay pwede mo makuha. Hindi lahat ng gusto mo pwede mapasayo. Dahil ang totoo, kailangan mo makipag-laban. Sa araw-araw ng buhay mo, hindi ganon kadali. Kailangan mo paghirapan para makuha ang kung ano man ang gusto mo. Pero hindi ganon kadali.
Hindi ka rin pwede mag reklamo.
Minsan nakakagalit, nakakaasar din. Minsan nakaka walang gana. Pwede
mo gawin yun. Pwede mo maramdaman. Pero wag mashado. Wag matagal.