Lampas lampas pa sa daliri niyo lahat ang bilang ng mga kaibigan ko. Ako na yata ang isa sa mga taong napaka friendly na tao. Aminin mo J
Namana ko sa tatay ko ang pagiging friendly. Sabi niya sakin, kailangan maging “pala-kaibigan” ka kasi malungkot ang walang friends. Totoo naman diba?
Naimagine mo ba ang buhay ng isang tao na dadalawa o tatatlo lang ang kaibigan sa mundo? Yung hindi mo tuloy malaman kung may mali ba sayo..sa kanila.. o talagang nung nagpasabog ang diyos ng friends e nasa dulo ka ng crowd kaya mga “latak” nalang ang nasalo mo. Hihihi
Masaya ako kasi madami akong kaibigan. Hindi man ako swerte sa love life, madami naman akong friends.
Pero alam mo kung ano ang “lowest point” ko sa buhay? Yun yung time na pakiramdam ko iniwan nila ako lahat. Sabi ko sa sarili ko, buong buhay ko lagi akong nanjan para sa friends ko. Wala akong ginawa kundi ang pasiyahin sila pero bakit nung panahon na kailangan na kailangan ko sila.. bakit parang wala naman sila?
Mabigat ang pinagdaanan ko ngayong taon, pero kaya ko. Wag lang sana nila ako iiwanan.
Hanggang sa dumating yung turning point ng kwento na toh.
Nang matutunan kong i-distansya ang sarili ko sakanila. Nabasa ko kasi sa isang quote sa internet na “hindi mo kailangan dumipende sa iba para maging masaya.. dahil at the end of the day, wala namang tutulong sayo i-handle ang lahat kundi IKAW LANG.” (something like that).
Pinilit kong intindihin yun. Ilang beses ko na naman naririnig yung ganon e. Na kesyo ang “happiness” ng tao ay nanggagaling sa sarili..pag natuto kang makuntento..happy ka. E hello, paano ka makukuntento kung di mo naman makuha-kuha ang gusto mo sa buhay? Paano ka magiging masaya kung may kulang pa?
(naiiyak ako habang tinatype ko toh..)
Narealize ko na magiging masaya ang isang tao pag natuto na syang tumanggap - makuntento sa buhay.
Napanood ko yung video ni Oprah. Sabi niya dun:
“When you have worked as hard and done as much and strived and tried and given and plead and bargained and hoped - Surrender. When you have done all that you can do, and there is nothing left for you to do. Give it up. Give it up to that thing that is greater than yourself and let it then become a part of the flow.”
Tska ko lang na pag connect ang lahat. Na pag nagawa mo na lahat ng kayang mong gawin, tumigil ka na. Makuntento ka na. Na kahit hindi mo man nakukuha ang gusto mo, at least nabigay mo ang lahat. Kailangan mo din matutong magtiwala. Magtiwala sa sarili mo at sa Diyos. Na kailangan mong i-let go ang bagay na hindi mo makuha. Emotionally, physically o kung anumang bagay na gusto mo. Na balang araw..sa tamang panahon, matatanggap mo din ang para sayo. Na may tamang panahon sa tamang bagay. Na kahit ano pang hinaing mo sa buhay, hindi nagkukulang ang Diyos sa blessings na binibigay sayo. Na pag natuto kang i-appreciate ang mga simpleng bagay, magiging masaya ka.
Peace of mind? Inner Peace? Totoo pala yun!
Hindi pala ako iniwan ng mga kaibigan ko. Mashado lang pala ako nag e expect na hindi naman tama. Naging dependent ang happiness ko sa ibang tao. Nag focus ako sa negative side na, na nakalimutan kong magpasalamat sa kung ano ang meron ako.
Life is beautiful. Life is short. Learn to face everything, appreciate everything life has to offer. THIS IS YOUR LIFE. TAKE IT, ITS YOURS.
So pano..alam na?