Tuesday, July 12, 2011

Bahala Na si Batman



Pag sobrang wala ka nang masabi.
Pag wala ka nang magawa.
Pag tipong hindi mo na alam ano ang nangyayari.
Pag wala ka nang lakas.
Pag pakiramdam mo kahit ano gawin mo di ka na mananalo.
Pag wala na talagang pag-asa.
Pag pakiramdam mo ikaw na dehado.
Pag wala ka nang tinama.
Pag hindi mo na kayang gawan ng paraan.
Pag puro nalang kamalasan.


"bahala na si batman"

Monday, July 04, 2011

Lokohan


Ayaw ko mag judge ng tao kasi alam kong mali. At hindi naman lahat ng sinasabi ko ay dapat sang-ayunan ng lahat. Ika nga nila, “kanya-kanyang trip to.. walang pakelamanan!” Magbibigay ako ng opinion ko kung kailan ko gusto at hindi naman lahat ng opinion ko kailangan maka-apekto. Bato-bato sa langit.. ang tamaan pangit. Este magalit.

At dahil jan, ito ang opinion ko sa mga manloloko:

Hindi ako nagmamalinis dahil guilty din naman ako sa ganyan dati. Alam ko naman na mali kaya hindi ako nagkulang sa paghingi ng tawad kay Lord. Naniniwala ako sa karma kaya kung karma man ang tawag sa ibang kamalasan sa buhay ko ay tatanggapin ko. So be it. Hindi porket nagawa ko dati ay hahayaan ko nalang gawin ito ng iba. Lalo na ng mga taong malalapit sa akin. May iba na piniling manahimik pag guilty sila (noon man o ngayon), pwes sila yun hindi ako. Hindi ako magkukulang sa pag paalala pero hindi ako mamimilit. Hindi rin naman pwedeng pilitin mo magbago ang isang tao.. ikaw din mahihirapan e. MEHGANON?!

Para sa mga taong hindi kaya maging tapat sa karelasyon nila, pwede namang kumalas muna bago lumandi. Kung ayaw mong umayos ang buhay mo, bigyan mo ng pagkakataon na tumino ang buhay ng karelasyon mo. Wag kang sakim. Masama yun. Kung hindi mo kayang pigilan ang pagiging “over friendly” mo, wag kang makipag commit para hindi ka masumbatan. Pero teka, mag-ingat ka… dahil hindi lahat ng tao kayang maglabas ng sama ng loob. Diba?

Kung sa tingin mo hindi kaselos-selos ang ginagawa mo, wag ka nalang din magselos sakanya para quits. Lokohan na e.. edi fine.

Kung nanloko ka na, pwede ka pa magbago. Seryoso. Huhusgahan ka ng buong mundo sa nakaraan mo pero ang importante yung ngayon hindi kahapon. MEHGANON ULIT?!

Alam mo ang tama at mali, wag kang mag-maang-maangan. At para maintindihan mo ang pakiramdam ng linoloko, subukan mong makipag-palit ng kalagayan (mag imagine ka lang) para ma-gets mo. Sabi nga ni Bob Ong, kung problemado ka sa pamilya o sa love life.. wag kang manisi ng iba. Mag rebelde ka, mag-adik ka kung gusto mo.. after all, buhay mo naman yan. Magloloko ka dahil manloloko ka lang talaga hindi dahil nasaktan ka period.

UNFAIR. Kung gaano kadami ang single, matandang dalaga o binata ngayon sa mundo, ganon din naman ang paglipana ng mga commited/taken na manloloko. Kumbaga sa pagkain, tapon ka ng tapon ng pagkain habang yung ibang tao nagnanakaw na para lang may pantawid gutom.

Bakit ba yung mga manloloko sila pa yung hindi nauubusan ng karelasyon? Sabagay, dami din kasi nagpapaloko.

Ika nga nila.. walang benta kung walang bibili.

Kthanksbye.

If COVID-19 Didn't Happen

"We will remember 2020 as a year of disease and death, and lockdowns that separated friends and relatives, and businesses from customer...